Sembreak na, so umuwi ako sa amin. Pag-uwi ko, may klase pa yung mga kapatid, may pasok yung naman sa office ang parents ko. Samakatuwid, naiiwan ako mag-isa sa bahay, lola ko lang ang kasama ko.
So, isang hapon, naglalaba yung lola ko sa likod ng bahay namin [yes, naglalaba pa yung lola ko, 87 years old pa lang naman siya e :D]. Ako naman, nasa taas, nagcocomputer.
Nasa sala sa taas yung computer namin. Sa may tapat ng hagdan din yung computer, so nakatalikod ka sa hagdan pag naka harap ka sa computer.
Eto na, busy nga ako magcomputer, diba. Maya maya, may umakyat sa hadgan. Kahoy yung hagdan at taas ng bahay namin kaya maririnig mo yung mga yabag kung may naglalakad.
Deadma lang ako kasi naisip ko, aka yung lola ko lang yun, baka magsasampay na siya. Yung sampayan kasi namin sa bubong, ayun.
After 5 minutes, tinawag ako ng lola ko, nagpatulong siyang iakyat yung mga nilabhan nya.
Ako naman, tulala. Haha, well, saglit lang naman akong natulala.
Siguro, iniisip nyo na baka guni-guni ko lang yun. Sana nga, guni guni ko lang yun. Pero hindi e.
Kinabukasan, may pasok pa rin yung mga kapatid ko kaya kami lang ng lola ko ang naiwan sa bahay.
Hapon nun, natutulog yung lola ko. Ako naman, bored, walang internet e. Naisipan kong maglaba na lang ng mga damit namin.
So, ayun. Nakaupo ako sa may pinamataas na baitang ng hagdan, pinaghihiwalay ko yung mga puting damit at may kulay. May kulay na damit lang kasi ang lalabhan ko para hindi kailangan kusutin masyado.
Ayun na nga, pakanta-kanta pa ako habang naghihiwalay ng mga damit. Patapos na ako, binabalik ko na lang sa laundry bin yung mga damit para madaling bitbitin pababa nang biglang tumunog yung kahoy na sahig.
Hindi ko alam kung paano pero parang natalon ko yata yung hagdan namin [10 steps yun na kahoy, plus 4 steps na semento]. Basta, nagulat o natakot ako.
Siguro, nagtataka kayo, tumunog lang naman, OA lang?
Well, ganito kasi yun. Kita mo yung buong sala sa taas pagnaka-upo ka sa may hagdan. Nung mga oras na yun, ako lang talaga yung tao dun. Yung lola ko nasa kwarto nya, natutulog. Yung sahig na yun, may portion dun na loose yung kahoy, pwede mong tanggalin. Tutunog lang yun pag may nakatapak sa kanya, kung wala, tahimik naman siya.
Kaya ayun.
Naikwento ko sa parents ko yun. Siguro, para lang hindi ako matakot, sabi ni Papa, hangin lang daw yun.
Ako naman, sige na nga. Kunwari naniniwala ako. Haha :D
Pero, seriously, kinwento ko rin sa tita ko yun, yung may nakakakita talaga ng bonggang bongga.
Sabi nya, sa mga ganung pagkakataon daw, meron talaga yun, hindi mo lang nakikita pero naririnig mo sila.
Sanayan lang naman. Hindi naman sila nananakit e, kaya keri lang. :D
*********************************

BINABASA MO ANG
Kwentong Kababalaghan
ParanormalThis contains stories that happened in real life. It happened to me, or to my relatives. I am not forcing you to believe them. Basahin nyo na lang them be the judge. :D