XVI

140 3 0
                                    


This is it. Camp Momarco Day.

Maaga kaming pumasok ni Laiza, as in maaga. 5:30 pa lang nasa school na kami samantalang 6:50 am pa ang departure. Sa Grotto ang assembly area namin. 

Kaya ko naman palang pumasok ng maaga, I know I know, pero hindi ko sinabing araw araw. Kung mga once a year okay lang sa akin. Bawiin ko na lang 'yong maaga kong ipinasok today sa mga susunod na araw, haha. Anyways I also need to check the team and everything that we need to bring. 'Yon ang assignment ko.

So far so good. Walang nagpasaway sa amin except sa ilan na may dalang softdrink pero sige, kaligayan nila 'yon. Ipinatago ko na lang sa mga kaila-ilaliman ng gamit nila para in case mag-check e hindi kami mapagalitan. May ilang medyo na-late sa usapan ng pasok, past 6 na dumating. We've agreed kasi na 6 dapat nasa school na, as in all in, kaso may mga napasarap ang tulog. Kalma pa din naman kami pero ang limang teams ay kasalukuyang nagkakagulo. Nakatingin lang kami sa kanila habang nagpapanic ang mga TL's dahil may nakalimutang  dalhin at may nagsisimula ng magalit na mga OIC dahil anong oras na hindi pa sila kumpleto. Ang Charlie? Nagchi-chikahan lang at nanonood sa kanila. May kumakain pa nga, ginawang palabas ang ganap ng ibang team.

May yumakap sa bewang ko pero hindi naman ako nagulat, slight lang. Naamoy ko kasi ang bodywash at shampoo niya, strawberry scent. "Mag-iingat ka don ha? 'Wag kang lalayo kay Jhonelle at makikinig ka kay Laiza." Bilin ni Katie.

"Kumpleto ba ang gamit mo?" Check ni Kean. Tumango ako sa kanilang dalawa.

"Aalis kang buo dapat pagbalik mo ganyan pa din, okay?" Tiningnan ako ni Kate ulo hanggang paa, parang minememorize ang body parts ko. Natawa sa kanya si Kean at inakbayan siya.

"Si Ate Kate talaga." Pang-aasar niya. Natawa kami parehas at tiningnan siya ng masama nito. Nag-group hug na lang kami bago pa sila mag-away.

Lumabas si Ivan at napatigil sa itsura namin. "Angeli, sinubmit mo ba 'yong mga permit? Hindi daw makita ni Corps. Kailangan kasing i-check ni Sir Romy bago tayo umalis. Ang alam ko nabigay na 'yon e pero hindi na nila mahanap." Bumitaw na ako kay Kate at Kean at nagpaalam na sila.

Tinawag ko si Mama Jho at hiningi ang USB. Nakiki-panic na ng slight si OIC. "Laiz, punta lang kami sa Office. Ikaw muna bahala sa kanila."

Tinry naming hanapin ang permit ng Charlie pero sumuko din kami. Napakadaming papel sa loob. Seriously, hindi ba marunong mag-organize ang mga ito? "Sir Corps, okay lang ba kung scanned copy ang makita ni Sir Romy? Anyway sinubmit naman talaga namin 'yon at andiyan lang 'yan sa ga-bundok niyong files. For checking purposes na lang naman ito."

Nagkatinginan si Corps at Ivan at pumayag ito na scanned copy na lang. Kahapon naki-scan ako sa office ni Ms. D para may back-up copy ako in case ganito nga ang mangyari. Pagka-print bumalik na kami ni Mama Jho sa pila. Nag-appear pa kami. One panic accomplished.

"Eli!" Sigaw ni Chean. Andito naman ngayong ang friendsmate ko. Napatakbo at napatalon ako sa tuwa ng makita ko sila. Huhu! Sinamahan naman nila akong tumalon-talon din. Mukha kaming mga tanga don. Ang ibang Charlie natawa lang sa amin. 

"Mag-ingat ka don ha. Pasalubong." Bilin ni Chean.

"Ilang grams ng lupa gusto mo?" Sagot ko sa kanya. Natawa silang tatlo at nginusuan lang ako ni Chean. Hinila ko ang nguso niya.

"Angeli, 'yong data sheet ng team nasaan?" Heto na naman po siya. Nagba-bye na sila sa akin kasi TL duties na ulit.

Kinuha ko sa gilid ng bag ko ang isang folder at iniabot ito sa kanya. Aalis na sana siya kaso may naalala na naman ata siya. "Ange-" 

Letters in FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon