Chapter four

37 0 0
                                    

EMY's POV

-11 hours and 25 minutes ago-

Lunch break na namin. Medyo maaga kami pinalabas dahil may gagawin pa si Ma'am. Nakukunsensya ako nang kaunti nang maalala ko na nag-aya si kuya at tinanggihan ko. Ang totoo kasi nun, hindi ako sasama sa mga officers. Kasama kong mag lunch mamaya sina Lyn, Sheilo, at Lovi. Absent kasi ngayon si Kate kasi nilalagnat siya, kaya nung niyaya ako nila ay hindi na ako tumanggi. Hindi ko rin sinabi kay kuya kung sino ang mga kasama ko, baka kung ano pa ang isipin niya dahil pinagbabawalan niya akong makipagclose sa mga katulad nila.

"Uuuuuuuy sumama sa atin si Emy." Sabi ni Lyn habang kinikiliti ang tagiliran ko. Napatawa naman ako sa ginawa niya.

"Oo nga, once in a blue moon lang ata to mangyari." Sabi ni Lovi.

Hinawakan naman ako sa kamay ni Sheilo at hinila ako papasok ng canteen. Andaming nakatingin sa amin. Yung iba nagbubulungan pa. Bumili na kami ng pagkain at umupo sa palagi nilang inuupuan na pwesto.

Sikat ang grupo nila sa highschool department. Bukod sa mayayaman at magaganda, ay socially active rin sila.

"So Emy, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Seryosong nakatingin sakin si Sheilo. "Why don't you join our group, you and Kate."

"Ha?" Nagulat naman ako sa offer niya.

"I mean, you two are really pretty. Ang laki ng potential niyong dalawa. Especially you, you belong in the showbiz and modelling industry. We can help you achieve that instead of just, you know, hiding in that bunch of clothing you have." Tinukoy niya ang napakahaba kong palda.

Napatawa naman si Lovi. "Come on, don't be too harsh on Emy. But seriously, I think you should consider it."

"Dati pa naman tayong magkaibigan diba?" Medyo naguguluhan parin ako.

"Oo, but what we mean is, you and Kate should hang-out with us. You know, as BFFs." Sabi ni Lovi.

"At tsaka kumbinsihin mo si Kate. Baka mamaya magmadre na yun." Dagdag pa ni Lyn na parang natatawa.

"Sige pag-iisipan ko." Yumuko ako at pinaglaruan ang pagkain.

"By the way Emy." -Sheilo

"Hmmmm?" Napaangat naman ang ulo ko.

"Sama ka samin mamaya sa club. The drinks are on me."

"Ah eh, hindi ako pumupunta sa mga ganyan."

"Sige na Emy, paminsan-minsan lang naman to eh." Nagpapacute na sabi ni Lovi.

"Sorry, hindi talaga pwede. Papagalitan ako nina mama, at tsaka, hindi ako umiinom."

"Don't you think it's time to venture new things? Hindi naman sa nangingialam ako pero hindi ba masyado na atang strict ang parents mo. But hey, I'm not pressuring you or anything. What I'm just saying is, live your teenage life while it lasts." Prangkang sabi ni Sheilo sakin.

Siniko naman siya ni Lyn.

"Awwwww it hurts."

"Wag mong seryosohin ang pinagsasabi ni Sheilo. Ganyan lang talaga yan." Komento ni Lyn.

"Ok guys, tama na ang mga drama niyo. Since this is the first time Emy hang out with us, let's just take a groufie!" Excited na sabi ni Lovi.

Nagpicture kaming apat, pagkatapos nun kumain at nagkwentuhan. Mababait naman sila. Hindi ngalang kami pare-pareho ng mga gusto sa buhay pero alam ko na mabubuti silang tao.

"Riiiiiing!!!!"

Nagsitayuan na ang mga estudyante. Hudyat na para sa susunod na klase. Nag retouch naman ng make-up ang tatlo sa cr bago kami umalis papuntang room.

SEDUCTRESS SERIES #1: To The One I Can Never HaveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt