Nadako ang tingin ko sa may pinko. Takot na ako ang sumunod sa kanila bago pa man sila makalapit sa akin ay agad na akong kumaripas ng takbo.
"J-Jake..."
Nangingiyak-ngiyak akong tumatawid sa walang laman na kalsada. Madilim. Tahimik. Halos naging abanduna na itong city nang makarating ako sa main road. Panay pa rin ang kakaiyak ko. Naiiyak ako dahil sa takot na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko ay ngayon ko pa lang naramdaman ang matakoto.
Maybe after all I'm scared to die.
Nag-flash back lahat sa akin ang mga crime scenes na nahawak ko ngayon at noong mga taon na ako pa ang hepe. Lahat sila may bakas ng marka sa kanilang mga leeg. Hindi ko iyon pinansin dahil hindi naman talaga kapansinpansin. Pero ngayon ay aklam ko na. Kung paano sila namatay ay alam ko na.
Ang hindi ko lang mapagtanto kung alam ba ng mga taong bayan na totoo ang mga sinasabi nilang haka-haka.
"Vampires really do exist."
Nang mapansin kong nakalayo na ako sa opisina namin ay agad akong napa-upo sa kalsada. Yinakap ko ang mga binti ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang yinakap ko ito. Anong gagawin ko sa lugar na ito halos wala ng tao ang nakatira sa sentro. Marami na rin ang mga nagsilikas na mga mamamayan takot na baka sila ang sumunod.
Hindi ako nakuntento. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Labag man sa loob ko ay babalik ako sa opsina. Ilang minuto na rin akong nawala. I'm sure na wala na sila doon.
Nakarating ako sa opisina. Hindi ko alam kung anong oras na pero tiyak akong gabi pa. Who would have taught na ang akala kong tsismis lang ay hindi pa.
Tiningnan ko ang buong paligid. Nakatumba lahat ng lamesa at nagsipag kalat ang lahat ng mga dokumento. Lumapit ako sa desk ko. Wasak na wasak ang laptop ko. Maging ang mga paperwork ko ay hindi ko na makita.
"Bullshit!"
Tinabig ko ang desk ko na mas lalong nagpatumba nito. Deadline nitong kaso next week. Anong ibibigay ko? Napaupo ako sa sahig.
If only Jake was here...
Hindi na yata ako magkakapoblema.
Lumakas ang malamig na hangin. Napayakap ulit ako sa sarili ko. Pinikit ko ang mga mata. Ramdam ko na rin ang pagbilis ng puso ko. Andito na sila.
"Take her."
Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Nanlaki na rin ang singkit kong mga mata. "Anong kailangan niyo sa akin?" Sa wakas ay nakakuha na rin ako ng lakas upang makapagsalita.
Hinawi ko agad ang kamay na humawak sa akin. I heard him hissed kaya natigilan ako. Binantanan niya akong kakagatin dahil ipinakita niya ang kaniyang mga pangil.
Hindi na ako nagpumiglas pa ng buhatin niya ako. Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko kaunti na lang talaga at lalabas na ito sa rib cage ko. "Wag kang mag-alala. I will not bite you." Natigilan ako saglit. Hindi niya ako gagalawin. "Dahil sa kaniya ka." Tinuro niya ang lalakeng nasa unahan namin.
Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Nagpapasalamat ba ako dahil hindi niya ako gagalawin o magdadasal na ako na siya ang papatay sa akin.
"Bilisan na natin." Yung katabi na namin ang nagsalita. Agad akong napahawak sa leeg niya ng nagsimula siyang kumilos ng mabilis.
Hindi ko maanigan ang dinaraanan namin. My vision is starting to blur. Ramdam na ramdam ko ang bilis niya na para bang kami at lumilipad sa ere sa tuwing may dinaraanan kaming mga sanga ng puno.
Tumigil kami sa isang mansyon. Kulay ginto ito na may dalawang puno sa magkabilang gilid. Napatingin ako sa eclipse at sa mga taong kasama ko. May kinalaman kaya sila sa nangyayari?
Napabuntong hininga ako ng ibaba ako. "A-anong gagawin niyo sa akin?"
Tumaas ang mga balahibo ng hawakan niya ang balikat ko. "Don't worry. Mag-eenjoy ka." Hinawakan niya ang kamay ko saka pumasok sa loob. Kinalibutan ako sa pagpasok namin. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niya o dahil sa atmosphere sa loob.
Malawak at naglalakihang mga chandelier ang bumati sa akin. Kumikinam din ang mga ito. Sa gitna naman ng sala ay ang malakihang hagdanan. Tumigil kami sa paglalakad ng makarating kami sa isang silid.
"Get the wine." Utos ng lalakeng nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng aura'ng dinadala niya. "She'll do it." Napaiwas agad ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin.
Hinila agad ako ng dalawa saka ipinasok sa loob. My eyes when I realize na kaming dalawa lang ang nasa loob. "A-anong gagawin mo sa akin?" Napaatras ako ng bigla siyang umabante patungo sa akin.
His lips curved habang tinitingnan niya ako. "Don't worry mag-eenjoy ka naman." Napalunok ako ng bigla niya akong nginitian.
A devil smile.
Umatras pa ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng Dingding. "A-anong-"
Agad akong natigilan ng mahagilap ko ang kaniyang mga mata. His blue eyes are drowning me. Hindi ko inalis ang titig ko sa kaniya. May kung ano akong nakikita. Naramdaman ko ang pagkakahawak niya sa magkabila kong braso. "Anong nakikita mo?" Ang mapaglarong mga ngiti niya at agad na naglaho. Hindi ko inalis ang titig ko sa kaniyang mga mata kahit na yinuyugyog niya na ako.
His deep blue eyes.
Slowly by slowly.
I saw a man inside him.