XVIII

125 3 0
                                    


Hindi namin alam ni Corps saan kami magsisimula. Sinabi ko sa kanya na she might be near any body of water pero ang haba ng ilog dito ay kasing haba ng land trail. Sa laki ng camp na ito, saan kaya siya napadpad?


Nasaan ka Angeli?


"Let's just hope that she is in a stable condition." Corps must have sense my uneasiness and is currently trying to make me feel less worried. "Kakayanin ba ng Charlie ngayon without her?"

Anong without her? Buhay si Eli Corps. Umm okay, he means without her guidance pala. "I think Eli has planned everything well. She prepared the team to carry on without her." Without her. Bakit Eli?

Isang oras kaming naglalakad pero wala kaming nakitang siya.

"Angeli!" Napasigaw ako. "Magpakita ka, please." Pati si Corps sumisigaw na din. Malapit na kasing dumilim at hindi pa namin siya nakikita.

Parang may narinig akong umapak ng mga dahon. Napatingin ako sa tatlong malalaking bato. Dahan-dahan ko itong nilapitan, baka magulat ang kung ano mang nagtatago dito.

Si Angeli, nakahiga sa pile of leaves at walang malay. Napatakbo ako. 

"Angeli?" Inalalayan ko siya at ginigising. Tama si Laiza, malapit nga siya sa tubig pero hindi mo siya makikita agad dahil nakatago siya sa mga bato.

"Corps." Sigaw ko. "Nakita ko na siya."

I heard him running at humahangos na pumunta sa akin. He immediately check her pulse, humihinga siya pero hindi regular breathing. He also check her eyes then tinapik siya ni Corps ng sabay sa balikat, tatlong beses.

"Eli can you hear me?" 

"Hmm." She responded on his third attempt. Nakahinga kami ni Corps. Hindi namin napansin na nakalimutan na ata naming huminga sa kaba.

Iniupo ko siya ng kaunti habang nakaalalay ako sa likod niya at idinilat niya ang kanyang mga mata. Parang hindi niya kami kilala at hindi niya alam kung nasaan siya. We give her mind a time to process, ayaw namin siyang biglain.

"Angeli?" I said after some twenty seconds. Ngumiti siya but seem feeling weak. 

Naalala ko ang medicine kit na inabot ni Laiza. Inabot sa akin ni Corps ang water bottle niya and I follow the sequence of medicine. Mukha talaga siyang hinang-hina. Gaano na kaya siya katagal nandito?

Napatingin ako sa daming laman nitong kit. Ganito karami ang kailangan niyang inumin? Per row padami ng padami 'yong gamot.

Hinawakan ni Corps ang braso niya at hinilot-hilot. Tinaas din nito ang paa niya para mag-regulate ang daloy ng dugo niya. In a matter of five minutes mas nagkakulay ang mukha niya at nagagalaw na niya ang kamay at paa niya pero nanghihina pa din siya. 

"Corps, nilalagnat siya." Hinawakan siya nito sa leeg at noo.

"Kailangan na tayong makabalik. Nandon ang medics natin. We cannot risk her here." Seryoso niyang sabi.

Inalalayan namin siya ni Corps tumayo. "Malayo ang nilakad natin. I don't think she can walk that far."

"Carry her or ako na lang?" He's asking me.

"I'll do it." After all wala siya dapat dito if only I remembered to read through their data. Bakit ko ba inasa kay Eli lahat?

Tinulungan ako ni Corps para isakay siya sa likod ko. Ang gaan lang pala nitong taong 'to?

We walk in steady pace. Corps told me na nakatulog na siya.

Hang on Eli, we're almost there.

"How lame can you be Ivan?" I silently scolded myself. Kung binasa mo 'yon at napansin ang hints na binibigay sa'yo ni Laiza edi sana hindi mo siya pinasama sa task today. Ni hindi ko man lang napansin na masama na pala ang pakiramdam niya kanina. Akala ko gusto niya lang tumahimik. 

Letters in FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon