Makatitig, wagas.

3.4K 11 6
                                    

Nabanggit ko na sa kwento ko nung nakaraan na may nangahas tumira dun sa bahay na cute, diba?

Well, wala kasing choice sila tita. Ipapagawa yung bahay nila. Yun lang yung bakanteng bahay.

Malakas naman yung loob nya, nila.

Isang araw, nandun na sila sa bahay. Gabi na yun, nanonood sila ng TV.

Nung mga panahong yun, kasama pa nila si tito noon, yung asawa ni tita.

Gabi na umuwi si tito, madalas lasing.

Eto na. E di nanunood na nga sila ng TV. Nakabukas yung pinto. Nung time na yun, buntis si tita sa bunso nyang anak, sa pinsan ko.

Busy siilang manood ng TV nang biglang raw may pumasok na itim na ibon sa loob. Mejo malaki daw yung ibon.

Mejo iba na yung nafeel ni tita kaya naman pinasara nya sa pinsa ko yung pinto.

Mayamaya pa, kasasara pa lang ng pinto, may kumatok. Mabilis, yung tipong parang nagmamadali. Malakas yung katok. Pagkatapos, tumigil na ito.

Dahil nga kasasara lang ng pinto, kung may tao man na parating, dapat nakita nung pinsan ko. Pero wala.

"Wag mong buksan yung pinto," utos ng tita ko sa pinsan ko. Alam nyang hindi si tito yun.

Hindi naman kasi nakalock yung pinto. Kung tao man yun, kung si tito man yun, bubuksan nya dapat yung pinto.

Isa pa, kung tao talaga yun, hindi ka lang naman kakatok na as in katok lang talaga, diba?

Magsasalita ka, diba, ng 'tao po, tao po'.

Dahil dun, natulog na sila.

Umakyat na sila, dun sila sa pinakamalaking kwarto natulog, sama sama na lang sila.

Hindi makatulog si tita. Humihilab daw yung tiyan nya.

Napansin nya rin na hindi makatulog si kuya, yung pinsan ko kasi galaw ito ng galaw.

Nang napamulat si tita, nakita nya si Girl. Nakatitig sa tiyan nya, nasa may plywood na divider, dun siya nakapatong.

Yung bahay kasi na yun, yung division ng kwarto plywoods lang, hindi totally sarado. Yung tipong pwede kang lumipat sa kabilang kwarto, magover the wall ka lang.

Putol-putol yung tulog ni tita nug gabing yun.

Kinabukasan, tinanong ni tita si kuya kung bakit ang likot likot nya nung gabi.

"Kasi ma, may nakatitig sa atin kagabi," sagot ni kuya.

******************************************

Yes, meron ding 'gift' si kuya. Siguro nga namamana din yun.

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon