Isisi ba sa Cactus?

2.3K 11 6
                                    

May nabasa ako dati tungkol sa 'cactus'. Sabi dun, parang nakakabigay daw ng bad vibes o bad aura yung 'cactus'. Pero syempre, hindi naman natin pwedeng isisi sa isang bagay yung mga hindi magagandang nangyayari sa buhay natin, diba.

Isang araw, may bigla na lang tumubong cactus sa harap ng bahay namin, dun sa may parang flower box something. Weird lang kasi parang out of the blue siya. Wala namang bumili ng cactus sa amin, so I wonder kung saan yun nanggaling.

Meron pala akong cactus na alaga, yung namumulaklak. Nabili ko yun ng 25 pesos, maliit lang yun e, kaso hindi ko naalagan ng maayos kaya namatay siya.  Pero yung tumubo sa harap ng bahay namin, yung common na cactus. Malilit lang siya tapos matinik talaga, makati yung tinik nya.

So, ayun nga. Mga bandang March or April, napansin ko yung cactus na yun. Binunot ko siya, kasi nga dahil dun sa nabasa ko. Hindi naman masamang maniwala sa ganun diba?

Kinabukasan, nakabaon na naman siya. Hindi ko kasi siya tinapon sa basurahan, binunot ko lang talaga.

"Sige na nga, hahayaan na kitang mabuhay," sabi ko sa cactus.

After one week,may tita got sick. So, taranta yung lola ko, kasi bihira magkasakit yung tita ko na yun e.

Pinatawagan ng lola ko yung tita kong doktor, ipapacheck up yung tita ko na may sakit.

May ovarian cyst daw siya, kailangan operahan agad.

Napaisip ako, baka nga dahil sa cactus yun. Weird, I know pero yun talaga yung naisip ko. Pinuntahan ko ulit yung cactus na yun, binunot ko ulit. Nilagay ko siya sa may malapit sa basurahan. Kinabukasan, ayun siya ulit, nakatusok sa lupa, masayang masaya, bagong dilig pa.

Okay, napapraning lang ako. May karapatan ang cactus na ito na mabuhay.

So, ayun, successful ang operation ng tita ako. Everything was back to normal. Pero after one month, sumakit ulit yung puson nya. Balik ulit sa doktor. Sabi nung doktor, kailangan daw ulit operahan.

Tinanong nung mga tita at tito ko kung bakit kailangan ulit ng operasyon? Para saan pa?

Meron lang daw hindi natanggal kaya kailangan buksan ulit. So, gora naman sila.

Operation ulit. After nung 2nd operation niya, akala ng lahat okay na. Nakakapgsalita na si tita e.

After ilang araw, hindi na siya nakakapagsalita, sinusulat nya na lang yung mga gusto nyang sabihin. After ilang days ulit, tinuturo nya na lang yung letters, bahala na yung kausap nyang bumuo nung mga salita. Ilang araw pa, na-coma na siya.

Nung comatose na si tita, halos lahat ng tao sa compund pumupunta sa hospital pag gabi. Pero ako, nagpapaiwan ako sa bahay kasama nung kasambahay namin.

Ayoko kasi talagang pumupunta sa ospital, nakakatok ako.

Isang gabi, kami lang nung kasambahay namin yung nasa bahay. Mga bandang 7pm, nasa baba lang kami, nanunuod ng tv. Patay yung ilaw sa taas kasi wala namang tao.

Semento yung baba nung bahay namin, kahoy naman sa taas.

Maya maya…

"Dud dug dug dug," may narinig kaming ingay galing sa taas ng bahay. Parang may naglalakad.

Napatingin kamisa isa't isa.

"A-ate, a-anu yun?" tanong ko sa kanya.

"H-hindi ko rin alam," sagot naman nya.

"Nasaan ba yung aso?" tanong ko, kasi madalas din umakyat yung aso namin sa taas. Tinignan namin pareho, nasa likod yung aso namin, natutulog.

Dahil dun, sa sala na lang kami sa baba tumambay. Inantay namin silang dumating saka kami nakaakyat pareho.

Nung sumunod naman na gabi, nasa ospital pa rin sila mama, nagbabantay kay tita. Yung mga bata naman [mga kapatid ko, pinsan na bata pa rin pati yung anak ni tita] hindi na pinasama. Naglalaro sila dun sa bahay nila tita, kasama yung yaya nung pinsan ko. Bigla silang nagtakbuhan papunta sa bahay, bitbit nung yaya yung mga bata, takot na takot.

"Uy, bakit? Anong nangyari? Bakit parang takot na takot ka jan, ate?" paguusisa ko.

"K-kasi, naglalaro yung mga bata sa may balkon," kwento nyang hinihingal pa, "tapos may babaeng pumasok sa gate, hindi ko siya kilala, bigla lang siyang pumasok," pagpapatuloy nya sa kwento.

"O, tapos?" sabat ko naman, usisera ako e.

"Akala ko nga si ate na yun e [she's referring to my tita na nasa ospital], kala ko magaling na siya kaya umuwi na siya," sabi nya, "Nung papalapit na siya sa amin, napatingin ako sa may paa nya, tapos nakalutang siya kaya tumakbo na kami papunta dito,"

Hindi naman ako nakapagsalita, syempre natakot din ako.

Kinabukasan, tinawagan ako ni mama. Pinapapunta na ako sa ospital. Nagmamakaawa na siya, kasi daw baka hindi ko na abutan si tita. I actually felt guilty, hindi ko man lang nabisita si tita. Mas naguilty pa ako nung sabihin ni mama na sa lahat daw ng pamangkin ni tita, ako daw ang pinaka paborito nya, tapos ako pa yung hindi bumisita.

So, ayun nga. Pagdating ko ospital, huli na. Nagiiyakan na sila, katatanggal pa lang nung mga tubo-tubo na nakakabit sa kanya.

Lumabas muna kaming magpipinsan. Lahat mejo shocked. Sabi nung isa naming pinsan na nandun bago mawala si tita, lumabas daw muna sila, kasama yung ia pa naming pinsan para bumili ng makakain. Pagdating nila sa cefeteria nung ospital, naiwanan pala nya yung wallet nya. Pagbalik nila sa room, umiiyak na sila mama, pati yung lola ko pati yung iba ko pang tito at tita. Wala na si tita.

*****************************************

Pag-uwi namin sa bahay, malungkot lahat. Napabaling ako dun sa cactus, nandun pa rin naman siya.

After ilang araw, natuyo siya.

Hanggang dito na lang muna. :D

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon