March 17, 20**
Ang tunog ng nagkakalinsing kutsara at tinidor lamang ang naririnig ko sa hapagkainan. Si lolo ang nakaupo sa pinakadulo, sina mama at papa ang nasa harapan namin, samantalang katabi ko naman si kuya.
"So how is the new business going?" tanong ni lolo sa kay papa.
"It is progressive. Mr. Kim, our largest stockholder decided to invest in our new venture. I think in no time we would outrun our competitors."
"I think? You don't say I think. A successful businessman takes calculated risks with no doubt in mind. You better not fail me in this Joaquin."
"Ofcourse sir." Pinagpatuloy lamang ni papa ang kanyang pagkain. Lumapit ang isa naming katulong para maglagay ng dessert sa aming harapan.
"How about you Rayver iho I presume you are doing well in your studies. You know very well that second best isn't best at all."
Kaya proud ako kay kuya. Hindi lamang sya mabait, sobrang talino pa. Simula pa nung bata pa kami, palagi siyang first honor at graduate na siya as summa cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration sa isang prestigious university. Law student naman siya ngayon, kaya ganon-ganon na lamang kataas ang expectations ng parents namin at ni lolo.
"Currently I'm busy supervising the operations sa isa nating hacienda sa Visayas. As for my studies, I am doing very well sir." Lolo nodded with contentment.
"Emeraude, is there anything good to report?" Napataas ang kilay ni mama sa tanong ni lolo. Tumigil naman sa pagkain sina papa at kuya at nagatinginan. Pano ba namang hindi? Napakadalang ang pagtatanong sakin ni lolo na parang hangin lang ang tingin sakin.
"Uhm, I was the representative of our school in the regional writing contest and I won first place...just recently." Tiningnan ako nang masama ni mama.
"Writing? What will you get from that other than petty attention? I suggest you start focusing on your violin lessons. You couldn't even barely make any good out of your piano skills the last time you played in front of us. Sabrina, make sure your daughter makes a suitable woman for her potential husband. Women are such disappointment."
Uminom nalang ako ng tubig para mabawasbawasan ang sama ng loob ko sa aking mga narinig. Hindi ko alam kung bakit ko pa nararamdaman to, dapat nasanay na ako dahil simulat sapul yun na ang mga katagang narinig ko buong buhay ko. Yumuko nalang ako at tinitigan ang pagkain.
"Well, I think Emy did a very good job. Hindi rin naman basta-basta ang sinalihan niya. I'm so proud of you." Sabi ni kuya habang nakangiti sa akin.
Wala namang nasabi pa si lolo at tumayo sa pagkakaupo niya at dumeritso sa kanyang opisina sa loob ng mansyon. Si mama nakatingin parin sakin na masama. Si papa naman ay sumunod na umalis para sagutin ang isang business call.
"Ano bang pumasok sa utak mo at yun ang sinagot mo sa lolo mo?! You could have just told him na you have met the senator's son. Gosh! Kailan ba kita mapapakinabangan?!
"Mama tama na. I'll just talk to Emy about this." Sabi ni kuya.
"You better do son." Tumayo si mama at lumabas. Paniguradong pupunta na naman yun sa mall at magshoshopping kasama ng mga sosyalerang kaibigan niya.
"Don't listen to them Emy. You hear me? Don't listen to them. Sobrang ganda kaya ng mga sinulat mo."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Pumunta si kuya sa araw ng contest ko kahit sobrang busy niya sa trabaho at pag-aaral. Naghintay siya hanggang naiannounce ang mga nanalo. Mas masaya pa nga siya kesa sa akin nung nalaman namin ang resulta. Kumain kami sa isang restaurant pagkatapos nun, at binigyan niya ako ng rose gold necklace na may star pendant bilang premyo ko kanya.
BẠN ĐANG ĐỌC
SEDUCTRESS SERIES #1: To The One I Can Never Have
Lãng mạnIf hell exist, I'll gladly burn with you.