"Ano nang plano mo ngayon, Miko?" Tanong sa akin ni Lyka. Summer ngayon at wala kaming pasok. Since halos magkalapit lang ang tinitirhan namin sa isa't isa eh naisipan kong makipag-kita na lang sa kaniya para pag usapan ang tungkol sa isang bagay na nakakagulo sa puso't isipan ko.
Kwinento ko sa kaniya ang tungkol sa sinabi ni Adrian sa akin nun.
Si Lyka ay matuturing kong isa sa pinaka-close ko na babae. Siguro, siya talaga ang pinaka matalik na kaibigan ko pwera kay Adrian. Simula elementary ay magkaklase na kami at magkaibigan.
I took one sip on my iced tea. "Hindi ko alam. Naguguluhan ako."
Ngumisi siya sa akin. "Naguguluhan o natatakot?"
"P-Parehas." Sagot ko na lang. Wala talaga ako matatago sa isang tulad niya na magaling mambasa ng isipan ng isang tao.
Huminga siya ng malalim at saka ako tiningnan sa mata. "Parekoy, sa pag-ibig, kailangan, marunong kang manindigan sa nararamdaman mo. Dahil kung hindi mo magawa ay may masasaktan kang tao and much worst, parehas kayong masasaktan and in the end? Pagsisihan niyo din."
"Alam ko yun, Lyka. Pero gulong-gulo na talaga ako. Pakiramdam ko kasi, i don't deserve someone like her. I mean, she doesn't deserve me at all! Ang bait niya, and me? I don't know. Hindi ko alam kung ano ang pwede mangyari sa future. Pag nasaktan ko siya, mapaiyak o ano, hindi ko alam kung anong gagawin ko..."
"Ayan ba talaga ang dahilan, Miko? O gusto mo lang mag play safe?" Na-lock ang tingin ko lang sa kaniya.
Play safe?
"Akala ko ba Miko, ang prinsipyo mo sa pag-ibig ay yung kaya mong maging responsble at may paninindigan ka? Pero bakit hindi ko ata nakikita sayo yun ngayon?" Tuloy pa niya. Parang nanuyot na ang lalamunan ko.
Tama si Lyka.
"Anong gagawin ko?"
Ngumiti siya. "Hindi ba dapat alam mo na ang sagot diyan?"
Tumungo lang ako. I'm such a idiot to ask stupid question with an obvious answer.
Siyempre, dapat lakas loob pa din ako susubok.
"Teka, may gusto sana ako itanong sayo." Sabi ko bigla. May naalala ako mula sa usapan namin nila Adrian at Luke noon. Yung tungkol sa dahilan kung bakit bigla atang bumagsak ang timbang ni Irish.
"Sure. Ano yun?"
"Bakit ata biglang pumayat si Irish? May problema ba siya?"
"Hm? Meron ata? May problema siya sa puso." Biglang ngumiti ng nakakaloko si Lyka na pinagtakhan ko.
"Problema sa puso?" May sakit siya puso? "Seryoso ba ang sakit niya sa puso?"
Nawala kaagad ang ngiti sa labi ni Lyka. "Oo. Malala."
Parang nawalan naman ng kulay ang mukha ko. Hindi ko akalain na may pinagdadaanan pala si Irish na sobrang bigat.
Napansin ni Lyka ang pagkatuliro ko at bigla na lang siya tumawa.
"HAHAHAHA!!! Epic ang reaksyon mo Miko!!! HAHAHA!" Tawa lang siya ng tawa hanggang hindi na siya makahinga.
"Walang nakakatawa." Saad ko.
"Hindi ka naman mabiro parekoy." Sabi niya sa akin ng kumalma na siya. "Pero hindi naman ako nagbibiro. May pinagdadaanan siyang mabigat na suliranin ngayon sa puso."
"Ano ba kasing ibig sabihin mo, ha?" Gulong-gulo na ako sa kaniya. Ang daming pasikot-sikot.
Ngumiti siya ng banayad at saka tumingin sa labas ng restaurant na kinakainan namin.
"Well, sabihin na natin na she had her first heart break."
"Heart break?" Ibig niya bang sabihin dun ay may mahal na si Irish. Huli na ba talaga ako?
Tumungo si Lyka. "Gusto niya si guy but si guy hindi niya malaman kung gusto ba siya o hindi. Umasa siya, nagbabakasakali pero hindi na siya binalikan ni guy. Instead, naghanap na ng iba. Kaya ayun, ang ending niya. Heart broken." Tapos tumingin siya sa mga mata ko. “Tanga lang yung guy. Wala eh, paasa masyado…”
Lumunok ako. Hindi ko akalain na may nagugustuhan na palang iba si Irish. Hindi ko man lang nalaman.
"Pero sa tingin ko, nagiging okay na si Irish ngayon... Di ko nga lang alam kung move on na siya...pero i think she's okay."
Can i take this as my chance?
"Sa tingin mo ba, may chance pa ako?" Tanong ko ulit.
"Malay natin, Miko." Ngumiti lang si Lyka at saka bumalik sa pagkain na inorder niya kanina. Habang ako naman ay naiwan na nagiisip tungkol sa magiging hakbang ko papalapit muli kay Irish.
"Ah, bago ko pala makalimutan. Isang payo para sayo parekoy. May pagka-slow si Irish. Kaya good luck"
Napalunok na lang ulit ako. Isang matinding pag subok ang mukhang susuungin ko.

BINABASA MO ANG
Let Her Go (Short Story)
RomanceMiko's Point of view from "Ikaw at Ako" "Alam kong pagsisihan ko ang pakawalan siya pero sa ngayon, hindi ko pa kayang ipaglaban si Irish. Duwag na kung duwag."- Miko