* 3 *

350 7 0
                                        

"Maghiwalay na tayo, Julie."

Nakatulala lang siya sa akin habang seryoso ko siyang tinitingnan. Gusto ko nang itama ang lahat. Ayoko nang lokohin ang sarili ko. Gusto ko pa din si Irish kaya gagawin ko ang lahat, mapansin niya ulit ako.

Hindi ko na din kinakaya ang paglayo niya sa akin. Napapansin ko yun dahil sa tuwing nagkakasalubong kami, umiiwas siya sa akin. Sa tuwing nagiging magkagrupo kami, hindi niya ako gaanong kinakausap. At kung kausapin naman niya ako eh hindi siya tumitingin sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero kung may nagawa man akong kasalanan sa kaniya ay sana mapatawad pa niya ako.

Bago ang lahat, kailangan ko munang isarado itong relasyon ko kay Julie. Ayoko din siya lokohin. Oo, nagustuhan ko siya pero hindi tulad nung kay Irish na hindi maalis sa isipan ko.

"Anong sabi mo? You're breaking up with me?!" Napataas na ang boses niya. Nasa loob kami ng gym ngayon at magkatabing magkausap habang nakaupo sa bleachers.

"Oo. I'm sorry, Julie."

Umiling siya at mailang ulit na bumuntong hininga.

"I can't believe this. You're breaking up with me? Anong dahilan?" Her voice is calm yet furious. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya.

"Sabihin na natin na, I'm in love with somebody—else." Sagot ko. Yes. I love her.

Pinihit ni Julie ang katawan niya paharap sa akin at saka huminga ng malalim.

"Okay. Kung yan ang gusto mo. Kilala kita, alam kong totoo ang sinasabi mong may mahal kang iba. You're a good guy, Miko. Pero gusto ko ulit mag tanong. Sana sagutin mo din ako ng tapat."

Tumungo ako.

"Minahal mo ba ako?"

I sighed. "Hindi ko alam Julie. Maybe Yes, maybe No. This is the truth. Akala ko nung niligawan kita, gusto talaga kita but then I realized, it's just my way to escape from falling deeply in love with a girl. Julie, but I did like you. But not as strong as my feelings for her." Inaasahan ko na iiyak si Julie sa mga sinabi ko kasi para sa mga babae, isang malakas na sampal ang salitang binitawan ko pero hindi. Hindi siya lumuha o umiyak.

Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako.

"You're a brave young man, Miko. And very honest. That's why I liked you." Tumayo na siya at muli na naman akong hinarap. "Whoever that girl is, she's so damn lucky to have you." Tumawa lang siya na parang walang naganap na paghihiwalay.

Humahanga ako sa kaniya kung paano siya mag-isip. Very mature.

"Thank you, Julie. Sana maging mag kaibigan pa din tayo?"

"Oo naman! Bakit hindi?" Tumayo na din ako para yakapin siya sa huling pagkakataon. Pagkahiwalay namin ay bigla siyang ngumiti ulit.

"Siya nga pala, do I know this girl you're in love with?" Tanong niya sa akin. Tumungo ako. Kilala niya si Irish, dahil kasama niya ito sa club niya. "Can i guess who is she?" Nanlaki ang mata ko pero tumungo pa din ako.

"Irish?" Parang tumigil ang puso ko. Hindi naman sa nahihiya ako na malaman niya pero nakakapagtaka lang.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko kaagad.

"Naman! Babae ako at may puso at pakiramdam. Whenever I see you looking at her makes me feel you really have something on her. Akala mo ba hindi ko napapansin yun?" Tumawa siya ulit. "Gosh, I can't believe that Miko Angeles will fell in love with a girl like her!"

Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi?"

"Every girls here in our school knows that you have high standards in women! Maganda, sexy, malakas ang dating--chiks! Pero si Irish? She's out of your league!" Tumawa pa siya ng mas malakas kesa kanina na parang nagbibiro ako.

"Hindi naman pamantayan ang pagiging maganda para gustuhin mo ang isang babae, Julie. Nagustuhan ko si Irish dahil siya si Irish. Wala akong pakialam kung ano ang itsura niya. Para sa akin, siya ang pinakamaganda at pinakaseksing babae na nakilala ko. Kung wala kang sasabihin na maganda tungkol sa kaniya, mas mabuting hindi na lang tayo ulit maging mag kaibigan dahil hindi ko kayang pakisamahan ang isang tao na hindi kayang tanggapin kung sino ang gusto ko."

Natahimik siya ng saglit at tila may kung anong hinahanap sa mukha ko. Tinitingnan niya ako mata sa mata na parang may binabasa.

Maya-maya lang ay lumapit siya sa akin at kinurot ako sa pisngi. Nabigla naman ako sa ginawa niya.

"You're such an amazing guy, Miko. Irish is lucky to have you. And besides, that girl is such a wonderful person. Very nice and intelligent. Friendly and talented. I actually like Irish because she's a great girl. Wala akong ibang maipipintas sa kaniya." Pagkatapos niya ako kurutin ay tinapik na niya ako sa braso. "I'm just testing you. Tinitingnan ko kung tama bang pakawalan kita. Kung tatangapin ko ang dahilan mo kung bakit mo ako hihiwalayan.—and you got it. I'm setting you free..."

Parang nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Buti na lang eh maluwag sa damdamin niya ang hiwalayan naming dalawa.

"Salamat Julie."

"Walang anuman yun, Miko. So friends?" Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at hindi ako nagdalawang isip na tanggapin yun. Mabait si Julie pero maraming tao ang hindi ito alam.

"Ah, before we separate our ways, may gusto akong sabihin sayo." Sabi niya sa akin.

"Ano yun?"

"Don't ever let go of her." Natigilan ako sa sinabi niya. "Because if you do, you'll forever regret it."

Let Her Go (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon