VII

175 2 0
                                    



1 message

Bahay ka? Tawag ako.


Bakit na naman kaya? Sabadong sabado ayaw magpaawat.




Hi!

Si Laiza po ito.

Mukhang ang kontrabida ng datingan ko sa kwento pero mabait naman talaga ako. Madalas lang, patolera!



May nakilala na ba kayo sa buhay niyo na kalalaking tao eh ang lakas maging chismoso? Yung mas updated pa siya sa'yo?

Eh yung mas pakialamera, etchusera, papansin at demanding pa kaysa sa babae?



KRING KRING

KRING KRING


"Hello. Sino po sila?" Tanong ko.

"Who you ka din." Sagot niya. #Imbyerna

"For a change, bakit di kaya kita babaan ng phone?"

"Sige nga." Aba, naghamon pa!

"Dare pa?"

"Joke lang oy. 'Eto naman, kill joy." At ako pa ang KJ? Kaloka! "So, ano daw kwento nung Friday?"


TING!

CHISMOSO? Check.



"Wala naman masyado." Bored kong sagot.

"Hindi pa nagkukuwento sa'yo? Tawagan mo ngayon."


TING

Demanding? Check.



"Now talaga? 'Bat hindi ikaw ang tumawag para first hand information? Kailangan ako talaga ang magkuwento? 'Di naman ako kasama nung friday."

"Ang dyahe naman kung ako tsaka pano ko ieexplain kung bakit alam ko? E di malalaman niyang sinabi mo sa'kin diba?"

"Oy, oy, oy! Wag mo akong idamay diyan. Hindi ako ang nagsabi sa'yo. Chismoso ka lang talaga!" Napaihip ako sa bangs ko. Idadamay pa ako nito?

"Laiza.. please?" Plead niya.

"Pilitin mo pa ako."

Hindi siya sumagot. Okay, naputol na ang call. 'De joke!



Hay! Ito yung ayoko eh, pag tumahimik na siya. Hindi siya magpapaawa pero tatahimik siya, lakas makababae ng pagtahimik niya. Iihip sana ako ulit sa bangs ko bago ako magkuwento kaso naalala ko, wala nga pala akong bangs.


This is really annoying!



Letters in FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon