LAST PART :)
__________________________________________________
(please play the song on the side----> while reading this part)
Buwan ng abril. Graduation na. Lahat kami naka toga at masayang nagpapalitrato. Patapos na din ang seremonya. Nilapitan ako ni Luke para makipag bati. Tinanggap ko na yun dahil matagal na nangyari at sa tingin ko move on na ako. Salamat kay Jessica. Unti-unti ay nagugustuhan ko na din siya. Yun nga lang ay mukhang di rin kami magtatagal dahil aalis na ako sa susunod na linggo. Pero malay natin.
Lumabas na ako ng auditorium at sumama sa mga group pictures ng mga kaklase ko ng mapansin ko si Irish.
Gusto ko siyang lapitan.
Kaya hinakbang ko ang mga paa ko palapit sa kaniya at ng mapansin niya ako ay agad siyang ngumiti.
"Uy, Miko!" Bati niya sa akin. Simula kasi kanina hindi pa kami nakakapag-usap.
"Hi, Irish. Congrats." Bati ko din.
"Sayo din... Congrats." Nakangiti pa din niyang sabi. Kahit kailan, ang ganda talaga ng mga ngiti niya. "San ka na pala mag aaral niyan?" Tanong ko.
"Hmmm, hindi ko pa alam eh. Baka mag U.P ako o UST. Bahala na." Natatawang sambit niya. Kahit ang tawa niya ang sarap pakinggan. "Ikaw ba?"
Ngumiti lang ako, "diyan lang sa tabi-tabi..." Sa ibang lugar kung saan malayo sayo.
"Meron bang ganun? Kaw talaga Miko oh!" Marahan niya akong hinampas sa balikat. Napatawa na lang ako. Tumigil siya sa pagtawa at tiningnan lang ako ng maigi. Maya-maya ay bumitiw siya ng isang malambot na ngiti.
'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
"Ma-mimiss kita..." Sabi niya sa akin na biglang kumatok sa tahimik kong puso.
Hindi na ako nakapag isip pa at hinayaan ko ang puso at ang katawan ko ang magsalita para sa akin.
Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap. Kahit sa huling pagkakataon man lang.
"I'll miss you too... Irishiana..." Bulong ko.
And I still love you...
Naramdaman kong pumatong ang kamay niya sa likod ko. Napangiti na lang ako. Parang ang warm sa pakiramdam habang kayakap ko siya, sana ganito na lang palagi dahil tumatalon ang puso ko sa tuwa.
Pero hindi na pwede. Huli na ang lahat.
Hindi na pwedeng maging 'kami' dahil...
Isinuko ko na siya.
Alam kong pagsisisihan ko ang pakawalan siya pero sa ngayon, hindi ko pa kayang ipaglaban si Irish, duwag na kung sa duwag.
"Mahal kita, Miko..." Dinig kong bulong niya habang nakasubsob sa dibdib ko habang yakap ko siya.
Tumigil ang tibok ng puso ko. Mahal niya ako?
Gusto kong maiyak sa tuwa dahil mahal niya din ako. Mahal pala niya ako. Pero paano si Luke? akala ko ba, sila?
"Matagal ko na sanang sinabi sayo 'to pero ngayon huli na..." Sunod pa niyang sabi. “Dahil kayo na ni Jessica.”
Tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata ko. Mahal niya ako...
Pero huli na ang lahat dahil... May girl friend na ako.
Humiwalay siya sa akin at tiningnan ako habang lumuluha siya. Agad ko yun pinunasan at hinawakan niya ang kamay ko.
Nahulog na'ng mga ulap, buwan at araw, mga bituwin
Ang ginugol na panaho'y na saan? (panaho'y na saan)
'Di ba't sayang naman? (Di ba't sayang naman)
Giliw yeah yeah yeah yeah
"Kaya nagdesisyon akong pakawalan ka Miko..." Sa salitang binitawan niya ay parang dinurog ulit ang puso ko. "Sana maging masaya ka... Paalam."
Binitawan niya ang kamay ko at umalis. Naiwan na lang akong nakatayo at sinusundan siya ng tingin.
Napayukom ang kamao ko. Dapat pala pinaglaban ko siya. Mahal din pala niya ako. Pero sumuko agad ako. Naghanap ng ibang mamahalin.
Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Ngayon… napuno ang puso ko ng pagsisisi…
Hindi ko na mabawi ang nakaraan.
*end
___________________________________________________
A/N:
Okay, ngayon na ako mag rereact...
Hoooooh....
*inhale*
*exhale*
Ang tanga mo naman kasi MIKO!!! Ano ka ngayon? NGA-NGA?! Ikaw naman kasing isa't kalahating tungaks na sumusuko kaagad! Ayan! si Irish na mismo ang umamin sayo, pero ano? huli na kasi napagod na siya maghintay sayo at ikaw na tong taken! ay bahala ka sa buhay mo! Hmmmp!
*kalma mode*
Hehehehe... may pinaghuhugatan si author!lols... :D
thank you for reading! please VOMMENT!
Mwuaaah Mwuaaah tsup tsup! <3 lapit na valentines! wala pa ako ka-date! hahaha... :D
BINABASA MO ANG
Let Her Go (Short Story)
RomanceMiko's Point of view from "Ikaw at Ako" "Alam kong pagsisihan ko ang pakawalan siya pero sa ngayon, hindi ko pa kayang ipaglaban si Irish. Duwag na kung duwag."- Miko