Chapter Twenty One

15K 299 5
                                    

 Mood:Cool for the summer ~ Demi Lovato
 

Kathryn's POV

Napahikab ako dahil sa antok, sobrang aga ko kasi silang pinabangon para magtraining. Nakalimutan kasi namin yun gawin simula ng makabalik kami, and I cant let that happen. Hindi pwedeng mabawasan ang lakas namin. 


"Ako na muna ang magluluto ngayon." Tumayo na si Jane mula sa pagkakasalampak niya sa sahig. Nagsitayuan na rin kami at sumunod sa kanya papunta sa kusina. 

"Anong lulutuin mo? Damihan mo ah, gustom ako." Parang boss na utos ni Miles kaya kinurot siya ni Jane.


"Yes ma'am!" Natatawa nitong sabi at bumalik sa kusina. 


Sumalampak ako ng upo sa sofa at pinikit ang mata ko. Hindi ko pinansin kahit pa tumunog yung doorbell. Hinayaan ko na lang sila ang umasikaso non.  Dumilat lang ako ng maramdaman kong may nakatayo sa harap ko. 


"Special delivery daw for Ms. Kathryn Bernardo." Nakangiting sabi ni Liza at may inabot sa akin na malaking box na may mga maliliit na butas at flowers. 

"Kanino galing?" Tanong ni Miles at sinilip yung kahon.


"Kanino pa ba? Kay Mr. Padilla of course." Sagot sa kanya ni Janella pero hindi ko na sila pinansin at tumayo na lang. 

"Lia, samahan mo ako." Utos ko at nauna ng naglakad papunta sa cloudy room namin, kwartong puno ng unan at stuff toy. Kagagawan ni Janella to eh, mahilig kasi sa ganito yun eh kaya pinatayuan ko na rin yung bahay ng ganun. 


"Ano yan?" Tanong niya ng makapasok kami, tumingin ako sa kanya na patalong nahiga sa isang sulok. 

"Not sure, let's see." Napangiti ako ng buksan ko yung box may asong bumungad sa akin. 


Agad kong binuhat yun, nabanggit ko lang sa kanya kahapon na gusto ko ng aso. Meron na ako agad ngayon.


"Cutie..What should I name you?" Pagka-usap ko sa putting aso.

"Woah! Akala ko kuripot si Daniel, sayo lang pala siya galante. Ang mahal kaya niyan!" Manghang sabi ni Lia kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. 


Binuksan ko na muna yung pinto at tinawag si Liza at inabot ko sa kanya yung aso. Narinig ko pa kung paano nila pagkaguluhan yun. 


"Enough dodging the topic. May problema ba?" Tanong ko at naupo sa tabi niya. Umayos naman siya ng upo at sumandal sa balikat ko. 

"Wala naman. Did you know I saw him yesterday." Mahina niyang sabi, sinuklay ko yung buhok niya gamit ang daliri ko. 


Hindi ko man aminin pero si Lia talaga ang pinakaclose ko sa kanilang lahat, maybe because naiintindihan ko siya dahil parehas kami ng pinagdaanan? If not mas malala pa sa kanya dahil mula pagkabata kilala niya na yung gumamit sa kanya, but of course hindi ko makakalimutan ang ginawa ng sarili kong pinsan. 

Pero ang pinagkaiba naming dalawa, ako noong hindi pa kami nagkakaayos nila Daniel na kaya kong ibaon yung sakit na nararamdaman ko, pero napalitan ito ng matinding galit. Kung tutuusin Lia is so much stronger than me dahil ni minsan hindi niya plinanong maghiganti.

Nerd to a Goddess Gangster (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon