* 4 *

352 4 0
                                    

Isang umaga, maaga ako dumating sa school kaya naisipan ko nang tumambay sa classroom habang naghihintay ng oras.

Madilim ng pagpasok ko sa classroom kaya binuksan ko ang ilaw at in-on ang aircon.

Umupo na ako sa upuan ko at nagsalaksak ng earphone sa tenga. Nagpatugtog at nag relax ng kaunti. Sumilip ako sa wrist watch ko at may isang oras pa ako na hihintayin.

Pumikit na muna ako at sumandal sa aking upuan habang nakikinig ng music sa ipod ko at Hindi ko namalayan na may dumating na pala.

Pagmulat ko ay nakita ko ng nakaupo si Irish sa kabilang bahagi ng row ng aking inuupuan. Nagbabasa na siya ng libro.

Pagkakataon ko na itong makausap siya.

"Nandito ka na pala Irish?" Sabi ko. Lumingon siya.

"A-Ah... Kararating ko lang naman." Sagot niya. Pakiramdam ko, parang nahihiya siya sa akin.

"Ganun ba? Pasensya na, hindi ko napansin kasi may earphone na nakapasok sa tenga ko."

"Okay lang yun, Miko. Good morning pala." Sa wakas ay nakita ko na siyang ngumiti sa akin. Parang natunaw ang puso ko ng muli kong masilayan ang matagal ko ng hindi nakikita mula sa kaniya.

"Good morning din." Napangiti na ako. Hindi ko pinagsisihan na pumasok ng maaga ngayon. "Kamusta na pala? Hindi na kita na kakausap masyado ah?"

Lumingon na naman siya sa akin at parang nahihiya pa. "Okay naman ako. Hehehe. Busy lang kasi sa mga club activities eh. Ikaw, kamusta na?"

"Uy, first time mo ako kinamusta ah. Haha! Biro lang. Eto, okay naman din, namimiss ka..." Pabulong ko sinabi ang dulo. Medyo nahihiya pa din ako eh, ewan ko. Natotorpe ako pagdating sa kaniya.

"Anong sabi mo, Miko?"

"W-Wala! Hehehe, kausap ko lang sarili ko. Huwag mo ako pansinin. Nababaliw na ata ako eh—nababaliw na sayo..." Pabulong ko ulit sinabi yung dulo. Haay, di ko akalain na matotorpe ako.

"Ewan ko sayo, Miko! Hahaha!" Mahinhin siyang tumawa habang bumabaon ang dimples sa pisngi niya. Ang cute niya talaga.

Simula ng araw na yun ay sumasama na sa amin ulit si Irish. Madalas ko na din siya makausap at minsanan nama'y nakakabiruan ko. Pasimple akong bumabanat pero mukhang hindi niya makuha dahil panay tawa lang siya sa bawat hirit na gagawin ko.

"Okay class, manunuod tayo ng Jose Rizal ngayon. Pumunta na kayo sa AVR." Sabi ng teacher namin kaya agad naman kaming lumabas ng classroom at nagtungo sa audio visual room kung saan nagkaniya-kaniyang pwesto na ang mga kaklase namin.

Nahuli kami ng dating ni Adrian dahil nagpasama pa siya sa faculty. Kaya ng pagkadating namin sa AVR ay nakapatay na ang ilaw. Pero maliwanag naman dahil sa liwanag na nanggagaling sa screen.

Agad kong nakita si Irish na tutok na tutok sa pinapanuod niya. Nakita ko din na walang nakaupo sa tabi niya kaya mabilis akong naglakad patungo sa row nila.

"Ay ano ba—“

"Sorry Irish... Hehehe... Pwede bang makiupo sa tabi mo?" Tanong ko.

Tila natigilan siya sa akin at parang nagulat.

"Ah, o sige!!!—ay sorry..."

Napangiti lang ako dahil minsan, may pagkamali-mali din si Irish. And i find her very cute.

Paupo na sana ako ng biglang sumingit si Adrian kaya siya ang umupo sa tabi ni Irish at ako naman ang naupo sa tabi ni Adrian.

Medyo nainis ako kay Adrian dahil alam naman niya na si Irish ang gusto kong makatabi pero bigla naman siyang umepal.

Hindi na ako nakatiis kaya pinilit ko siyang makipagpalit sa akin sa ayaw o sa gusto niya.

Pagkatabi ko kay Irish, tumingin lang din ako sa harapan para kunwarian ay nanunuod talaga ako pero ang totoo niyan ay hindi nga ako makapag concentrate dahil ang lakas ng kabog ng puso ko at hindi talaga ako mapakali.

Maya-maya pa ay napansin kong nakapatong ang kamay niya sa may arm rest sa left side ko kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad kong hinawakan ang malambot niyang kamay at pinakiramdaman ang bawat minuto.

Lumingon na siya sa akin. "Ano ba yang ginagawa mo?"

Hindi ko din alam kung ano ang ginagawa ko pero isa lang alam ko, gusto kong hawakan ang kamay mo.

"Hayaan mo lang ako—huwag kang malikot" sagot ko na lang. Gusto ko lang siya mahawakan. Dahil... Gusto kong iparamdam sa kaniya na gusto ko siya.

Hindi na siya sumagot pagkatapos at nagpatuloy na lang siya sa panunuod. Hindi ko akalain na malambot talaga ang kamay niya. May mahaba din siyang mga daliri at well groomed ang mga kuko.

Di nagtagal ay parang nakaramdam ako na may pumatong sa balikat ko at parang pilit inaabot ang katabi ko kaya nilingon ko kung kaninong kamay iyon at malaman kong kay Adrian pala.

Agad kong inalis ang kamay niya na nakapatong sa balikat ni Irish.

"Seloso mo naman pre!" Natatawang sambit niya sa akin. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Aba naman Adrian, Kilala kita. Baka sulutin mo pa eh!" Hasik ko naman. Playboy pa man din 'to.

"Oy Irish, kapag niligawan ka nitong si Miko, huwag mong sasagutin ah!" Sabi ni Adrian sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko. Aba lokong Adrian!

"Bakit naman?" Biglang tanong ni Irish na may ngiti sa labi niya. Parang may kung anong saya siyang naramdaman sa tinanong ni Adrian. Hindi lang ako sigurado kung tama ba ang nakikita ko sa kaniya. Minsan kasi, nahihirapan din ako basahin ang tulad ni Irish na tatahimik-tahimik lang at puro ngiti ang ginagawa. Hindi ko nga alam kung naiinis na ba siya o ano eh.

"Eh malapit na mag summer. Hindi kayo gaanong magkikita, you know. Basta mahirap." Paliwanag ni Adrian na bigla na lang kinatawa ni Irish.

Tiningnan ko ng masama si Adrian. Imbes na tulungan niya ako magpa-good shot kay Irish eh ganito pa ang sinasabi niya sa kaniya.

"Tumigil ka na nga pre! Panira ka ng diskarte!" Hasik ko ulit at dun ko na siya tuluyan binatukan.

Pagkatapos ng film watching namin ay nagsilabasan na kaming lahat. Naunang lumabas sina Irish, Roselle at Lyka. Medyo nahuhuli naman kami ni Adrian.

"Pare, kung balak mo talagang ligawan si Irish, kailangan dumaan ka muna sa akin." Biglang sabi ni Adrian. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

"Ha? Bakit naman?"

"Parang kapatid ko na si Irish. Kaya kung sasaktan mo lang siya, mas mabuti huwag mo ng ituloy." May kaunting pagbabanta sa boses niya. Napakurap ako ng mailang beses. Si Adrian ba talaga 'to? Kelan pa siya naging concern kay Irish?

"Ano ba yang pinagsasabi mo Adrian. Seryoso ako kay Irish." Sagot ko.

Tinapik niya ako sa balikat at saka ngumiti. "Mas mabuti na yung nililinaw. Si Irish, parang porcelana yan. Napaka-delicate, madaling mabasag. Kaya kung gusto mo talaga siya, ingatan mo na hindi mo siya masasaktan. Kung hindi mo nagawa, kalimutan mo na magkaibigan tayo."

Naiwan akong natulala sa sinabi ni Adrian sa akin.

Seryoso ang sinabi niya sa akin at hindi siya nagbibiro. Kapag sinaktan ko si Irish, mawawala ang sampung taon na pagkakaibigan namin dalawa.

Tinanaw ko na lang ang likod ni Adrian na naglalakad papalayo sa akin.

Mas naguluhan pa ako. At mas lalong natakot.

Natatakot ako kay Adrian... Gayun din ang posibilidad na masaktan ko si Irish. Totoo ang sinabi ni Adrian, she's too fragile and delicate. Parang ang hirap panghawakan ang isang tulad niya.

Kakayanin ko ba kung ipagpapatuloy ko pa?

Let Her Go (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon