Keisha's POV:
"Ang galing galing mo talaga Keisha. Idol na idol kita!" Nginingitian ko sila habang niyayakap nila ako at nagpapa-picture.
Nakakataba ng puso kapag ganitong ang daming nagmamahal sa'yo. Lahat sila masayang makita ako. Lahat sila sinasabi na hindi sila magsasawang suportahan ako.
At ang pinaka masarap ay may isang tao na hindi kailanman nagsawang suportahan ako sa gusto ko. Kahit hindi niya maintindihan noong una ay tinanggap niya pa din ito bilang bahagi ng pagkatao ko.
Siya lang ang nag-iisang tao na tumanggap sa akin sa kabila ng pagiging mahirap ko at mayaman niya.
Siya lang ang una at huling lalaki na tumanggap sa akin ng buong buo...
---
Kinakain ako ng mga alaalang bumabalik sa akin.
Nagtatalo ang puso't isipan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong iniwan sa gitna ng ilog na may malakas na agos. Gusto kong magpa-agos pero gusto ko ding humakbang patungo sa pampang.
Gusto ko nang makatawid. Gusto ko nang malampasan ang hirap at sakit na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano matatakasan.
Ang tagal kong nagsumikap na kalimutan ang lahat pero bakit naman ganito? Nagpakita lang siya nagulo na naman ang isip ko.
Isang hakbang nalang Kei, isang hakbang lang naman patalikod sakanya eh. Isang hakbang lang patungo sa pampang ng ilog. Pero bakit? Bakit hindi mo magawa? Bakit Kei?
Dahil ba mahal mo pa siya?
Hindi. Ayoko. Hindi pwede.
Naka-move on ka na hindi ba? Dalawang taon Kei. Dalawang taon ka naghirap na subukang kalimutan siya.
Pero bakit pakiramdam ko hindi pa? Bakit parang naglaho ang lahat ng pagsisikap kong malimot ang lahat?
Bakit bumalik ang lahat lahat? Bakit?
Ngayon, paano na?
Bakit ka pa kasi bumalik?
Ano bang gusto mo mangyari? Maayos na ako eh. Okay na ako. Pero bakit ginulo mo na naman ako?
Ang hirap hirap naman kasi kalimutan lahat eh. Hindi naman kasi biro yung mga nangyari. Hindi ko kaya Devin, hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa kayang limutin ka....
Bakit naman kasi ngayon lang! Bakit hindi pa noong mga panahon na kailangang kailangan kita at ikaw pa din ang hinahanap ko sa kabila ng ginawa mong pang-iiwan?
Bakit kasi hindi pa noong mga panahon na kaya ko pang magmahal!
Hindi na pwede, Devin.
Hindi na ako ang dating Kei Ashley na kilala mo...
Hindi na ako ang Kelly na minahal mo...
Ano ba namang buhay 'to.
Bakit mo ba kasi ako ginagago? Kung kelan maayos na ako at tinigilan ko na ang paghihintay tsaka ka babalik?
Ayaw mo bang makausad ako sa buhay ko?
Gusto mo ba, sa'yo at sa'yo pa din ako babalik?
Sa'yo lang iikot ang mundo ko? Ganun ba?
Wala akong nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak.
Ang tagal kong hinintay 'to eh. Ang tagal kong pinangarap na bumalik ka at magmakaawa sa akin.
BINABASA MO ANG
The Queens
RomanceSamantha Feral, the Wild Queen, every guy is falling for her sexiness and hotness. Kei Ashley Samantha Vidal, the Queen of Pain, she owns all the pain in the world with all of her bad experiences in life. How will Kei Ashley overcome Samantha's worl...