Last week and this week, finals week na namin.
Iba iba yung sked ng finals namin so yung mga wala pang exam, umuwi muna sa kanila.
Ako, dahil nga malayo yung bahay namin sa university, hindi na ako umuwi, inantay ko na lang yung exam. And besides, ganun namana talaga yung buhay ko. Sembreaks, Christmas breaks at summer breaks lang ako nakakauwi.
E di eto na. Gabi, mga 7pm kinailangan kong bumaba sa study area ng dorm namin (taga-3rd floor kasi ako) dahil may group meeting ako para sa project.Nilock ko yung pinto. Mag-isa lang ako sa room kasi wala pa yung room mate ko, wala na kasi siyang exams.
I didn't turn off the lights sa room kasi nga gabi na rin naman, madilim na. E di baba na ako.
Mga 1hr lang din yung meeting namin. After nun, umakyat na ako ulit kasi may exam pa ako kinabukasan, kelangan ko pang magreview.
To my surprise, when I opened the door, the lights were off. Akala ko, pundido na naman yung bulb, but when I clicked the switch, voila! Umilaw siya.
Napatigil ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero wala akong choice kundi pumasok sa kwarto. Dumiretso ako sa kama, double deck yun, nagtaklob ng kumot. After a while, okay na ako. Pray, pray, pray lang.
Talagang tinatakot 'nila' ako kapag mag-isa lang ako. Mga 2 years ago, nangyari na rin sa akin na ako na lang yung tao sa dorm dahil last day pa ng finals week yung exam ko.
Gabi, katatapos ko lang magshower. Inubos ko yung tubig sa balde para mapalitan na lang kinabukasan. Malaki yung balde ko, mga 24 inches yung height nya.
Narealize ko, kelangan ko na pala maglaba ng underwear. Nagbihis muna ako tapos maglalaba na dapat ako. Lumabas na ako sa kwarto. Narinig ko mula sa banyo, nalalaglag yung tabo sa sahig. Imposible yun, nasa aldeng malaki yung tabo ko, walang laman yung blade, imposibleng makalabas yung tabo.
Dahil sa taranta, pumasok na lang ako ulit sa room. Hindi na ako lumabas magdamag. Mahirap na.
Kinabukasan, mga 7am na ako nagising. Pagpunta ko sa sa banyo, nasa sahig yung tabo. Walang tubig yung balde.
Ayun, hindi ako nakapagpanic ng bongga kasi bagong gising, mabagal ang processing ng utak ko.
*******************************
PS Ibang dorm na po ito. Lumipat kasi ako sa dorm sa laas ng university since hindi pwede ang upper class dun sa unang creepy na dorm. :) Saang university ito? Nasa U-belt ba ito? Secret. :)
BINABASA MO ANG
Kwentong Kababalaghan
ParanormalThis contains stories that happened in real life. It happened to me, or to my relatives. I am not forcing you to believe them. Basahin nyo na lang them be the judge. :D