4th year
Eto na ang huling taon namin sa highschool. Sunod na taon, kolehiyo naman. Mas malawak na environment ang kailangan namin tahakin lahat. Doon magsisimula ang panibangong stage ng buhay namin.
Dalawang buwan pa lang ang lumipas simula ng bukas ang school year. Pero sa loob ng mga panahon na yun ay madami na din ang nangyari.
Isa na doon ang hindi ko inaasahan na pagkakadiskubre sa pag lipat ko ng titirhan pagkatapos kong grumaduate.
Nabigla ako. Hindi ko yun inakala. Sina mama at papa ang nag desisyon na lumipat na ng ibang bansa para dun manirahan ng permanente. Dun na din ako mag-aaral. Kailangan daw kasi ni papa asikasuhin ang negosyo na naiwan sa kaniya ni lolo. Samantalang si mama naman ay dun na daw magpapagamot ng sakit niya sa buto. Hindi naman cancer pero kailangan siyang operahan para makalakad siya ulit.
Nalungkot ako dahil akala ko dito na ako mag kokolehiyo. Plano ko pa man din sundan si Irish sa university na mapipili niya para magkaroon kami ng mas maraming oras at pagkakataon na magkita at magkasama pero hindi pala yun matutuloy.
Paano na lang ako? Kami ni Irish?
Pinilit kong itago ang nararamdaman ko para sa kaniya ng sumunod pang mga buwan. Pero ng malapit na ang disyembre ay parang gusto ng sumabog ng puso ko kaya may isang bagay akong ginawa na hindi ko akalain na magagawa ko.
Ang halikan siya.
Hindi ko na nakontrol. Basta na lang ako pumasok sa loob ng classroom na siya lang ang nandoon and pinned her on the wall. Nagpupumiglas siya pero dahil mas malakas ako sa kaniya ay hindi niya magawang makawala.
Her lips taste like cherry. I wonder if she used balm. It was a soft sudden kiss pero binuhos ko lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya. Hoping na she would get what I'm trying to convey to her.
"Bakit mo ako hinalikan?" She hissed to me. Alam kong magagalit siya sa ginawa ko pero handa akong masampal pero hindi niya ginawa. Pero parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng bigla niya akong tanungin ng ganun. Hindi ba obvious?—ay, oo nga pala. May pagka slow siya sa mga ganitong bagay.
"Alam mo ang sagot diyan Irish, Hindi ko na kailangan ipaliwanag pa." Sagot ko naman. This kind of action doesn't need any explanation.
"Hindi ko nga alam kaya nagtanong ako sayo di ba?" Sarkastikong sabi niya. Gusto kong matawa at the same time mapasapo sa ulo dahil ganito ba kahirap unawain ang sitwasyon namin ngayon? Nauubusan na ako ng panahon... Wala ng oras na natitira...
Kailangan ko na bang sumuko?
"I'm sorry..."
Sorry kung hinalikan kita.
Sorry kung hindi ko magawang sabihin ang salitang 'mahal kita'
Sorry kung hindi ko mapanindigan ang nararamdaman ko para sayo.
Sorry kung binigyan kita ng rason para malito...
Sorry kung... Baka bitawan na kita...
Sorry sa lahat lahat Irish.
Matapos ko sabihin yun ay lumabas na ako sa classroom ng malungkot at medyo naluluha. Parang nabasag ng sobra ng puso ko.
Nakasalubong ko pa si Roselle. Binati niya ako pero dumeretso na ako sa rooftop para doon magpahinga at mag-isip. Pagkadating ko ay agad akong humilata sa sahig at pinanuod ang kalangitan na asul at payapa.
Haaaay...
Talaga bang isusuko na kita?

BINABASA MO ANG
Let Her Go (Short Story)
RomanceMiko's Point of view from "Ikaw at Ako" "Alam kong pagsisihan ko ang pakawalan siya pero sa ngayon, hindi ko pa kayang ipaglaban si Irish. Duwag na kung duwag."- Miko