XXI

123 3 0
                                    


Back to normal classes, yahoo! Namiss ko ang deadmang III-11 at sina Joan, Nhea, Grace at Chean. Hindi ako dumaan sa Principal's Office para sa flag ceremony, kaya na nila 'yon. Gusto ko munang chumika sa mga kaibigan ko.

Kinongratulate ni Ms. T lahat ng kasali sa training at siyempre special mention ako lalo na sa pagiging competitive ko at dahil nagpakabait daw kami sa training e makakakuha kami ng additional points sa kanya. Narinig din nila ang nangyari sa akin and as expected overfatigue ang reason behind it. Nagpunta na si Mama kanina para kausapin ang Principal regarding my case.

At dahil two weeks na lang ay first quarter exams na, madami-dami ang hahabulin kong lesson kaya focus muna tayo sa studies. Wala munang usaping pag-ibig. Char! 

"Halika, may naghahanap sa'yo." Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makahindi ni Chean, hinatak niya ako sa tapat ng room namin.

"Ano na namang trip mo?" Nagtataka kong tanong.

"Tawag ka non." Ngumuso siya sa kabilang building. Kumaway si Ivan sa akin. Kumaway din ako pabalik.

"Magkakawayan lang kayo?" Parang disappointed na ewan 'yong boses niya.

"Bakit ano ba dapat?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"I miss you, I lo-"

Tinakpan ko ang bibig niya kasi nakakakilabot ang mga sinasabi niya. Feeling ko may sasabihin pa sa akin si Ivan pero ipinasok ko na sa loob ang baliw kong kaibigan, baka magkatotoo pa ang sinabi niya. Nakakahiya!

Wala akong chance na dumaldal sa mga kaibigan ko kasi busy ako pagkopya ng mga notes, idagdag mo pa na hindi ko maintindihan ang discussions kasi nga two weeks akong wala. 

Sa wakas lunch break na. Ang hapdi na ng daliri ko kakasulat pero wala pa ako sa kalahati. 


"O, anong ginagawa niyo dito?" Nasa labas ng room namin si Kate at Mama Jho.

"Sasabay kami sa iyo kumain." Sagot ni Kate na akala mo lagi niyang ginagawa na sabayan akong kumain kapag lunch. Pumunta na kami malapit sa auditorium at umupo ng pabilog. Si Grace at Nhea lang ang kasabay ko kasi umuwi si Joan at Chean. Magkakakilala naman sila kaya okay lang na sabay-sabay kami. Nakita kami ni Laiza at isiniksik niya ang sarili sa bilog naming formation. 

"Eli." Tawag sa akin ni Nhea. Ngumuso ito. Ano ba itong mga kaibigan ko, ginagawa ng habit ang pag nguso? 

Tumingin ako sa nginungusuan niya at as usual si Ivan na naman ang dahilan na kasalukuyan namang nasa hagdan.

Tumahimik silang lahat. Naramdaman ata ni Laiza na wala akong planong tumayo. "Puntahan mo na bago may makakitang teacher diyan." Sapilitan tuloy ang pagtayo ko. Istorbo e! Sarap-sarap ng kain ko.

"Hi." Bati niya sa akin. Ngumiti lang ako.

"Kumain ka na?" Tumango ako.

"Hindi ka na nakakapagsalita?" Bigla akong ngumuya. Kasi naman wrong timing naman akyat nito. Kakasubo ko lang saka nag-appear e paano ako ngunguya 'di ba?

Natawa siya bigla at napahawak sa batok.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko pagkalulon ng kinakain ko.

"Nangungumusta lang. Naninibago ako kasi wala na akong kaharap na Team Charlie. Wala na din akong binabantayan na natutulog sa lectures." Ngisi niya. "Namiss din kita." Bulong niya.

Nagulat ako sa sinabi niya pero I easily compose myself para kunwari wala akong narinig. "Naninibago ka? E di bumalik ka sa ginamit nating room at don ka magklase para hindi ka mahirapang mag-adjust. For sure maiintindihan naman ng section na 'yon na may sepanx ka sa room nila."

Letters in FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon