Hindi ko kayo pinipilit na maniwala sa kwentong ito, pero kwento ito ng mga malalapit sa akin.
Sa lugar namin, may isang tindera ng isda na sinasabi ng mga tao na 'aswang' daw.
I know, masamang magjudge ng tao base sa itsura nya o base sa mga kwento ng ibang tao, na hindi mo naman talaga ganun kakilala.
Paano nila nasabing aswang siya?
Kasi nagtitinda siya ng isda kapag pahapon na, mga 5pm hanggang gabi. Ganoong oras siya kung magtinda.
Yun lang ba ang basehan? Hindi ko rin alam.
__________________________________________
Isang araw, buntis yung isang tita ko. May tindahan siya, so exposed siya sa mga tao.
Biglang dumaan si manang na nagtitinda ng isda sa tindahan nya, nagpabarya. Mejo tumambay siya saglit, nakipagchikahan. Maya maya, umalis na siya. Napansin naman ng tita ko na may iniwan si manang, ipinatong nya sa may mga bigas.
Kinuha ni tita yun, dinala nya sa loob ng bahay nila kasi akala nya isda, dahil nga tindera ng isda si manang. Pagbukas nya ng plastic, hindi nya maintindihan kung anong isda yun, as in sobrang soaked sa dugo, tapos talagang hindi mo mawari kung ano yun.
Dahil nga kilala si manang na nag-iwan nun bilang 'aswang', itinapon na lang ni tita yung 'isda', hindi na nya niluto.
____________________________________________
Nung minsan naman, ilang taon na ang nakalilipas, buntis naman yung isa ko pang tita, yung may third eye. Nandun siya sa may tindahan, may binili at nakipagkwentuhan na rin. Nandun din ako, tambay lang. Nakikipaglaro sa mga kapitbahay.
Mga 6pm na nun, maulan. Dumaan siya. Nakapayong siya nun, syempre, umuulan nga diba? Anong weird dun? Wala. Pero, nung dumaan siya sa harap ni tita, bigla nyang iniba yung anggulo ng payong nya, yung tipong tinakpan nya yung sarili nya, nabasa naman siya ng ulan. Ang weird, diba?
Napansin yun ni tita kaya sinundan nya ito ng tingin. Nung makalampas na si manang, dun na siya sa may kantong pababa, inayos na nya yung payong nya. Tumigil siya, tapos tinitigan yung tiyan ni tita.
Biglang napahawak si tita sa tiyan nya, tapos pumasok na siya sa loob. Humilab daw kasi. Sabi nya nung tinitigan daw ni manang yung tiyan nya saka humilab. Ang weird lang.
____________________________________________
Eto pa. Naaalala ko dati, pinagbubuntis ni mama yung kapatid ko na sumunod sa akin. Isang umaga, paggising ko, wala sina mama at papa. Nasa ospital daw.
Dahil bata pa ako nun, hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang, kapag nasa ospital, ibig sabihin, may sakit, diba?
So, ayun nga. Akala ko, nagkasakit lang si mama.
After ilang taon, nakwento ni mama yung tungkol dun.
Kaya pala siya dinala sa ospital kasi parang muntik siyang makunan. Humina daw yung kapit nung baby [yung kapatid ko].
Healthy living naman siya nun, kasi nga may baby. Sabi nya, nung gabi daw kasi bago nangyari yun, isda yung ulam namin.
E ano naman kung isda?
Nabili pala nung lola ko yung isda dun kay manang. E di ayun nga. Nakakain si inay ng isda na tinda ni manang. After daw naming kumain nun, bigla na lang humilab yung tiyan nya tapos ayun na nga.
Sabi naman ni mama, hindi nya naman daw jinujudge si manang, pero ang weird lang daw talaga. Regular naman siya nagpapacheck up, healthy naman yun baby pero dahil nga dun sa isda na yun, muntik mawala yung baby.
___________________________________________
Well, umaaligid lang si manang kapag may buntis sa paligid, o pag may batang maysakit.
May naikwento rin sa akin si Mama. Noong ako daw yung pinagbubuntis nya, si manang ay umaaligid aligid din sa bahay namin tuwing alas sais ng gabi.
Anong ginagawa ni manang? Nagtitinda ng isda.
Ano naman? Nagtitinda lang naman ng isda, diba.
Well, alas sais ng gabi nga siya nagtitinda, and sabi pa ng mama ko, habang naglalako daw si manang ng isda, nakatago siya sa may bakod namin. Nakatago siya habang sumisigaw ng 'isadaaaa, isdaaaaa', at hindi siya nakatingin sa paligid nya, nakatingin siya sa tiyan ni inay.
__________________________________________
Hanggang ngayon, nagtitinda pa rin siya ng isda. Pero dahil nga sa mga kwento kwento tungkol sa kanya, hindi kami bumibili ng isda sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kwentong Kababalaghan
ParanormalThis contains stories that happened in real life. It happened to me, or to my relatives. I am not forcing you to believe them. Basahin nyo na lang them be the judge. :D