Chapter 5: Something from the past

71 9 23
                                    

Keisha's POV:

Mali ba yung ginawa ko? Ang selfish ko ba? Mas inuna ko sarili ko kesa sa trabaho ko at kasamahan ko. Hindi ba dapat inuna ko sila?

Dapat ba hindi ako umalis? Dapat ba tinulungan ko sila ayusin ang ginawa kong gulo doon?

Dapat ba---

"Aray!" Napahawak ako sa ilong ko na tumama sa dibdib ng isang lalaki.

Agad kong tiningnan ang mukha niya dahil natatakot ako na baka masamang loob to.

"Kuya Marco! Diyos ko, halos atakihin ako sa'yo!" Nakahinga ako ng maluwag nang makilala ko siya.

Ngumiti siya sa akin at inabot ang isang oreo frappe.

"Pampa-good vibes." Tinitigan ko lamang ito.

Nilagay niya ito sa kamay ko at tumawa.

"Wag ka matakot, bayad na yan. Nagawan ni Ate Janna ng paraan na wag masayang ang cancelled order at para hindi malaman ni Boss."

Napangiti nalang din ako, mula noon si Ate Jaise talaga ang gumagawa ng paraan na wag kami mapagalitan at walang nakakaalam kung paano niya iyon ginagawa.

Sinabayan na ako ni Kuya Marco sa paglalakad papunta sa pool party ni Boss.

"Ang totoo niyan Kuya, pupunta lang ako sa party ni Boss para magpaalam sainyo. Nahihiya na kasi ako kaya magre-resign nalang ako." Nakayuko kong sabi habang iniinom ang binigay niya.

Ginulo niya naman ang buhok ko at inakbayan ako.

"Ano ka ba Keisha, pamilya tayo kaya wala kang dapat ipagalala. Ganun lang naman talaga si Kuya Ron, di ka na nasanay." Nginitian niya akong muli na siya ring nakapagpangiti sa akin. Nakakagaan sa pakiramdam ang ngiti niya.

Napapangiti nalang din ako kapag kausap ko si Kuya Marco. Kung meron man taong pinagkakatiwalaan ko bukod kay Ate Jaise, yun ay si Kuya Marco. Laging silang dalawa ang nasasandalan ko sa mga oras na ganito.

Si Kuya Marco napapagaan niya ang pakiramdam ko sa mga sweet gestures niya at pagpaparamdam na may kapatid ako sa katauhan niya. Madalas siya rin ang nagaaya sa akin lumabas kapag ganitong malungkot ako.

Si Ate Jaise naman, palagi siyang gumagawa ng paraan na makaganti sa mga taong nanakit sa akin gaya nalang ng ginawa niya sa customer kanina. Dapat nga siguro akong mag-sorry sa mga nasabi ko.

"Keishaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Napatingin ako sa hyper na boses at hindi nga ako nagkakamali, walang iba kundi si Ate Jaise.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Buti nalang pumunta ka Keisha! Akala ko masasayang na yung swimsuit na binili ko para sa'yo eh!"

Napabitaw ako sa yakap niya.

"T-teka lang Ate! Anong swimsuit ang pinagsasabi mo jan?" Kinakabahan kong tanong sakanya.

Napanguso nalang siya sa tanong ko.

"Swimsuit hindi mo alam kung ano ha Keisha?"

Hinila niya na ako papasok at wala akong magawa kundi magreklamo.

"Ate! Hindi ako nagsusuot ng ganyan!"

Tinawanan niya lang ako at kinindatan.

"Trust me, bagay sa'yo 'to."







"Diyos ko ate! Uuwi nalang ako kung ganito lang din ipapasuot mo sa akin!"

Pagrereklamo ko nang maisuot ko ang red one piece swimsuit pero labas na labas ang likod, halos t-back na at labas pa cleavage!

The QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon