Chapter 6: "I AM THE QUEEN"

101 9 13
                                    

Keisha's POV:

"Kung sana noon ay nagawa kong protektahan ka, hindi sana mangyayari ang lahat ng naranasan mo. Kung sana noon palang, inalagaan na kita, pinahalagahan at minahal ng tama, hindi ka sana mawawala sa akin at hindi kita masasaktan. Patawad Keiley... Patawad..."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi dahilan upang magising ako.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko ang mukha ni Devin na umiiyak.

"Keiley... alam kong ako ang dahilan ng lahat ng paghihirap mo. Gusto kong ibalik ang dating ikaw, ang dati mong saya at dating tayo. Gusto kong makita ang saya saiyong mga mata na hindi ko makita ngayon kahit na anong gawin ko." Napatitig lamang ako sa mga sinasabi niya, hindi ko alam kung paano siya paniniwalaan.

Wala na akong maramdaman.

Bumangon ako at naupo, hindi ako nagsasalita, nakatingin lamang ako sakanya.

"Pasensya na kung dito kita dinala sa condo ko. Hindi ko kasi alam kung saan ang bahay mo. Yung kanina, huwag kang mag-alala, pinapahanap ko na siya." Tumayo siya at umalis.

"Bakit mo ba ako sinaktan?" Napatigil siya sa tanong ko na marahil ay hindi niya inaasahan.

Lumingon siya sa akin at nakita niya ang mga mata kong nangingilid na ang luha pero kahit ganoon, nakatitig lamang ako sakanya at pilit na pinatatatag ang aking loob. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na huwag umiyak dahil ayokong makita niya na mahina ako. Gusto kong makita niya na nagbago na ako.

"Hindi ko sinasadya, Keiley." Sabi niya habang palapit sa akin. Hindi ko na siya hinintay pang makalapit at sinampal ko na agad siya.

"Hindi sinasadya? Alin Devin? Alin sa mga 'yon ang hindi mo sinadya? Yung saktan ako? Yung ipagtabuyan ako? Yung ipamukha sa akin na hindi ako ang mahal mo at ni minsan hindi mo ako minahal? Alin doon ha? Oh baka naman hindi mo sinadyang iwan ako?" Napalingon siya sa akin at tila ba naguluhan siya sa sinabi ko. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong magsalita.

"Bakit parang naguguluhan ka? Nakalimutan mo na yung mga ginawa mo sa akin ha? Pwes, ipapaalala ko sa'yo. Sa gitna ng ulan Devin, iniwan mo akong luhaan. Sa harap ng maraming tao, pinahiya mo ako at pinagtabuyan! Ilang ulit Devin, paulit ulit mo akong sinaktan! Ngayon sabihin mo sa akin, paano kita mamahalin kung kinamumuhian kita! Dahil sa'yo nasira ang buhay ko! Sinira mo. Tapos ngayon, eto ka bumabalik kung kailan kinakaya ko na ng wala ka! Humihingi ka ng tawad at pangalawang pagkakataon? Para ano? Para saktan ako muli ha? Yun ba Devin? Hindi ka ba na-kontento sa ginawa mo sa'kin noon kaya bumalik ka pa para ulitin mo?" Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. Kusa itong bumagsak at wala akong magawa kundi humagulhol at yakapin ang sarili nang mapaupo ako.

Lumapit siya sa akin na umiiyak. Umupo siya sa harapan ko, hindi alam kung hahawakan niya ba ako o hindi.

"Keiley... patawad..."

"Ano ba ang naging pagkukulang ko sa'yo para gawin mo sa akin yun? Saan ba ako nagkamali? Ipaintindi mo naman sa akin kung bakit nangyari ang lahat ng 'yon. Devin may pangarap tayo. May plano tayo para sa atin. May pangako tayo sa isa't isa. Pero bakit ganun? Anong nangyari? Bakit bigla mo nalang akong iniwan kung kailan kailangan kita? Bakit binalewala mo ang lahat ng iyon? Ang pagmamahal ko, ang pinagsamahan natin at ako. Wala lang ba ako sa'yo, Devin?" Tuloy lamang ang aking pagluha at ganoon rin siya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinagdikit ang aming mga noo.

The QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon