Chapter 10

10 4 1
                                    


Nica's POV

Papunta kami ni Faye sa canteen ng makasalubong namin si Kyle sa hagdan. Agad akong nagtago sa likod ni Faye para sana di niya ako makita kaso,

"Hi Manika! Good Morning! ^___^," bati niya habang nakasilip sa akin.

Inilipat ko yung mukha ko para iwasan siya pero sinundan niya ako. Yumuko siya at inilagay yung mga kamay niya sa tuhod niya saka niya inilapit yung mukha niya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.

"Kyle. Sorry pero hindi tatalab yang ngiti mong yan kay Nica."

Hinawakan ni Faye yung kamay ko at nagpaalam na kay Kyle. Buti na lang. Hindi ko pa din kasi makalimutan yung ginawa niya sakin nung isang araw eh.

"Haay naku. Napakaflirt talaga. Wag kang papadala don Nica okay?"

"Hmm." *tango

Pagkadating namin ng canteen bumili si Faye ng kape at ako naman sterilized na gatas. Maaga pa kasi, ang lamig pa ng panahon. Mukhang uulan nanaman.

Pagkatapos namin inumin yun, tumuloy na kami sa locker namin para kunin yung PE uniform. PE kasi namin ngayon.

"Nica!" napalingon kami pareho ni Faye sa taong tumawag ng pangalan ko. Papunta na kami ni Faye ng gym. Kakatapos lang namin magbihis.

"Sumama ka sakin."

"Ha? Ah p-- te--"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil hinigit niya na ako.

"JC wait--"

Pati si Faye walang nagawa.
.
.
.
.
.
.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa huminto kami sa CR ng mga babae.

Anong gagawin namin dito?

"Pumasok ka sa loob then check mo kung may tao."

Eh?

Napatagilid ako ng ulo ko.

"Basta gawin mo na lang Nica please."

Napakurap-kurap ako bago ako pumasok ng CR. Binuksan ko lahat ng pinto. Walang tao.

"Ano?" tanong niya mula sa labas.

Umiling ako bilang sagot. Pagkatapos non, mabilis siyang pumasok at hinubad yung suot niyang PE blouse.

Napakurap-kurap ulit ako sa ginawa niya.

"Ah, ano, sorry. Pero kasi, kailangan mong hubarin yang blouse mo."

"H-ha?"

"Hindi, uhmm, itong blouse ko muna yung suotin mo. M-may nagsulat kasi ng kung ano sa blouse mo eh."

Napatingin ako sa likod ng suot kong PE blouse. May nakasulat nga pero di ko mabasa.

"Bilis na hubarin mo na. Pumasok ka na bilis. Oh."

Binigay niya sakin yung PE blouse na hinubad niya saka niya ako marahan na itinulak papasok ng cubicle.

Pagkatapos kong magbihis, tiningnan ko muna yung sinasabi niyang nakasulat.

S L U T

B I T C H

"Bakit hindi ko to napansin kanina?" bulong ko.

Pagkalabas ko, agad niyang kinuha sa kamay ko yung hinubad kong blouse at dali daling sinuot yun.

"Let me borrow this."

Played And Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon