Pero hindi na dumating ang pagkakataong iyon.
Natakot na ako.
Hindi ko magawang ipakita sa kaniya na seryoso ako. Hindi ko mapanindigan. Hindi ko alam kung bakit.Kaya nagawa kong maghanap na lang ng ibang babae na gugustuhin.
Lumipas ang isang taon.
Nakilala ko si Julie. Mas matanda siya ng isang taon sa akin. Nasa 4th year na siya. Mestiza, maganda at higit sa lahat, sopistikada.
Kaya ng maging kami, sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para kay Irish. Dahil baka infatuation lang ang pagka-gusto ko sa kaniya.
Pero nagkamali ako. Sa tuwing tinitingnan ko siya ay nangingibabaw pa din talaga ang nararamdaman ko sa kaniya.
Napapansin ko din na medyo lumalayo na siya sa akin. Hindi lang din naman sa akin. Pati na din sa mga ka-tropa ko na sina Adrian.
"Pare, bakit hindi na natin nakakasama si Irish sa recess?" Tanong ni Luke kay Adrian.
"Hindi ko nga din alam eh. Nakakatampo nga." Sagot naman ni Adrian.
"Busy lang siya kaya wag kayong magtampo sa kaniya." Depensa ko naman. Kahit hindi na siya sumasama sa amin eh alam ko naman kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Lagi ko kasi siyang kinakamusta kay Lyka.
"Paano mo alam?" Naka-ngising tanong sa akin ni Adrian.
Walang gana ko lang siya tiningnan. Alam ko kasi kung ano ang nasa isip niya ngayon. Kung loko-loko na ako, mas maloko pa siya sa akin.
Nag usap pa kami habang nakatambay sa ibaba ng school building ng mapansin namin ang pamilyar na boses.
"Tigilan mo ako Lyka! Sasabunutan kita!" Agad akong lumingon ng marinig ko ang boses ni Irish. Nakita kong kasama niya sina Lyka at Roselle at masaya silang nag-uusap.
Bigla na lang na parang nalungkot ang mukha ni Irish pero agad siyang ngumiti at sakto ang pagtama ng mga mata namin sa isa't-isa.
May kung may anong kirot akong naramdaman ng magkatinginan kami.
Panandaliang tumigil ang oras ko.
'Gusto kong lumapit at yakapin ka ng mahigpit'
Bigla na lang siyang bumawi ng tingin at nag patuloy sa paglalakad kasama ang mga kaibigan niya. Habang ako naman ay pilit hinahabol sila ng tingin na hindi ko mawari kung bakit parang gusto ko siyang sundan.
"Napansin mo ba na malaki ang pinayat ni Irish?" Sabi ni Luke.
"Oo nga pare. Pansin ko din. Baka may problema." Sagot naman ni Adrian.
"Problema saan?" Tanong ni Luke. Napatingin na ako kay Adrian at tila hinihintay ang sagot niya. Posibleng may alam si Adrian dahil malapit siya kay Irish.
"Hmm... Problema sa puso? Sa love life?" Sagot niya. Napatulala naman ako. Paanong magkakaproblema si Irish sa love life kung wala naman siyang boyfriend?
Wala nga ba?
Para naman may kung anong sakit akong naramdaman.
Posible kayang may mahal na si Irish?
"Huh? Paano nangyari yun? May boyfriend na siya?" Tanong ulit ni Luke. Ngayon ko lang napansin na tila interesado siya tungkol kay Irish. Di kaya...
"Di ko alam. Pero hindi naman imposible di ba? Mabait, matalino at maganda naman siya..."
Napaisip ako ng malalim. Nahuli na ba ako?
___________________________________________________
BINABASA MO ANG
Let Her Go (Short Story)
RomanceMiko's Point of view from "Ikaw at Ako" "Alam kong pagsisihan ko ang pakawalan siya pero sa ngayon, hindi ko pa kayang ipaglaban si Irish. Duwag na kung duwag."- Miko