Chapter Nineteen

17.5K 313 5
                                    

 Mood: Attention~ Charlie Puth

             

Kiray's POV


Halos tatlong linggo na since noong surprise ni Deejay at jusko! Hindi mo makikitang magkahiwalay ang dalawa, kulang na lang yata pati sa C.R. magkasama silang dalawa. 

Kung makikita mo sila aakalain mong may relasyon na pero kapag tinatanong, 'FRIENDS' lang daw naman.


And now nasa isang restaurant kami dahil birthday ni Diego at ang magkaibigan lang daw ay halos share na sa lahat. Share sila sa ice tea ni Kath dahil ubos na yung kay Deejay and hindi na pumapayag si Kath na mag-order pa siya ulit, kung hindi naman tubig. Hindi man lang nila pansin na nagi-indirect kiss na sila.


"Sigurado ba kayong friends lang kayo? Hindi man lang bestfriends?!" Medyo malakas at pilosopong tanong ni Janella sa kanila.


"Oo nga." Sabay pa sila kaya ngumiti pa sila sa isa't-isa.


"Sabihin niyo lang once na maglevel up na, magtataas rin ako ng membership fee." Bilin ni Janella na hindi naman pinansin nung dalawa.


Itong dalawa na ito, siguradong hindi lang nila maamin ang nararamdaman nila eh. Masyadong I.D.



Janella's POV

Habang kumakain, nakatingin lang rin ako sa KathNiel ko, sinisiguradong hindi pa talaga sila


"Bal,ang laki nung steak." Sabi ni Kath


Tumigil naman si Deejay sa pagkain at humarap kay Kath.


"Bal, akin na muna yung plate mo." Sabi naman ni Deejay


Binigay naman ni Kath. Halos mamatay ako sa kilig nung si DJ mismo ang naghiwa sa steak ni Kath.


"Oh, bal hiniwa ko na. Ubusin mo yan ha you need to eat para magkalaman ka naman." Utos ni DJ

"Iiiiih....sexy kaya ako . Ayokong tumaba papangit ako. " Kath sabay pout


Oh My Gosh! Nagpacute si Kath, unang beses ko tong Makita dahil noon halos hindi nga yan ngumiti or tumawa eh. Kaya kinuha ko na yung moment at pinicturan sila.

Nanlaki bigla ang mga mata ko, nakita kong yumuko si Daniel at hinalikan si Kath, mabilis lang naman.


"Ehh? Bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Kath pero mukhang okay lang naman sa kanya.

"Gusto ko ehh..." Sagot ni DJ na may ngiting panalo pa


Hay, sure. Hindi pa nga 'DAW' kasi sila.


Ng mag-desert wala ng nagtaka na iisang order na lang rin ang kinuha nila. Okay nga daw sabi ni Diego eh, bawas sa bill.

Sakto naming naghihintay kami, umalis si Kath nagpaalam na iihi daw. Sasama sana si Daniel kaso sinabihan na siya ni Kath na wag na. 

Nerd to a Goddess Gangster (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon