Chapter Nine

23.4K 490 8
                                    

 Mood: Sign of the times~  Harry Styles


Julia's POV

Natahimik kami nung biglang lumapit si Bea, nandito na naman yata ang isang to para manira ng mood.


"Ako pwede bang sumali?" Tanong niya, walang nagsalita pero napatingin kaming lahat kay Kath nung umayos ito ng upo kaya nahalata ko rin kung gaano sila magkadikit ni Deejay.

"Oh hi couz! Ngayon lang kita nakita ulit. Last time we didn't get the chance to catch up. " Parang nang-aasar pa na sabi ni Kath, nakita ko naman kung paano sumama ang mukha ni Bea ng makita niya ang pwesto nila ni Daniel.


"Oo nga eh, sobrang dami ng nagbago mula ng mawala ka, that's why I'm surprise nga eh. Bakit kayo magkakasama hindi ba at may war kayo nung umalis ka?" Pagpapa-alala nito sa nangyari noon. Hindi pa man nakakasagot si Kath eh nagtuloy-tuloy pa siya.

"And why are you so close to my boyfriend? Are you trying to seduce him?" Paranoid niyang tanong kaya pekeng tumawa si Kath.


"Masyado mo namang pinapahalata na insecure ka couz, bakit dahil ba lumalaki ka pero hindi tumatangkad?" Banggit ni Kath dahil totoo naman medyo tumaba nga ang isang to.

"Nope, ako insecure? No way! Besides it's called getting the curves. Boys like to hold someone thick." Pagmamayabang niya pero umiling lang si Kath.


"Belive me I know about them liking voluptuous women pero may pagkaka-iba naman iyon sa mataba talaga." Hindi pinansin ni Bea yung pang-aasar ni Kath pero nakita ko kung paano nalaglag ng konti ang bibig niya sa sinabi nito.

"Wala bang sasagot ng tanong ko? Why are you sitting with them?" She crossed her arms na parang nanay na handa ng manermon.


"Because I can, sa pagkaka-alam ko pwede akong maupo sa kung saan ko man gusto. They agreed that we can sit here so we did. May problema ba dun couz?" Umiling si Bea bago sumagot

"Eh hindi ba magka-away kayo kaya ka nga umalis dati eh." Pagtuturo niya sa obvious na rason kung bakit dapat wala talaga dito sila Kath.


"Well it's been two years naka move on na kaming lahat. Forgive and forget ang peg namin. Baka gusto mong sumali kaso hindi pa kita nafo-forgive dahil wala pa naman akong sorry na natatanggap." Sagot ni Kath

"Bakit naman kayo pumayag?" Baling sa amin ni Bea mostly kay Daniel.


"We were friends before and still are. So why not?" Tanong pabalik ni Daniel. Sinundan ko ng tingin ang mga kamay niya na umakbay kay Kath. Pasimple pa ang dalawang to pero halata naman.

"Malay mo may crush pala ang boyfriend mo sa akin kaya niya ako pinaupo with my friends here. But wait ang alam ko matagal na kayong hiwalay ah?" Humawak pa si Kath sa baba niya na parang nag-iisip talaga.


"No wonder sa laki ng pinagbago ko, halos lahat nga dito gusto akong umupo sa table nila eh." Pagtutuloy pa ni Kath. Medyo napalakas ang boses niya kaya napatingin na sa amin yung mga tao.


I followed Kath's hand na yumakap sa mga braso ni Daniel. Alam kong nakikita rin ni Bea ito kaya mas lalong pumapangit ang itsura nito.


"Ako din naman maganda ah? Compared sa ganda mo mas maganda kaya ako diba babe?" Natahimik kaming lahat waiting for Daniel to answer.

"Ows? Di ako nainform." Nagtawanan ang buong cafeteria dahil sa sagot nito pero agad ring nawala nung pumalakpak si Kath.


"Don't be harsh guys, that's bullying. Pero maganda naman talaga si Bea. Halos siya nga ang pinakamaganda na nakatira sa bahay namin eh." Pagtatanggol ni Kath na siyang pinagtaka ko. Nag-iwasan naman ng tingin ang mga tao at mukhang natakot. Sinabi niya kasi ito ng walang emosyon na boses at mukha, para lang siyang nagmo-monologue.


Hinarap niya si Bea na nakatingin at nakangiti sa kanya..


"Thanks cuz para sa hindi mo sila hinayaang ibully ako. At sa pagsasabing maganda ako compa- -" Tinaas ni Kath ang kamay niya na parang pinapatigil ito

"I don't tolerate bullying lalo na sa harap ng mga tao para ipahiya ito. Dahil hindi ako kagaya mo noon na hinayaan lang ang mga bully ko na magpatuloy at pahirapan ako. Wala kang sinabi o ginawa. But I guess hindi naman sigurong masamang gumanti kahit konti diba?" Kumunot ang noo ko sa sinasabi ni Kath ganun rin sila Bea.


"What are you saying?" Tanong na ni Bea.

"Maganda si Bea, siya ang pinakamaganda sa bahay namin dahil hindi naman ako nakatira doon. Eh halos aso na nga lang ang kasama niya sa bahay eh!" Alam kong sinadya niyang lakasan ang boses niya para sa sinabi niya para marinig ng iba. And as expected nagwalk out si Bea habang nagtawanan naman kaming lahat.


Natatawa pa rin ako ng mapansin kong tuluyan ng sumandal si Kath sa balikat ni Daniel, at bumaba naman ang kamay ni Daniel sa bewang ni Kath.

Ang dalawang to talaga parang ngayon nga lang sila nagkasama ulit at nagkausap pero kung kumilos akala mo may relasyon sila eh.


But for the first time, I realized that Bea didn't ruin the mood. She even made it better dahil sa pag-epal niya kanina, napahiya siya and that's good for me.


************************

A/N: Please know that I have nothing against the people I chose for this story lalo na kay Bea.

~All the love...

Nerd to a Goddess Gangster (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon