Chapter 1

83 54 37
                                    

Nica's POV

"Oh Nica wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na po Nay."

"Oh siya, hali na."

Lumabas na ako ng pinto bitbit yung mga gamit ko. Sinulyapan ko yung bahay namin sa huling pagkakataon. Itong lumang bahay kung saan ako lumaki. Hindi ko akalain na dadating yung araw na iiwanan ko ang bahay na to. Na iiwanan ko ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Si nanay..

"Oh ayon! Ipara niyo na yung bus na yon."

"Nicaaa! Nandito na yung bus. Bilisan mo na."

Kailangan ko na ngang umalis.

"Babye Ate Nica." -- pinsan ko si Chuchay

"Oh mag-iingat ka don. Wag mong papabayaan ang sarili mo. Mag-iingat sa pagtawid sa kalsada. Magdasal palagi ha?"

"Opo Nay. Kayo din. Alagaan niyo sarili niyo."

Niyakap ko si Nanay. Isang mahigpit na yakap. Umiiyak na si Nanay kaya naiyak na din ako. Alam kong napakasakit dahil ngayon lang ako mahihiwalay sa kanya.

Sumakay na ako ng bus. Sa may bintana ako umupo. Umandar na yung bus at unti unti nang nawala sa paningin ko sila Nanay. Palayo ng palayo. Habang yung luha ko patuloy pa din ang pagtulo.

«»


Kyle's POV

Haaaaaaaaay! Makakauwi na din. Bwesit talaga yung magkapatid na yun--

*Ring

"Oh bakit ba?"

"Wala lang, malapit na flight namin. Baka gusto mo humabol?"

"Nang-iinis ka ba ha Jacky?"

"Eh kasi diba ilang oras ang biyahe pag bus. Ikaw kasi masyado mong ginalit si Jeff kaya yan napala mo."

"Ako lang ba? Dapat ikaw din eh!"

"Well, matalino kasi ako di gaya mo hahahaha."

"Siraulo!" *tot tot tot

Haaaaaayst! kahit kelan talaga ako na lang lagi kawawa. Umupo na ako sa may bintana. Buti na lang bakante pa. First time ko sumakay ng bus kaya mas mabuti pang ienjoy ko na. Bwesit kasi yung Jacky na yun eh. Sila naka eroplano ako naka bus lang? Ganito kasi yun. Ikukwento ko na lang sa inyo.
.
.
.
.

Wag na pala! Pasensya na. Inaantok na kasi ang pogi niyong bida. Kaya, next time na lang.

Hmm, san ba maganda pumwesto. Mas okay siguro kung dito sa may bintana para pwede kong makita yung mga nadadaanan namin. Wala akong oras mang hunting ng maganda dito. Mukhang wala din naman akong makikita. Iidlip muna ako at nakakapagod--

"Ah excuse me, pwede ka bang lumipat sa kabila? Wala na kasing bakante. Kung okay lang sana."-- tanong sakin nung ale na may kasamang bata

"Kaso po gusto ko po sa may bin--"

"Mama upo na tayo, papagod na ko tayo."-- sabi nung bata, at dahil mabait ako

"Ah sige po dito na po kayo para tabi po kayo ng anak niyo." sabi sa inyo mabait ako eh

"Naku salamat iho."

Ngumiti na lang ako. Kinuha ko yung gamit ko at lumipat sa katapat na upuan. Kaso may nakaupo na sa may bintana.

"Uhm, Miss okay lang ba--"

*sniff *sniff

Umiiyak ba siya? Hindi ko sigurado kasi nakatingin siya sa labas ng bintana. Umupo na lang ako sa tabi niya. Nilagay ko yung maleta ko sa harap ko nang--

Played And Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon