Prolouge

105 2 0
                                    

Dec. 24, 20**

"Sandali, pag usapan naman natin to oh." Hinawakan ko nang maigi ang kaliwang kamay niya pero nagawa niya paring kumawala.
"Magsalita ka naman." pakiusap ko sa kanya.

Patuloy parin siya sa pag-eempaki ng mga gamit niya sa loob ng kwarto namin.

"May nagawa ba akong mali?" Tumutulo na ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para itanong yun, kahit hindi ako makahinga ng maayos sa sakit na nararamdaman ko.
Nilapitan ko siya. Kinuha ko ang mga damit na nasa loob ng kanyang maleta at inihagis sa sahig. Tumayo ako at tiningnan ang kanyang mga mata. Nagbabakasakali ako na magalit siya at sigawan ako pero yumuko lamang siya at isa isang pinulot ang mga damit na nakalatag.

Umupo nalang ako sa isang gilid at umiyak nang umiyak. Ni isang beses hindi niya ako tinapunan ng tingin. Maya-maya pay may tumawag sa kanyang phone at agad naman niya itong sinagot.

"Im ready." Pagkatapos niyang sabihin yun ay ibinaba nya na ang tawag.

"Sino yun?! Ano ba ang nangyayari sayo?!" Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kwelyo at kinagat ang aking ibabang labi para mapigilan ang aking paghagulhol. Tiningnan niya ako nang walang emosyon at itinulak.

Napaupo ako sa sahig sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Nakita ko na pati siya ay nagulat sa kanyang nagawa. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan dala dala ang kanyang maleta.
Tumakbo ako para sundan siya. Niyakap ko siya mula sa likuran, ang mukha ko na ngayoy basang-basa ng luha ay nakasubsob sa kanyang likod.

Bakit biglang nagbago ang isip mo? Ok naman tayo kahapon ah... Tingnan mo ako." Kinalas ko ang pagkakahawak ko sa kanya at inihawi ang kanyang mukha para matingnan ko sya nang diretso.

"Minahal mo ba talaga ako? Sunod-sunod na pumatak ang Mga luha ko.

Ilang minuto rin ang lumipas nang magsalita siya. "Mahal kita, pero hindi pagmamahal na hinihingi mo sa akin." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo. Nagbibiro kalang diba? Nangako ka sakin."

Dali dali siyang naglakad at lumabas ng bahay, nanginginig akong sumunod sa kanya at nakita kong inaalalayan siya ng mga tauhan niya sa pagpasok ng kanyang mga gamit sa loob ng sasakyan.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ba ang nagpabago sa isip mo? Tinakot ka ba niya? Give me a damn reason!"

"I never loved you in the way you want me to love you. Naawa lang ako sayo kaya umalis ako ng kasama ka but I can't pull this stunt anymore Emy. You have to let this go. You have to let me go." Hindi ko makita sa kanya ang lungkot.

"I left enough money on your account. Do whatever you want with your life, I dont care anymore." Dagdag niya pa.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salita nayon, pumasok na siya ng sasakyan. Gusto ko siyang habulin, gusto kong magmakaawa na huwag niya akong iwan kasi siya nalang ang meron ako. Gusto kong mag sorry sa mga pagkakamali ko. Pero hindi, nandito parin ako sa kinatatayuan ko, tinitingnan ang palayong sasakyan. Hindi ko magawa ang gusto kong gawin, kasi naaawa ako sa sarili ko. Siguro eto na ang kabayaran sa nagawa ko. Napapikit nalang ako at dinamdam ang malamig na tubig ulan na pumapatak sa aking balat. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sa buhay ko. Kasama ng pag alis niya ang mga pangarap ko.

Pumasok ako ng bahay dahil hindi ko kinaya ang mga tingin ng mga kapitbahay ko sa labas. Alam kong pinag-uusapan nila ako sa mga oras nayon. Humiga ako sa kama at niyakap ang kanyang unan hanggang nakatulog nalang ako sa kakaiyak.

SEDUCTRESS SERIES #1: To The One I Can Never HaveWhere stories live. Discover now