I just learned about this recently.
Sabi kasi ng tito ko, kaya daw hindi nya kinukwento before dahil baka matakot kami.
Eto na.
One summer, we decided to have a vacation, sa munisipyo. Yung yaya lang yung naiwan sa bahay. So, dun natulog sina tito sa bahay namin para may kasama yung yaya.
Sabi ni tito, gabi na daw yun. Si tita e nasa baba pa, naghuhugas ng mga plato or naghihilamos. Sila nung pinsan ko, nasa kwarto na. Matutulog na sila.
Maya maya, may footsteps na sa hagdan. Since kahoy lang yun, rinig mo talaga.
Tuloy tuloy pa rin yung footsteps. Nagrorosary si tito nun. Nakasara yung pinto.
Sabi nya, nung malapit na sa pinto yung naglalakad, bigla daw tumigil. Pinapakiramdaman nya rin. Kung si tita yun, dapat pumasok agad sa kwarto, pero hindi.
Maya maya, naglakad ulit yung kung ano man yun. Palayo sa pinto yung yabag.
Maya maya, sumigaw yung yaya sa kabilang kwarto. Nataranta si tito.
Pinuntahan nya sa kabilang kwarto.
Sabi nung yaya, may gumising daw sa kanya. Babae, nakatitig sa kanya.
Ayun. I think, she is the same creature na palakad lakad sa taas ng bahay namin.
Hanggang dito na lang muna. Next time na yung ibang stories. Enjoy. :)
****************************************
Yehey! Nakapagpost ako ngayon.
Dami kasing ginagawa sa bahay e, hindi maisingit ang pagsusulat. :)
BINABASA MO ANG
Kwentong Kababalaghan
ParanormalThis contains stories that happened in real life. It happened to me, or to my relatives. I am not forcing you to believe them. Basahin nyo na lang them be the judge. :D
