XXII

128 3 0
                                    


"Sino bang hinahanap mo? Kanina ka pa palinga-linga?" Tanong ni Joan kay Chean.

"Wala naman. Feeling ko lang biglang may mag-aappear at sasabay sa atin." At pagkasabi nga niya biglang lumitaw si Ivan from thin air.

"Sabi sa inyo e." Dugtong pa niya.

"Hi Angeli and friends." Bati ni Ivan.

"So pinalitan na namin ang Barney and friends, ganon?" Tinaasan siya ng kilay ni Chean.

"Carry na girl. Favorite mo naman purple e." Hirit ni Nhea. Nagtawanan silang lahat na lalong ikinasama ng mukha ni Chean.

"O bakit ganyan itsura mo? Akala ko ba ikaw ang No.1 fan ng dalawang iyan?" Tanong ni Joan.

"Ang corny kasi ng mga banat ni Ivan tapos feeling ko aagawan pa niya tayo ng kaibigan." Bulong niya pero dinig naman nilang lahat.

"Feeling ko naman wala siyang planong ganon. Tingnan niyo pwede nmang sila lang ni Eli ang magsabay ngayon pero mas pinili na lang niyang sumama sa atin." Depensa ni Grace. Napatingin silang apat kay Ivan.

"Baka gusto niyong hinaan ang pag-uusap niyo? Naririnig ko kayo." Suway sa kanila ni Eli. Nasa likod lang niya si Ivan.

"Oy Ivan, wala ka bang kaibigang masabayan ngayong recess? Bakit ka sa amin nakabuntot?" Si Chean lang talaga ang maglalakas-loob na mangganyan.

"Gusto ko lang kayong makasabay. Hindi ba pwede?" 

"Kami talaga gusto mong makasabay?" Humabol pa ng tanong si Chean.

Napakamot sa ulo si Ivan at tumingin kay Eli. Tumingin si Eli kay Chean at pinandilatan ito para manahimik na.

"So sasabay ka na ba sa amin tuwing recess?" Pati si Joan nahahawa na kay Chean.

"Kung papayag siya." Tinuro ni Ivan si Eli.

"Bakit ako? Hindi ako ang nanay mo para magbigay ng permiso sa iyo. At hindi ko din hawak ang bituka mo kung kailan ka magugutom." Sarcastic na sagot ni Eli sa kanya.

"Tama ka naman, hindi ikaw ang nanay ko at hindi ko kailangan ng permiso. Wala ka ding kinalaman sa bituka ko pero feeling ko hawak mo ang isip ko lalo na ang paa ko. Lagi kasi itong papunta sa iyo." Napalingon bigla si Eli sa kanya at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ni Ivan. 

Niyakap ni Nhea si Joan at kumapit naman si Grace sa kabilang braso niya para hindi mapasigaw sa kilig. 

Lumapit si Chean kay Eli at bumulong. "In fairness hindi naman pala panis bumanat 'yan." Tinaas-taas pa nito ang kilay niya para asarin ang kaibigan.

"Bumili na tayo. Gutom lang iyan." Pananabla ni Eli sa sinabi ni Ivan. 

Burger with coleslaw at apple iced tea ang binili ni Eli at dahil gutom na ito kinakain na niya ang burger habang naglalakad. 

Itinuro ni Nhea kay Joan na may mayo sa ilong si Eli. Si Joan naman siniko si Chean para tumingin kay Eli. Agad namang kinalabit ni Chean si Ivan at itinuro ang ilong ni Eli. Itinulak pa niya ito at inabutan ng tissue. 

"Eli?" Lumingon ito kay Ivan. "May mayo ka." Itinuro nito ang ilong niya pero maling side ang pinunasan ni Eli kaya si Ivan na ang nagpunas. Sakto namang daan ng barkada ni Algie na nagtutulakan at naitulak ni Chean si Ivan kaya ang mukha ni Eli ay nakaharap na sa dibdib nito. 

Napatulala ang magkakaibigan sa itsura ni Eli at Ivan.

"Eli?" Buti na lang may bumasag ng katahimikan at nanlaki ang mata niya ng makita si Algie na nakatingin sa kanila. Pati mga kaibigan nina Algie napatigil sa paghaharutan.

Letters in FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon