Nagpatawag si Ms. D ng officers meeting for SCA noong hapon. Exempted man kami sa class pero sa club duties hindi, katulad ngayon. Hindi ko nga pala nasabi, ako ang Junior Vice President ng SCA at si Ivan ang Senior Vice President. Tapos officers din kami sa kanya kanyang committee under SCA like Choir, MOLC, Knights of the Altar, etc.
Wala si Kuya Bogs ngayon, 'yong President namin. Nasa Baguio, may competition na sinalihan kaya kami ang pinag-plan ni Ms. D para sa General Assembly sa Thursday. Hindi kasi kami makaka-attend kasi sa Wednesday na ang alis namin papuntang Camp Momarco.
Kasama naman namin ang President ng bawat committee para mag-brainstorm ng activities. Maagang umuwi 'yong iba at kami na lang ni Ate Ven (Secretary), Kuya Jerby (Treasurer) at Ivan ang naiwan with Ms. D.
Nasa table kami ni Ivan at Kuya Jerby, nag-gugupit ng mga materials at si Ate Ven naman andon sa computer kasama si Ms. D, inaayos ang program at invitation.
Nakakabingi ang katahimikan kaya tumayo ako at nagbukas ng radyo.
Sorry na, kung nagalit ka
'Di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako
Init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago
Pangako sa iyo
Sorry na, nakikinig ka ba?
Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na
Hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip nauuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako
'Wag na sanang magtampo
Sorry na.
Napatingin ako sa radyo. Inaano kita? Tinitigan ko pa ito baka sakaling mamatay siya mag-isa pero hala sige dire-diretso lang ang pagtugtog niya. Malamang Eli, bagay 'yan. Hindi niya kayang gumalaw mag-isa. Nabuwang na ata ako.
Hindi din naman ako umeffort tumayo at patayin 'yon. Mas mukha akong sira. Binuksan ko tas papatayin ko, 'di ba? Bumalik na lang ako sa paggugupit kaso napantingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin at biglang kumuha ng papel na gugupitin. Itinaas pa niya ito para iharang sa mukha namin.
Ay talaga ba? Tinitigan ko siya ng masama at plano ko sanang gawin 'yon buong gabi kaso tumingin sa akin si Kuya Jerby at tapos sa kanya so dumampot din ako ng papel para mukhang busy.
"Tahimik ba talaga kayong mag-trabaho or ayaw niyo lang talagang mag-usap?" Si Kuya Jerby na ang bumasag sa katahimikan. Tumingin ako sa kanya. 'Yong isa naman dumampot ulit ng papel at deadma. Dahil wala namang nagsalita sa amin, nag-shrug na lang siya habang umiiling at natatawa.
"Aray." Na-papercut ang thumb ko. Naghanap ako ng panyo or anything na maipapangpisil para tumigil ang pagdudugo nito pero napatigil ako ng tumayo siya sa gilid ko, may hawak na bulak, betadine at band aid. Nagkatinginan muna kami saglit saka niya kinuha niya ang daliri kong dumudugo.
BINABASA MO ANG
Letters in February
Fiksi RemajaLahat tayo dumaan sa third year HS life! Junior year.... Para sa akin, ito ang pinakamasaya, pinakamemorable at pinakamasakit. "Pain can make you bitter! But it can also bring the best change in you." -BASED ON ALMOST A TRUE STORY-