Mula pagkabata ko, nakilala nila ako bilang ang babaeng nakasuot ng napakalaking salamin, braces at sabog palagi ang makapal niyang buhok. Ang masama pa nito mahahabang palda o di kaya ay maluluwag na pantalon pa ang suot ko, lagi rin akong nakalong-sleeves. Sabi ng ibang kahit papaano ay may malasakit sa akin ay kung mag-aayos daw ako, maganda naman daw ang magiging itsura ko.
At dahil nga sa itsura ko, iilan lang rin ang gustong makipag-kaibigan sa akin. Dahil na rin siguro ayaw nilang makilala bilang kaibigan nung sobrang freaky na nerd. Marami ang nangbu-bully sa akin aaminin ko pero hindi ako nagpatinag dahil ang alam ko ay wala naman sa itsura yan, kundi sa kung paano ka sa loob-loob mo.
Hindi naman ako pumapasok ng school para pumorma, pumapasok ako dahil kailangan kong mag-aral. Hindi ko naman kailang kulayan ang mukha ko kung ang gagawin ko lang naman ay mag-solve ng mga complicated equations hindi ba?
Kaya aaminin kong nagulat ako ng may gusto pang makipag-kaibigan sa isang tulad ko, hindi ko na kwinestyon ang paglapit nila sa akin lalo na at puro kabutihan ang pinapakita nila sa akin. Mabilis akong nagtiwala sa kanila, sa sobrang laki ng tiwala na ibinigay ko sa kanila ganun rin ang pagkawasak ko ng malaman kong pinaglalaruan lang pala nila ako.
Ang mga kaibigan kong akala ko ay tanggap ako, laro lang pala nila ito. Na isa lang akong madaling target dahil sa kasabikan kong magkaroon ng kaibigan. Ang mas masakit pa yung taong inaasahan kong magiging katuwang ko kapag may nangyaring ganito ay kasali rin pala sa mga laro nila. Kaya wala akong nagawa kundi umalis at magtago sa kanila.
Pero dahil sa ginawa kong pag-alis nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan na hinding-hindi ako lolokohin. Dahil sa kanila nakuha kong magbago, they convinced me to change. Change for the better.
Ginawa ko yun hindi dahil sa gusto kong makasali sa kanila, I did it for myself. Hindi nila ako pinilit, tinuruan lang nila ako kung paano maging malakas, paano maging matapang. Kung paano magkaroon ng paninindigan. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makilala ang bagong ako.
I found my new and well improved self, aaminin kong hindi ko inasahan na magiging ganito ako. But wala akong pinagsisisihan.
I now learned how to hide my emotions para walang magkamaling gumamit sa akin at saktan ako, natuto ako kung paano ipagtanngol ang sarili ko at higit pa.
Now that I decided to comeback, I can't wait to see those who wronged me before. Gustong gusto ko na silang makita para maipakita sa kanila kung anong ginawa nila sa akin. I will do everything for them to feel the pain they gave me. Alam kong mali ang mapuno ng galit ang puso ko pero anong magagawa ko, nasaktan ako ng sukdulan eh.
I want them to be scared, because the Nerd that they met before is now a Goddess Gangster.
*******************************************
A/N: If meron pa po akong nakaligtaang mistakes please don't be shy to inform me. And I hope na magustuhan niyo ang revised version ng prologue nito. Wala namang masyadong changes I still tried to stick to the old one inayos ko lang yung way ng pagkakasulat ko.
Thank you guys!
~All the love...
BINABASA MO ANG
Nerd to a Goddess Gangster (K.N)
FanfictionRevenge Series 1: Nerd To A Goddess Gangster Nasaktan noon,umiyak noon,naapi noon,at nagmahal ng buong puso. Pero kailangan mo ba talagang gumanti ngayon? Pero paano kung Masaktan ka lang ulit kakayanin mo pa ba? Started: SEPTEMBER 2014 End: MAY 20...