Chapter six

21 0 0
                                    


Tanging mga yabag ko lang ang maririnig habang binabagtas ang hallway ng isa sa mga private property ko na malayo sa siyudad at mga pamamahay. Sa dulo non ay isang silid na may nakabantay na tatlo kong tauhan. Yumuko ang mga kalalakihan nang makita nila ako.

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang halos hindi makilalang mukha ni Jed na nakatali sa isang poste. Hirap na hirap siyang minulat ang kanyang mga mata at tiningnan ako ng masama.

"Look who's here. Rayver fucking Zamora." Sarkastiko siyang ngumiti sakin at dinuraan ako ng naghalong laway at dugo.

Pinunasan ko ang aking damit at itinapon ang panyo sa sahig. Ngingisi-ngisi siya habang pinagmamasdan ang aking ekspresyon.

"Looks like you're enjoying your stay here. Kung gusto mo pwedi kang mag extend ng stay mo rito."

Umigting ang kanyang panga at matalim na tumitig sakin.

"Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo."

"Hindi ngaba? Sa pagkakaalam ko, miyembro ang pamilya mo sa malawakang drug syndicate. Mali ba ako?"

"You're dead Zamora. Oras na makalabas ako rito, sisiguraduhin kong paglalamayan ka ng pamilya mo."

Napahalakhak ako. "I'm way way worse than you Gregor."

Nagtataka na may bahid ng galit siyang tumitig sakin. Nang humupa ang pagtawa ko ay iiling-iling tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad papalayo.

"Alam ba ni Emy kung sino ang totoong ikaw?"

Napatigil ako at humarap sa kanya. "She will never know."

---------

Nagdrive na ako papuntang bahay, hindi ko namalayan na sobrang higpit na pala ng kapit ko sa manibela. Bumabagabag sakin ang mga sinabi Jed. Emy is too good to be dragged to our messed up world. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya sa mundong ginagalawan ko.

Pagkapasok ko ng bahay ay binati agad ako ng mga kasambahay. Namumulang tinulungan ako ni Shane sa paghubad ng denim jacket ko at isinampay iyon sa coat rack.

"Nay Rose, kamusta na si Emy?"

"Naku Senorito. Hindi pa kumakain si Emy simula pa ng umaga. Hindi rin niya ginalaw ang pananghalian niya."

"What? Nasaan siya?"

"Sa kwarto niya senorito nagmumokmok. Ewan ko ngaba sa batang yon. Tinatanong ko siya kung anong problema pero hindi niya ako sinasagot. Nag-aalala na nga ako eh. Ngayon lang siya nagkaganyan."

"Medyo masama lang ang pakiramdam non Nay. Heto ang reseta niya, nakalimutan kong bilhin kanina. Pwedi po bang pakidaan nalang ito mamaya kapag nag grocery kayo?"

"Ay nako iho, walang problema. Akina at baka makalimutan pa eto."

"Sige nay. Salamat."

Umakyat na ako patungong kwarto ni Emy. Nakita kong tulog na tulog siya at nakaawang pa ang kanyang bibig. Bigla akong nakaramdam ng galit at pag aalala habang pinagmamasdan ang natutulog na si Emy. Ilang araw narin ang nakalipas simula ng mangyari iyon. Naalala ko ang muntikang panghahalay ni Jed sa kanya.

Hinaplos ko ang magandang mukha ni Emy at unti unti niyang iminulat ang kanyang kulay lila na mga mata na katulad ng sakin. Ang kaninang antok ay napalitan ng pagkagulat ng makita niya ako.

"Ku...Kuya? Anong ginagawa mo rito? Papano ka nakapasok rito?" Humihikab hikab pa siyang umupo sa kama. Dumulas ang kumot sa kanyang katawan kaya malaya kong nakita ang pagkakahulma ng dibdib niya na natatakpan ng manipis na tela ng kanyang nightgown. Biglang uminit ang katawan ko at napaiwas ako ng tingin.

SEDUCTRESS SERIES #1: To The One I Can Never HaveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora