Chapter Two

31.3K 642 20
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mood: Love on the brain~ Rihanna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mood: Love on the brain~ Rihanna


Kathryn's POV

Hindi nagtagal ang masasayang araw ko kasama si Daniel, in a month nakita ko ang unti-unti niyang pagbabago. Lalo na sa pakikitungo sa akin, ngayon para na siyang isang panibagong tao sa harap ko.

Magkasama kami pero ni tingnan man lang ako hindi niya na magawa, hindi niya na hinahawakan ang mga kamay ko habang naglalakad ng hallways. Hindi niya na rin ako sinusundo, madalas nga kapag kaming dalawa lang ay nasisigawan niya ako, kahit na wala namang maayos na dahilan.


Magkasabay kaming naglalakad ni Julia palabas ng 3rd pd. namin, naghihintay na sila Kiray sa labas at sabay-sabay kaming naglakad papuntang cafeteria. Napahinto lang ako ng maalala kong kailangan ko nga pala kunin yung libro ko para sa last class ko mamayang hapon.


"Hey, nakalimutan ko. Kailangan ko ng palang kumuha ng mga gamit sa lockers. Diretyo na lang kayo at susunod na lang ako." Nakangiti kong sabi at tumango naman sila.

"Okay, bilisan mo ha?" Tumango naman ako at tumalikod na.


Habang naglalakad ako maraming napapatingin sa akin at nagbubulong-bulungan pero mabuti na lang at ngayon ay hindi ko na marinig ang masasakit na salita na sinasabi nila. Nung umpisa masyado pa silang obvious pero nung nagging kami ni Daniel parang bigla silang natakot. Mabuti na lang rin dahil hindi ko na kailangang marinig ang kung ano man ang sinasabi nila, ang mga tingin na lang nila ang kailangan kong indahin. Expected ko na naman ang mga to, pero mahirap rin kasing masanay dahil tao lang rin naman ako, nasasaktan sa mga panglalait nila.

Sinara ko ang locker ko at nagmamadali ng naglakad papuntang cafeteria, ng mahagip ng mata ko si Bea na nakatitig sa akin. Kasama niya ang mga kaibigan niya sa cheerleading team, at nung humarap ako sa kanya ay mas sumama lang ang titig niya sa akin. Pero bago ko siya malagpasan ay nakita ko ang lumitaw na ngisi sa mga labi niya.


I don't know what happened to Bea, pero bigla na lang siyang nagbago. Hindi na siya sumasama sa aming magkakaibigan at kung nasa bahay naman kami, lalo na kapag wala si mommy ay puro pagpapasakit na lang ang ginawa niya.

Nerd to a Goddess Gangster (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon