Nung first year ako, yung dorm na tinirahan ko [university dorm] ay maraming itinatagong lihim [charot]. Kasi sobrang luma na nya talaga.
Meron siyang limang units, co-ed yung dorm. Dalawang units dun ay lalake yung occupants, tatlo naman ay para sa mga babae.
Napunta ako sa 'pinaka hindi kanais nais' na unit kasi hindi maganda yung CR. Pero, dahil walang choice, keribels na lang.
Yung dorm namin na yun, dahil nga university dorm siya, mura lang ang bayad. At dahil mura, anong maasahan natin sa services? Maarte kasi ako e. Napuputol yung supply ng tubig pag 8:30pm na, babalik na lang yung tubig ng mga 5:30am, minsan 6am.
Imagine, meron 20 na room sa floor namin, bawat room, apat ang occupants. So, 20 times 4, 80. 80 kaming lahat na nagsheshare sa 6 cubicles ng shower at 4 na cubicles ng toilet. Tapos, halos lahat, 7am yung pasok, so parating kala mo opening ng harry potter yung pila ng banyo.
Isa ako sa 7am yung class everyday, ang masama pa niyan, I hate queuing. Pano, gabi pa lang nakapila na yung mga balde. Diba, nakakatok? Pero hindi pa yun. Yung bowl, clogged. Pagifaflush mo, hindi pababa yung tubig kundi pataas, tapos aapaw siya. O diba, nakakatakot? Pero meron pa.
Eto na nga. Dahil nga hindi ko hilig ang pumila, ang ginagawa ko, pag gabi, nagiigib na ako ng tubig bago pa mawalan ng supply. Iiwanan ko yung balde ko sa isa sa mga cubicle, mabigat kasi kung ililipat ko pa sa kwarto.
Ang ginagawa ko, gumigising na lang ako ng maaga, mga 4am para wala pang tao, kasi wala pang tubig.
Karaniwan na sa mga estudyanteng na nagpupuyat. Pero sa dorm namin, bihira yung may gising pa ng 4am. Usually, tulog na yung mga taong puyat nun, kasi may klase pa ng 7am.
Tuwing umaga, though hindi naman araw araw, tuwing maliligo ako, may may tao rin sa banyo. Paano ko nalaman? Naghuhum siya. So ako, dedma lang. Baka umihi lang siya, kasi ako lang yung nagbubuhos ng tubig, so malamang hindi siya naliligo. Symmetrical yung banyo, so ako sa may right side, yung naghuhum naman, sa may left side.
Dalawang semesters yun ganun. Marami akong naririnig na mga kwento kwento tungkol sa dorm, especially sa unit namin pero dahil nga mejo sanay na ako, okay lang.
FAST FORWARD - PRESENT
Nakalimutan ko na yung mga pangyayaring yun, kasi 3 or 4 years ako na rin yun.
Naalala ko lang ulit nung maikwento sa akin nung pinsan ko, dahil sa horror segment ng Rated K.
"Alam nyo ba yung mga kwento sa *toot* dorm?" sabi nya.
"Opo, mejo may mga naririnig ako dun dati e," sabi ko. Yung tinutukoy ko e yung sa room namin nangyari.
"Talaga? Diba sa banyo daw ng Unit 5 meron?" sabi nya.
"Ahhhh. So siya pala yun," sabi ko.
"Bakit, taga dun ka ba dati? Sa second floor? Sa may left side nung banyo?" sabi nya.
Napatango na lang ako.
Kwento nya, dating estudyante daw yun, nalunod habang nasa fieldtrip sila sa isang subject. Hilig daw nyang maligo ng maaga dati kasi madaling araw daw yung study time nya.
Dati, nararamdaman ko na meron kaso hindi ko pinapansin. Pero nung nalaman ko yung history nun, ayun. Buti na lang hindi na ako nakatira dun. :D
********************************************
BINABASA MO ANG
Kwentong Kababalaghan
ParanormalThis contains stories that happened in real life. It happened to me, or to my relatives. I am not forcing you to believe them. Basahin nyo na lang them be the judge. :D