Chapter Twenty Nine

13.4K 247 10
                                    

Mood: Love is not over~ BTS

Neil's POV

Nasa tambayan kami ngayon, yung malapit lang sa school namin. Bagong bili ito ni Kathryn eh, it's a condo unit na pwede naming tambayan kung sakaling tamadin kaming pumasok. 

This past few days parang ang saya saya naming lahat, dahil wala na yung mga awkward moments. Mukhang naka-move on na ang lahat sa mga hindi ganun kagandang nangyari. At sana tuloy tuloy na to, at wala ng magbago.


"Hey guys, gutom na ko. Sino gustong magluto para sa akin?" Tanong ko habang sinusubukan magmukhang cute, kahit kung tutuusin ako ang pinakamatanda. Lagi kasi akong gutom, pero ako rin yung tipo ng tao na mas nauuna yung katamadan kaya lagi lang akong may taga-luto.

"Wala ka sa bahay mo, na merong taga-luto. Magluto ka para sa sarili mo, ikaw lang din naman ang marunong magluto dito." Sagot ni Diego ng hindi man lang lumilingon. 


"Hoy, marunong kaming magluto ah! Wag mo kaming igaya sayo!" Sita ni Kiray kaya nagtawanan kami. 

"Fried egg at bacon lang naman." Bara nito pabalik kay Kiray. 


"At least hindi sumabog yung stove nung magluto kami!" Sabi ni Julia kaya natahimik na lang siya, girlfriend niya na eh.

"How about you Kath? Ni minsan hindi ko pa natikman ang luto mo ah. Marunong ka ba?" Tanong ni Miles, na kasing takaw ko rin. 


Dahil sa tanong niya, napatingin kaming lahat kay Kathryn na natigilan sa ginagawa niya sa phone.


"Please...Kathryn? I wanna taste your food." Pakiusap ko at sumabay na si Miles hanggang sa lahat na kami except kay Daniel. 

"What's the big deal with Kath's cooking? Alam kong siya na yata ang pinakamagaling magluto, pero it's not like hindi niyo pa natitikman ang luto niya." Litong sabi ni Daniel. 


"Hindi pa talaga, ang sabi ng mom niya, lolo pa lang niya ang nakakatikim eh at sabi nito sobrang galing daw ni Kath. Wait, wag mong sabihing natikman mo na? How did you know na masarap siyang magluto?" Tanong ni Liza sa kanya. 

"Yup, nung araw na sinagot niya ako." Proud na proud niyang balita. 


"Lucky..Kath bestfriend mo ko right? Pls, pagluto mo na kami." Sabi naman ni Lia, kaya napailing na lang si Kath bago tumayo. 

 "Oo na.."


Kathryn's POV

At dahil napilit nila akong magluto, here I am in the kitchen pinapanood na naman ni Daniel. I decided to cook grilled Caribbean pork tenderloin as the main dish, at Lasagna, I also prepared strawberry smoothies and chocolate truffles for dessert. 


"Can you help me set up the plates?" Tanong ko kay Daniel, tumango naman ito at ginawa yung sinasabi ko. I smiled watching him move around for a minute bago balikan yung ginagawa ko. 

"Kakain na!" Sigaw ko when I finally put the last dish down.


At wala pang isang minuto kanya-kanya na silang subo. Hindi halatang mga gutom na at tamad lang magsitayo para magluto ng kakainin. 


"Anong nilagay mo dito? Ang sarap!!" Halos isigaw na ni Neil kaya natawa ako at napailing na lang. 

"Kumain na lang kayo." Sabi ko at sinubuan si Daniel na nakatitig lang sa akin kanina. 


"Walang halong biro, ang sarap nga." Sabi ni Ate Yen, ngumiti lang ako at binaling ang atensyon ko kay Daniel. 

"Hihintayin mo lang ba akong subuan ka?" Tanong ko sa kanya, pero nakangiti pa rin ako. 


"I feel really proud na except sa lolo mo, ako ang una mong pinagluto. I love you." Napaiwas ako ng tingin, dahil totoo I love him so much I was willing to cook for him. Kahit nung kami pa noon, pinagluluto ko na siya. 

"And I'm sorry dahil hindi ko narealize kung gaano kita ka masasaktan noong saktan kita noon." Pagtutuloy niya, umiling lang ako and smiled up at him. 


"I love you too." I simply said, at sinubuan ulit siya.  


Lia's POV

Naglalakad na ako papuntang parking lot dahil nagpaalam na akong uuwi na muna ako sa bahay ng parents ko. Weekend kasi ngayon, and I'm scheduled to go home. Hindi ko namalayang may nakasunod na pala sa akin, hanggang sa may nagtakip ng mata ko. 

What the hell? How did that happen? Imposibleng hindi ko siya maramdaman kung ordinaryong tao lang siya. 


When I looked back, it was Joshua smiling at me. Napakunot ang noo ko,imposible. I'm probably just too engrossed in what I was reading on my phone. 


"Hey.." Bati niya

"Ba't ka sumunod? Uuwi ka na rin?" Tanong ko, umiling lang naman siya kaya kumunot ang noo ko. Hinintay kong ituloy ang ano man na sasabihin niya dahil kung hindi siya uuwi, hindi siya susunod.


"May naging boyfriend ka na ba after me?" Nagulat ako sa tanong niya kaya napatigil ako sa paglalakad, at mukhang ini-expect niya na yun dahil hindi siya lumagpas sa akin. 

"No...just flings." Dahan-dahan kong sagot. 


"Good ayokong may humahabol sayo, dahil liligawan na kita." Hindi ko narinig masyado yung sasabihin niya dahil may bumusina sa amin. Tumabi naman kami.

"Ano namang connect ng lugaw sa pagkakawalan ko ng boyfriend?" Tanong ko, napailing naman siya at natawa. 


"I didn't say lugaw. Sabi ko liligawan kita. Anyways good night Lia!" He smiled at me then kissed my cheeks bago tumakbo pabalik sa loob. 


Naiwan akong nakatayo dito, hindi naintindihan ang nangyari. 

******

There's probably going to be another one this weekend. 








Nerd to a Goddess Gangster (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon