RAYVER's POV
Nag wave goodbye na ako kay Emy at lumakad papunta ng building. Medyo malayo-layo rin ang kailangan kong lakarin dahil malaki ang university na pinapasukan ko. Maraming mga taong nakakasalubong ko ang bumabati sakin.
"Uy dude, musta?" May tumapik sa likod ko, si Justin lang pala.
"Hey"
"So sama ka mamaya?"
"Uh..... Sa ano?"
"House party kina Kiarra. Teka, hindi ka nakatanggap ng invitation?"
Oh shit, hindi ako nakacheck ng phone ko simula kagabi. Dali-dali kong inopen ang mga messages at mga chat sakin.
(Hey baby, wanna come? I'm having a house party tomorrow night.-Kiarra)
(Sir, Mrs. Versoza approved our request for the meeting on Saturday, 8 am. I already processed the arrangements on the venue and the necessary documents are prepared.- Secretary)
(Honey bakit hindi ka na nagpaparamdam? Nagtatampo na ako ha.-Selene)
(Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? Are you having an affair?!-Selene)
(Rayver Zamora, pag hindi mo ako pinansin magagalit talaga ako sayo!-Selene)
A total of 50 messages ang natanggap ko. Almost half galing kay Selene. Na se-stress na talaga ako sa dami ng kailangan kong gawin. Sa school, sa work, at ngayon kay Selene pa.
-One New Message Received-
(Kuya eto na yung kiss mo. Mwaaaaaaaaah. I love you.)
Napangiti ako sa nabasa ko.
(I love you too my princess. Sabay na tayong maglunch mamaya.)
-pop-
(Naku, next time nalang kuya, sasama ako maglunch sa mga SAO officers (Student Affairs Organization).
Nakaramdam ako ng konting lungkot. (Sige Emy, Ingat ka diyan. Susunduin na lang kita mamaya)
(Opo kuya) Napayuko ako habang nakatitig saking iphone.
"Dude ok kalang?"
"Yeah"
"So anong plano mo?"
"Yah sure, pupunta ako. Kailangan ko rin siguro to."
"That's my man. So pano alis muna ako."
"Sige, ingat ka."
Umalis na si Justin samantalang dumiretso naman ako sa locker ko. Kinuha ko ang mga gamit ko nang may pumulupot sa leeg ko.
"Im sorry, medyo nagalit ako kagabi." Paglalambing ni Selene.
"Im sorry din, pagod kasi ako kahapon kaya nakatulog ako at hindi na kita natawagan. Don't worry babawi ako sayo."
"I love you." She kissed my lips softly.
"I love you too." I carressed her cheeks. Hindi ko alam pero, parang pakiramdam ko walang kabuluhan ang mga sinabi ko. Nakailang girlfriend na ako pero hindi ko makita ang hinahanap ko sa kanila. Ni hindi ko nga alam kung ano ang hinahanap ko at sigurado ako na wala rin yun kay Selene.
.....
"So sabay na tayong pupunta sa party ni Kiarra?" Tanong ko sa kanya.
"Don't tell me invited ka dun? That slutty bitch." Umaandar na naman ang pagkamaldita niya. Almost one and a half year ko nang girlfriend si Selene. Galing siya sa isang prominenteng pamilya at isa siyang modelo. Nakilala ko siya sa isang event na dinaluhan ko kung saan pinakilala siya sakin ni Mart na kabanda ko. Hindi rin romantic ang simula ng relasyon namin. Walang panliligaw at 'yes moment' na naganap. Konting kuwentuhan at flirting lang at nag one night stand pagkatapos. We just assumed na kami na, wala rin naman talaga akong plano makipagrelasyon kahit sa kaninong babae, kaso medyo makulit rin si Selene kaya ang simpleng hook-up ay umabot ng isang taon.
YOU ARE READING
SEDUCTRESS SERIES #1: To The One I Can Never Have
RomanceIf hell exist, I'll gladly burn with you.