Kinakabahan ako habang papalapit na kami sa club. Medyo nahirapan pa ako sa pagtakas sa bahay. Buti nalang at nagtotong its ang mga guard namin kaya hindi nila ako nakitang nagnininja turtles sa dilim kundi yari talaga ako.
"Ano kaba Emy club lang to. Walang nangangain ng tao rito." Sabi ni Lovi sakin. Napansin niya siguro na kanina pa ako aligaga.
"Wala nga, pero sigurado akong nangangain ng pusa ang mga tao rito"
"Ha?" -Lovi
"Ha?" Nagkunwari ako na wala akong narinig.
"Anong sinasabi mo kanina?" Nagtatakang tanong niya
"Wala naman akong sinasabi ah." Pagpapalusot ko.
Napakamot nalang siya sa ulo niya. "Baka guni2 ko lang."
"By the way Emy, wag kang lalayo sa paningin namin. Maraming mapagsamantalang lalaki diyan sa loob." Sabi ni Lyn sakin. Tumango naman ako bilang pagsang ayon.
Napalunok naman ako nang makita ko ang malalaking katawan ng mga bouncers na kalbo. Aba kung makatitig parang sini-ct scan ako. Loko to ah akala siguro nito sakin maute.
"Moon of my life!" Sigaw ng lalaki na galing sa loob at niyakap ng mahigpit si Sheilo. Hindi pa nakunteto at binuhat pa si Sheilo para lamukusin ng halik. Petmalu tong mga to ah, hindi man lang nagbigay hustisya sa mga NBSB na katulad ko. Pero teka lang, parang kilala kotong lalaki na nakafloral shirt na boyfriend ni Sheilo. Pakshet! Lihim akong napamura nang mapagtanto ko kung sino. Ito yung kabanda ni kuya na bading! Nakita ko siya nang isinama ako ni kuya sa isang gig nya. Lihim akong lumayo kaunte para magtago nang may humablot saking braso.
"My sun and stars, eto pala si Emy. Emy this is Vince, my boyfriend."
"Baka girlfriend kamo." Mahinang sambit ni Lyn na siya namang sinamaan ng tingin ni Sheilo pero binigyan nya lang ito ng TOTOO NAMAN DIBA look.
"Hey! I know you!" Sabi ng bading na pogi.
Ngiting aso lang ang tinugon ko.
"You are Rayver's little sister! Pero teka, anong ginagawa mo rito? Diba bawal kang pumunta rito?" May halong pagdududa ang tono niya.
Pakshet
"My sun and stars, sana hindi makarating to sa kuya niya. Minsan lang kasi makagala si Emy. Sana palagpasin mo nato." Naglalambing na pakiusap ni Sheilo.
Sandali niya akong tinitigan ng masinsinan at napabuntunghininga.
"Fine. Pero siguraduhin niyong makakauwi siya ng maayos. Mahirap na, baka mayari pa tayo sa kuya nito."
"Yup, kaming bahala." Pagsisiguro naman nina Lovi at Lyn.
"Let's go?" Tanong ni Vince na sinang ayunan naman ng tatlo.
Nakapasok na kami sa loob at naamoy ko ang naghahalong sigarilyo,vape, mamahaling pabango at matapang na amoy ng alak. Medyo nahirapan akong huminga dahil sa asthma, kaya kinuha ko ang inhaler sa bag at ginamit. Buti nalang talaga at lagi kong daladala to.
Umupo kaming lima sa barstool at kanya-kanya silang omorder ng alak. Wala pa naman akong karanasan sa mga ganito kaya wala akong maisip na inumin ngayon bukod sa mugo-mugo.
"Mojito for her Marcus." Sabi ni Lyn sa yummy at gwapong bartender.
"Mojito coming right up for this beautiful lady." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.
"You're offlimits Marcus. That's Rayver's sister. Incase you don't know." Pagbabala ni Vince.
"Crap, seriously? Guess I'm really offlimits, but I never expected that you'll be this pretty Emy."
KAMU SEDANG MEMBACA
SEDUCTRESS SERIES #1: To The One I Can Never Have
RomansaIf hell exist, I'll gladly burn with you.