Short Chapter!
Mood: Teardrops on my guitar~ Taylor Swift
Lia's POV
That same day imbes na kumain ako ng lunch with them nagsabi na lang ako na gusto ko na munang umidlip. Pero ang totoo gusto ko lang pumunta sa music room.
I feel like I just need to get whatever it is I'm feeling out and besides nami-miss ko na rin ang tumugtog.
Sakto namang walang tao kaya malakas ang loob ko ng kuhain ang isang acoustic guitar na nasa stand.
I closed my eyes and started playing...
(The song above)
Pagkatapos kong tugtugin hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, hindi ko maiwasang matawa.
Ilang beses kong tinanggi kanila Kath na okay na ako at wala na sa akin yung nangyari pero sarili ko lang pala yung niloloko ko.
Sinubukan kong punasan yung mga luha ko pero, parang hindi sila tumitigil sa pagtulo. Hanggang sa nagulat ako dahil biglang may nag-abot ng panyo sa akin.
"What are you doing here?" Tanong ko agad at mas nagulat ng makitang si Joshua pa pala yun. Malungkot lang siyang nakatingin sa akin.
"I'm so sorry.." At hinila niya ako para yakapin, nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya palayo o hayaan na lang siya na yakapin ako. What surprised me is hindi ko siya tinulak o hinayaan lang, I even hugged him back.
Joshua's POV
Dumiretyo ako sa music room dahil sobrang inaantok pa ako. Pero after just a few minutes narinig ko na agad ang pagbukas ulit ng pinto, tatayo na sana ako at papalabasin siya pero bigla akong napabalik sa pwesto ko ng makitang si Lia yun.
Mas tinago ko pa ang sarili ko habang sinusundan siya ng tingin, I watched her grab a guitar at naupo sa sahig.
Then she opened her mouth and started singing, natulala ako sa boses niya na puno ng lungkot at sakit.
Alam kong isa ako sa may kagagawan nito, dahil nalaman ko kay Miles kanina yung ginawa ni Haley mabuti na lang at pinaalis na nila Janella ang isang yun.
Nagulat ako ng makitang may tumutulo ng luha sa pisngi niya, hindi ako agad lumapit at hinintay siyang matapos.
Naglakad ako palapit sa kanya at mukhang hindi niya pa ako napansin dahil mas lalo lang lumala yung pag-iyak niya.
Inabutan ko siya ng panyo at halatang nagulat siya dahil bigla siyang napatayo, at nung makita niya ako.
"What are you doing here?" Tanong niya pero hindi ko siya nagawang sagutin dahil parang bigla akong nasaktan ng makita ang basa niyang mukha dahil sa luha.
Hinila ko siya palapit sa akin, at hindi na napigilan ang pagpatak ng luha.
"I'm so sorry.." Paghingi ko ng tawad sa kanya at naramdaman ko pa ang pagyakap niya sa akin pabalik.
After a few minutes at alam kong parehas na kaming kumalma humakbang ako palayo at tiningnan siya sa mga mata.
"I'm so sorry sa ginawa ko noon. I chose to hurt you, mas pinili kong lokohin yung best friend ko para lang mapasagot ang isang babae. I'm sorry nabulag lang ako ng pagmamahal ko kay Haley, at hindi ko man lang naisip ang mararamdaman mo. I chose to believe na magiging okay tayo pagkatapos. I took advantage of you and I'm sorry." Sabi ko
"Please, let me make it up to you Cheska." Dugtong ko habang tinatawag siya sa dati niyang palayaw.
Hindi siya agad sumagot at nakatitig lang sa akin, halo halo ang nakikitang emosyon sa mga mata niya hanggang sa bumuntong hininga siya.
"Okay.." Sagot niya pero rinig ko pa rin ang pag-aalangan niya.
Napangiti ako at hinila siya para mayakap ulit.
"Thank you, so much. "
*******
BINABASA MO ANG
Nerd to a Goddess Gangster (K.N)
FanfictionRevenge Series 1: Nerd To A Goddess Gangster Nasaktan noon,umiyak noon,naapi noon,at nagmahal ng buong puso. Pero kailangan mo ba talagang gumanti ngayon? Pero paano kung Masaktan ka lang ulit kakayanin mo pa ba? Started: SEPTEMBER 2014 End: MAY 20...