III

219 3 0
                                    

"Seryoso?" Tanong ni Nhea.

Inis na inis kong kinuwento sa kanila ang mga ganap kahapon.

"Grace at Chean, hindi ba talaga kayo pumalpak sa pagbibigay nung sulat? Bakit niya naisip na ako yon?" Nakataas ang kilay ko sa kanila.

"Sure kaming walang sablay." Sagot ni Grace.

"Baka may lahi lang manghuhula si Ivan." Naisip mo pa yan Chean ah. Kaloka!



RECESS..

Pagkatapos naming bumili sa canteen umakyat agad kami sa classroom at kapag tinamaan naman talaga ng kidlat, magliliyab ka sa inis.


"Anong ginagawa niyan dito?" Bulong ni Joan sa amin.

"Tinatanong pa ba yan? Siyempre #AlamNaThis." Ngisi ni Chean.

"Assume pa more Chean. Kaya ka nasasaktan eh." Sagot ko.

"Wow, naisip mo pang humugot Eli?" Singit ni Nhea.

"Naman! Ako pa?" Proud ko pang sagot sabay tawa.

"Naman, palapit na. Goodluck sa'yo!" Sabay siko sa akin ni Grace. Kinabahan tuloy ako bigla.


Tumigil siya sa harap ko. "Mapa ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Ha?"Napatingin ako sa mga friendsmate ko. Umakyat siya dito para tanungin kung mapa ako? Anong sapi nito bakit niya ako tinatanong kung mapa ba ako? Kamukha ko ba si Dora?

"Tanungin mo bakit." Sabi nung isa sa kasama niya.

At dahil masunurin ako.. "Bakit?" Tanong ko.

"Kanina pa kasi kita hinahanap e." Sagot ni Ivan.

"Yon!" Kantyaw ng mga kaibigan niya, nag-appear pa ang mga kumag.


Nagkatinginan kami ng mga friendsmate ko. "Math problem ka ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hindi. Bakit?" Curious niyang sagot.

"Hindi kasi kita gets eh." Plain kong sagot sabay tingin sa mga kasama niya. Yung mga friendsmate ko nararamdaman kong tumatawa na sa tabi ko.

"Funny ka pala talaga Eli no?" Comment nung isa sa kasama ni Ivan.

Ha? Wala naman akong sinabing funny ah? Anong funny don? #CocainePaMore

"Natural yan sa kanya. Masasanay din kayo." Sagot ni Chean with matching 'hampas sa air' hand gesture pa. Wait, masasanay? Araw araw ba 'to?

"Chean nga pala." Pakilala niya sa kanila. "Grace, Joan, Nhea." At itinuro niya isa isa ang aming mga friendsmate.

"Corps nga pala. Siya naman si Lawrence. Kaibigan kami ni Ivan." Sagot nung isa.

"Umm.. Tapos na ba kayo sa May-I-Introduce-Myself moment ninyo? Kasi matatapos na yung recess hindi ko pa nakakain yung burger ko." Inangat ko na din yung burger to prove my point.

May kinuhang sulat si Ivan sa bulsa niya at iniabot sa akin. Tinitigan ko yung papel.

"Oy kunin mo. Di yan tinititigan." Hirit ni Chean. Inapakan ko siya, kulit eh!

"Ako na nga." Banat niya ulit sabay kuha nung sulat kay Ivan. Napatingin kami sa kanya.

"Ba't ganyan tingin niyo sa akin? Di ko naman 'to babasahin no!" Depensa niya. "Bumaba na kayo para makakain na kami. Kanina pa ako nagugutom." At itinulak niya ang magkakaibigan papuntang hagdan.


Letters in FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon