Ang Punong Mangga

6.3K 12 2
                                    

Sa likod bahay namin dati, meron isang punong mangga. Malaki siya, hitik sa bunga.

Sabi nga ng mama ko, astig daw kasi parang bawat isa sa kanilang magkakapatid may sariling sangga. Lahat ng sangga hitik na hitik kapag namunga.

Kaya lang, hindi mabait sa akin ang manggang iyon. Hindi naman sa inaaway nya ako.

Ganito kasi yun. May paniniwala yung mga matatanda dati, hindi ko alam kung hanggang ngayon na kapag alas-dose ng tanghali at alas sais ng gabi, active na active yung mga hindi na kikitang nilalang, mga dwende, and the like.

Nung bata ako, madalas akong dun sa mga pinsan ko nakikipaglaro. Nasa likod ng bahay namin yung bahay nila. Pagpupunta ka dun, kailangan mong dumaan sa may tabi ng mangga.

Dahil hapon pa yung pasok ko, pre-schooler e, pag 12nn na, tinatawag na ako para maglunch at magready para sa pagpasok. Tuwing dumadaan ako sa ilalim ng punong mangga na yun ng past twelve, kinahapunan, or kinabukasan, hindi mo na ako makikilala. Mamamaga yung mukha ko, as in. Magkakaroon ng mga rushes, namumula sila, pero hindi makati. Ganun din kapag napapagawi ako dun ng mga 6pm na.

Hindi umeepekto yung mga creams na para sa allergy sa mga pantal pantal ko. Kaya naman suki ako ng nagtatawas sa amin.

Sa mga hindi nakakaalam, yung pagtatawas po e yung papausukan ka. May balahibo ng manok yung baga, tapos may ritwal ritwal. Pagkatapos, ilalaglag yung tawas sa baga [yung buong tawas na nilalagay sa kilikili]. Afterwards, mawawala na yung usok, yung tawas naman brittle na. May korte na siya. Korteng manok, korteng tao, etc.

Siyempre nawiwirduhan din ako dati pero ang mas weird pa, kapag nadurog na yung tawas, ipapahid siya sa paa, kamay, noo, at dibdib ko. Paguwi ko, makikila mo na ulit ako.

Ang madalas na lumalabas sa tawas ko dati e maliit na tao, may one time, manok. Tanapakan ko daw kasi yung manok nung maliit na tao at namatay. Pero yung mga korteng lumalabas sa tawas, mukha talagang tao, wala nga lang features pero parang gnome na wala pang pintura, parang ganun.

Ayan, balik na tayo sa punong mangga.

One day, kailangan na siyang putulin. Bakit? Dahil sa maraming dahilan.

Una, magpapatayo ng bahay dun sa may pwesto nya. [Yung bahay sa naung kwento ko, yung cute na bahay.]

Pangalawa, malaki na siya masyado, hindi na naakyat tough namumunga pa rin pero hindi na kasing hitik ng dati.

Pangatlo, parati nya akong pinagtitripan [feeling ko, kasali talaga 'to.]

Pang-apat, yung kapibahay namin, parating nakakakita ng kapreng nagyoyosi sa puno na yun. One time, muntik na siyang atakihin.

E di ayun na nga, pinutol na siya. Inumpisahan na rin yung construction.

Kaso, bigla siyang lumaki ulit. What I mean is that naggrow siya ulit, syempre hindi naman siya in-uproot e.

Pinutol siya ulit at binuhusan ng gasolina, sa ugat. Parang yun yung pinangdilig sa kanya.

Kaso buhay pa rin. Matatag siya. Pinutol siya ulit hanggang ground level tapos sinunog.

Nung tapos na yung bahay, okay naman ang lahat, kaya lang, hindi nga siya tinitirahan parati.

One time, lumipat muna dun dina tita [yung my third eye] kasi aayusin yung bahay nila.

Yung pinsan ko kasi, mahilig talaga siyang kumanta. As in. So nung nandun sila, kanta siya ng kanta kahit anong oras.

Isang araw, pag gising nya, ang  dami nyang pula pula sa katawan. Yung parang pag kinurot kurot ka ng masasakit na kurot, mamumula, diba?

So, dinala siya sa nagtatawas. Ang lumabas sa tawas, babae.

"Siguro maingay ka ano? Kaya nainis siya sa'yo, kinurot kurot ka nya," sabi nung nagtatawas.

Nung mga panahon na yun, hindi pa talaga malinaw sa amin kung sino yung ibang occupant nung bahay na yun kaya ganun.

*****************************************

Yun lang para sa punong mangga. Next time na yung mga naexperience nila tita nung tumira sila dun.

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon