* 7 *

267 3 0
                                    

Masakit sa damdamin ang biglang paglayo ko sayo. Pero sa tingin ko, ito na ang mas mabuting paraan para lamang kapag sumapit na ang oras na kailangan ko ng umalis ay hindi mahihirapan ang puso ko na tanggapin na wala ng magiging 'tayo'.

Pero hindi ko alam kung bakit, sa tuwing nag-iisa ako ay naiisip ko na ipaglaban ka. Ngunit sa tuwing kaharap na kita, natatakot na ako, naduduwag na ako.

Simula din ng araw na yun, hindi mo na ako gaanong pinapansin. Alam ko naman kung bakit, pero tinanong ko pa din.

"Bakit hindi mo ako pinapansin?"

"Kasi awkward."

Awkward... Oo nga naman. May ilangan na sa pagitan namin. Dahil sa halik na yun. Halata naman na ayun ang dahilan pero naglakas loob pa din ako magtanong.

"Bakit awkward?" Seryosong tanong ko ulit. Heto naman si ako, hindi lang isa't kalahating makulit, nagtanong pa. Alam naman ang sagot.

Bago pa sagutin ni Irish ay pinigilan na siya ng teacher namin. Kaya wala ma akomg nagawa kundi isantabi na lang ang mga katanungan sa isipan ko.

Gusto kitang ipaglaban, pero pakiramdam ko, wala akong karapatan...

Nakita ko si Irish na masayang kausap si Luke during ng theater rehearsals namin. Pinaupo ni Luke si Irish sa upuan habang nakatayo naman siya at pinapaypayan si Irish. May biglang namuo na selos sa puso ko.

Gusto ko, ako ang gumagawa sa kaniya lahat ng ginagawa ni Luke ngayon.

Ang igive-up ang upuan para sa kaniya dahil pagod siya, ang paypayan siya dahil mainit at ang—

Tangina, bakit dinadampi ni Luke ang kamay niya sa mukha ni Irish?!

Parang umapoy naman sa galit ang naramdaman ko. Kitang-kita ko kung paano nag blush si Irish sa ginawa ni Luke at eto namang si Luke, kung makatingin kay Irish... Tangina!!!! Arrrrrhggghhh!!!!

Nang makita kong umalis na si Luke ay agad kong nilapitan si Irish. Pucha, di ko na talaga kaya 'to. Tiniis ko ang ilang buwan—no, taon para sa kaniya pero mapupunta lang siya sa iba?! Wala na akong pakiaalam kung aalis ako! Basta akin lang si irish!

Kelan pa ako naging possesive?

"Kelan pa kayo naging close?"

"M-Miko..." Parang nabigla siya sa pagsulpot ko.

"Kelan pa kayo naging close?" Tanong ko ulit.

"Sino ba ang sinasabi mo, Miko?"

"Ni Luke." Diretsong sagot ko. Hindi naman sila gaanong malapit sa isa't isa kahit noon ah.

"Ah...hindi naman kami close ni Luke. Inofferan niya lang ako ng upuan." Sagot niya sa akin.

"Bakit kailangan paypayan ka pa?" Tanong ko ulit. Sige na, ako na ang makulit eh nagseselos ako!!! NAGSESELOS!!! Pucha!

"Dahil mainit?" Patanong na sagot niya. Napayukom ang kamao ko. Kailangan kong huminahon pero nagaalab ang katawan ko sa inis.

"Bakit kailangan pang punansan niya ang mukha mo?" Yun ang kinagagalit ko eh. Takte, alam naman ni Luke na walang taluhan sa barkada pero anong ginagawa niya?!

Parang nainis na si Irish sa akin dahil nagsalubong na ang mga kilay niya at nameywang na. "Eh sa pinagpapawisan ako. Teka, Miko, bakit ang dami mong tanong?"

Napaatras na ako at nag-iwas tingin. Ayoko din naman na malaman niyang nagseselos ako. Dyahe yun. Wala pa ako sa lugar para magselos pero tangna lang, selos na selos talaga ako.

"W-Wala..." Sabi ko na lang habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Ang weird mo." Anya ni Irish at tumayo na siya para umalis pero hinawakan ko siya bigla. Reflexes. Gusto ko siyang pigilan. Saan? Di ko alam.

"I'm sorry." Saad ko. Seryoso akong nakatingin sa kaniya.

Sorry dahil kahit wala akong karapatan sayo, gusto ko akin ka lang. Sorry dahil hindi ko magawang sabihin sayo na mahal kita kahit halatang halata na. Sorry dahil pinanghihinaan ako ng loob na harapin ka at sorry kung... Pinaasa man kita.

"Bakit ka ba nagsosorry?!" Hasik niya. Medyo tumaas na ang boses niya kaya may mangilan-ngilan na estudyante ang naroroon ang napatingin sa amin.

Napalunok ako. Eto na yun.

"Basta, Sorry... Irish..." Pagkasabi ko nun ay agad akong umalis sa harapan niya at nagtungo sa backstage kung nasaan si Adrian na nakatambay lang sa may gilid ng bintana at tahimik na nakikinig sa music.

Tinabihan ko siya at napasinghay ako.

"Pare, sana mapatawad mo ako kung sakaling hindi ko mapangatawanan ang sinabi ko noon sayo." Sabi ko habang nakasandal sa may bintana.

Tumingin lang siya sa akin.

"Hindi ko na tatanungin kung ano ang dahilan pero sana lamang ay tama ang naging desisyon mo..."

Mukhang nakuha naman niya ang sinabi ko. Napapikit na lamang ako.

Simula't sapul, alam ko naman na... Hindi tama ang desisyon kong ito. Ang isuko na lang siya basta.

Pero gusto ko pa din siya ipaglaban. Baka sakali...baka sakali na mapasakin din siya.

Ngunit... Kailangan kong magpaaalam...ng tuluyan.

Let Her Go (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon