* 1 *

821 11 0
                                        

My name is Miko.

I'm a happy-go-lucky-guy. I love to joke around. I love to make people smile. I have a great charisma to people, I’m friendly to anyone.

I love to play a lot of sports, I also love to play musical instruments. I sing while strumming my guitar and I'm in a band in school.

Sa academics, wala akong problema. I'm more than average. As much as possible, gusto ko i-maintain yun so that walang masabi ang parents ko sa akin.

Sa love? I'm always serious about it. Kasi ang pagmamahal dapat laging sineseryoso. Kahit bata pa ako, dapat marunong na ako maging responsable sa pag-ibig. Dapat alam ko kung ano ang priority ko, dapat alam ko kung paano pangangatawanan ang isang bagay kapag pumasok na ako sa isang relasyon.

First year sa highschool, unang beses ako nagkaroon ng girlfriend. She was one of a kind. Wala na akong mahihiling pa. Pero hindi din nag tagal, nag hiwalay din kami. Hindi kami magkasundo sa maraming bagay kaya kesa sa lumala ang sitwasyon namin ay napag desisyunan na lang namin na maghiwalay na lang ng landas.

Ngayon na second year na ako, hindi pa ako nagkaka girlfriend, simula noon. Dahil naisip ko na dapat, maging wais na ako sa pagpili ng babae. Dapat yung gusto ko dahil kung sino siya at gusto ko yung makakasundo ko sa mga hilig ko. Dapat yung mabait at maunawain. Dapat yung walang arte sa katawan. Gusto ko yung kayang sakyan ang mga biro ko. At higit sa lahat... Yung may magandang ngiti... Yung magbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

At sa hindi inaasahang panahon, mukhang makikilala ko na ang babaeng magugustuhan ko.

"Hello, I'm Irish." Nakangiting pagpapakilala niya sa sarili niya sa harapan naming lahat. Kitang-kita ko kung paano lumalim ang dimple na nasa kanang pisngi niya at kung paano kusang ngumiti ang mga mata niya.

Natulala na lang ako habang kinakabisa ang mukha niya. Maputi, chinita at may mahabang pilikmata. Mapula din ang pisngi niya pero mukhang natural lang sa kaniya ang pagkapula nito. Wala din tong arte dahil medyo magulo pa ang buhok niya habang nagpapakilala.

Hindi siya kasing payat ng iba kong kaklaseng babae pero para sa akin, very attractive siya.

Nagustuhan ko kaagad siya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Nagtapat kaagad ako sa kaniya.

"Alam mo...crush kita..."

Sobrang kinakabahan ako habang sinasabi ko ang mga salitang yun. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang maging reaksyon. Hindi ko alam kung okay lang ba sa kaniya o ano.

Gusto ko siya dahil siyang-siya ang matagal ko ng hinahanap. Mahilig siya sa musika. Tulad ko, kumakanta sin siya. Sa katunayan niyan ay nung unang beses ko siya marinig kumanta ay nahalina na ako kaagad. She was one a great singer. Pero mukhang walang nakaalam dahil mahiyain siya. Narinig ko lang siya kumanta nung dumaan ako sa harap ng girl's restroom. Her voice like an angel.

Hindi din siya pikunin kapag binibiro ko siya. Ang totoo niyan ay marunong siya sumakay sa mga jokes ko gayun din sa ibang mga kaklase ko. Mabait siya at matalino. Mataas lagi ang grades kaya paborito siya ng mga teachers namin.

Kinaiinggitan naman siya ng mga kaklase kong babae dahil malapit siya sa aming mga lalaki. Pero alam niya kung paano ipagtanggol ang sarili niya kaya isa na yun sa mga nagustuhan ko.

Pero higit sa lahat... Ang kaniyang ngiti ang nagustuhan ko. Para siyang sikat ng araw na nagliliwanag sa buhay ko.

Shet. Ang korni ko.

"Crush kita..." Pag-uulit ko. Hindi kasi siya tumugon sa una kong pag-sabi. Natulala lang siya sa harapan ko. Kaya ngumiti pa ako lalo.

"Eh? Di nga?" Sa wakas ay sumagot na siya. Pero hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya.

"Oo nga. Crush kita. Ayaw mo maniwala?"

Mailang beses siyang kumurap. Pero pagkatapos nun ay ngumiti na siya at marahang tumawa.

"Ayan ka na naman sa mga biro mo... Miko."

Hindi naman ako nagbibiro eh.

"Nagsasabi ako ng totoo, Irish. Crush nga kita..."

Nawala ang ngiti sa labi niya at bigla siyang nagseryoso. Pagkuwa'y inaalam niya talaga kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Lyka.

"Crush ka talaga niyan ni Miko... Irish..." Sabi ni Lyka sa kaniya.

"Eh, pati ba naman ikaw, Lyka? Bibiruin mo ako?"

"Ang kulit mo Irish. Hindi ka namin binibiro noh!" Napakamot na lang si Lyka sa ulo niya at lumapit sa akin para tapikin ako.

'Haaay... Good luck na lang sayo, Miko. Medyo may pagka-dense yang si Irish eh.' Yan ang pahiwatig ng tingin niya sa akin. Natawa na lang tuloy ako dahil alam na alam niya talaga ang nangyayari na.

Umiling na lang ako at sabay kaming nagpunta sa mga ka-grupo namin na abalang nagplaplano sa activity na gagawin namin.

Muli kong sinulyapan si Irish na nakatingin lang din sa akin. Ngumiti ako at inisip ko na lang na, marami pang pagkakataon, ipapakita ko sa kaniya na totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Dumaan ang mga araw at buwan, madami akong ginawa para magpapansin. Nililibre ko siya, pinagbubuksan ng pintuan, hinahatid sa sakayan... Pero di ko alam kung nakukuha niya ba ang gusto kong ipahiwatig.

Pero di ako sumuko, sabi ko nga, darating din ang tamang pagkakataon... Baka sakali... Mapansin naman niya ako.

__________________________________________________

Let Her Go (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon