Chapter three

35 0 0
                                    

RAYVER's POV

Nasa tapat ako ngayon ng maindoor ng bahay ni Kiarra, kasama ko si Selene na nakapulupot naman sa braso ko. Ilang ulit ko na rin siyang pinagsabihan tungkol sa damit niya. Masyado kasi itong revealing, pero matigas ang ulo niya kaya hinayaan ko nalang. Rinig na rinig ko ang music na galing sa loob. Nagdoorbell na ako at agad naman akong pinagbuksan ni Kiarra.

"Babe!" Tumili si Kiarra at akmang lalapit sakin nang biglang napatigil siya nung nakita niya si Selene na nakangisi na parang nang-iinis."

"What are you doing here? Hindi ka invited dito, so shoo."

Hindi siya pinakinggan ni Selene at pumasok na sa loob. "Too late. I'm already inside."

"Fine! Whatever bitch." Umirap naman si Kiarra at lumapit sakin.

"I'm glad you came." Sinabi niya with matching seductive voice.

Ningitian ko lang siya, baka kung may sabihin pa ako biglang magwala si Selene.

"Alis muna ako." Tumingin siya sakin at umirap ulit kay Selene.

Hinawakan ni Selene ang kamay ko at mukhang nasisiyahan siya sa pambwibwisit niya kay Kiarra.

"Wooah dude, buti nakapunta ka." Biglang sulpot ni Justin. Ang kamay niya ay nakahawak sa bewang ng dalawang babae na malagkit na nakatingin sakin.

"Hi Selene. Im surprised na nandito ka." Sabi ni Justin.

"Well, I have my own ways." Pagmamalaking sabi naman ni Selene.

"So what are we waiting for. Let's partyyyyyyy!!! Sabay itinaas niya ang bote ng alak at nagsigawan ang mga tao.

Dalawang oras rin ang nakalipas at marami narin ang nainom ko, pero hindi pa naman ako lasing. Mataas ang tolerance ko sa alak. Padalaw-dalaw naman si Kiarra pero hindi naman nagtatagal dahil busy rin siya sa pag-aasikaso ng mga bisita.

Hyper na hyper parin ang mga tao, may mga nagmimake-out sa loob at marami parin ang dumarating na bago. Si Selene naman ay sumasayaw kasama ang mga barkada niya. Umiinom ako ng alak nang may tumabi sakin na babae. Halatang tipsy na siya.

"Hey, wanna dance?" Sabi niya.

"No, thanks" Sabay turo kay Selene.

"Oh, so may girlfriend ka pala, lucky girl huh. Sayang, type pa naman kita." Pinalatay niya ang mga daliri niya sa hita ko.

"No really, I won't." Medyo nadismaya naman siya sa sinabi ko.

"Fine, fine, hindi na ako mamimilit." Itinaas niya ang dalawang kamay niya at tumawa.

"Pretty girl nandito kalang pala." Lumapit si Justin at hinawakan ang pwet ng babae.

"You naughty boy." Inilapit ng babae ang katawan niya kay Justin.

"Oy Rayver, sana sinama mo yung kapatid mo dito."

Napakunot ang noo ko.

"Damn, Sobrang hot niya sa mga pictures." Tumigil siya nang nakita niya na nakayukom ang kamao ko. " Wait.... Don't tell me na hindi mo alam na pumunta siya sa club ngayon? Haaaaay mga kabataan talaga."

Hinawakan ko ang kwelyo niya. "What do you mean?!"

"Dude relax." Medyo takot na ang reaksyon niya. May ilang nakapansin at tumigil sa mga ginagawa nila. "Check your newsfeed, nandon siya sa club na pagmamay-ari ni Vince."

Binitawan ko siya at chineck ang phone ko. Puta! Nandon nga siya, halata sa mukha niya na lasing na siya at may mga lalaking umaaligid sa kanya.

Lumapit si Selene.

"What is wrong honey?" Concern na tanong niya.

"Ipapahatid nalang kita sa driver namin. Pupuntahan ko ang kapatid ko."

"Why? What is happening?" Hindi ko siya sinagot kaya nagtanong siya kay Justin na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang damit. Ako naman ay tumawag kay Vince.

"Whatsuup bro. Napatawag ka?" Rinig ko ang mahinang ungol ng babae sa kabilang linya.

"Puta! Hanapin mo ang kapatid ko diyan! Kung hindi, ipapasara ko ang establishment mo dahil sa pagpapapasok niyo ng menor de edad!"

"Ok, ok, sorry. Don't worry, hahanapin namin siya dito."

Ibinaba ko na ang tawag at diridiretsong naglakad .

"Wait Rayver, sasama ako." Sabi ni Selene.

"Dito ka lang, wag kanang makulit." Maotoridad kong sabi sa kanya.

Hindi naman siya umimik at umalis na ako sa bahay na yun.

Kasalukuyan akong nagdradrive. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ko. Kanina ko pa tinatawagan si Emy pero hindi siya sumasagot.

Pinaghahampas ko nalang ang manibela sa sobrang galit. Bakit mo ako sinuway Emy? Nagkulang ba ako sa mga pangaral? Yun ang mga tanong na tumatakbo sa utak ko.

Hindi nagtagal nasa harap na ako ng club. Nakita ko naman na nasa labas si Vince at may katabing mga babae na hindi mapakali. May mga bouncers rin na pabalik-balik sa paghahanap.

"Nasan ang kapatid ko?"

"Bro sorry talaga, wala na siya dito nang naghanap kami."

"F*ck!"

Kabadong lumapit sa akin ang isa sa tatlong babae na kasing-edad ni Emy.

"Uhm ku kuya, kami po ang kasama ni Emy kanina. I think nas.."

"Anong sabi mo?! Kayo ang kasama niyang pumunta dito?!" Napagtaasan ko siya ng boses sa sobrang galit.

"Please hear them out Ray. Walang mabuting mangyayari kung magpapadala ka sa galit mo." Mahinahong sabi ni Vince sakin.

Kasama po siya namin kanina, pero bigla nalang po siyang nawala. I told her to stay close to us pero nang hanapin ko na siya hindi ko na siya makita. She was just dancing with Jed at that time." Sabi naman ng isa pang babae.

"Shit! Kasama niya yung fuckboy na yun. Babalatan ko nang buhay ang gagong yun pagnakita ko siya." Nanggagalaiti kong sabi sa sarili ko.

"Vince, tawagan mo ang mga hotels at mga pension house dito at tanungin mo kung may nagcheck-in na Jed Gregor."

"On it. Mahahanap rin natin siya." Tumango ako sa kanya.

Alam ko yang mga laro ni Jed; madalas pumupunta sa mga club para makadali ng babae. Maya-maya pay lumapit si Vince.

"Bro Nagcheck-in siya sa High Palace Hotel."

Pagkarinig ko, sumakay agad ako sa kotse at pinaharurot.

Dumiretso ako sa customer service counter. Kilala ako ng mga empleyado dahil isa ang pamilya namin sa pinakamalaking stockholder dito.

"Good evening Sir Zamora."

"What is the room number of Jed Gregor?!"

"Ro..room number 54 sir." Natatakot na pahayag ng babae.

"Give me the damn spare key!"

"Yes, yes sir. Heto na po." Natatarantang binigay niya sakin ang susi.

Dali-dali akong pumunta sa room at binuksan ito. Tumambad sakin ang gulat na mukha ni Jed. Nakahubad na siya at tanging boxers nalang ang kanyang suot. Si Emy naman ay nakahiga sa kama na walang malay. Buti nalang at hindi pa siya nahubadan ng gagong yun.

"P*tang ina ka! Sinuntok ko siya at tumilapon siya sa sahig. Hindi ko siya hinayaang makatayo at sunod sunod ko siyang pinagsusuntok. Puno ng dugo ang mga kamao ko at nagkasugat-sugat narin ito.

"Gago ka! Papatayin kitang bwisit ka!"

"Sir tama na po, kami na po ang bahala." Awat ng dalawang guard sa akin.

Gigil na gigil parin ako. Inalalayan naman ng staff ng hotel si Jed dahil hindi na ito makatayo sa sobrang pambubogbog ko sa kanya.

"Bitawan niyo ako!" Agad naman akong pinakawalan ng mga guard at lumapit ako kay Emy at kinarga siya palabas.

SEDUCTRESS SERIES #1: To The One I Can Never HaveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant