XV

154 3 0
                                    



Eli,

Thank you yesterday.

Enjoyin na natin 'to, last few days.

Bawi ako sa'yo sa camp.


"Bawi means hindi niya tayo pahihirapan sa camp or itutulak ka niya sa bangin? Sabihin mo linawin niya para makapagpaalam ka ng maayos sa mga maiiwan mo." 

Hinampas ko siya ng ruler. "Ang nega mo Laiz. Isipin mo na lang na nagbagong buhay na siya at nagbabalik-loob."

"Ano, lost sheep ang peg?"

"Bumait na sheep." Sagot ko.

"Ah. Dati kasing black sheep." Sabay tawa ng bruha. Natawa din ako sa sinabi niya. Kahit kailan kakaiba talaga humor nito.

Since bukas na ang alis namin I reminded the team na huwag nang magdala ng mga bawal kahit gaano pa ito kasarap at huwag ding magpasaway. Alam nilang aim ko ang camaraderie award at last week kami lang ang team na hindi nabigyan ng demerits or naparusahan dahil sa katigasan ng ulo.

Kasalukuyang ibinabalik ni Mama Jho ang lecture notebook namin na chineck ng OIC's kung complete ba or hindi. Pagkabigay ng akin napansin kong may naka-stapler sa isang page. Binuksan ko ito at may note si OIC, mga multipurpose things na pwedeng dalhin para sa ikagagaan ng aming buhay lalo na ng mga babae. Alam mo naman kapag nagpack tayo dala natin buong cabinet.

"Uy, share mo 'yan habang naghihintay kay Ivan. Sayang oras, para may magawa naman tayo." Bright idea Laiza.

Tumayo ako at nag-discuss sa unahan. At dahil mukhang matagal pa bago dumating ang OIC namin kasi my meeting daw sila, naisip kong na ding mag-brainstorm ng mga possible activities. Dinivide ko ang team ito four. Kapag ang activity ay water base, si Kulot ang magle-lead. Kapag strength and agility, kay Mama Jho. Kung performance-related, food preparations at domestic chores, si Laiza ang may hawak at kung wilderness type si Carenn ang in-charge. Hindi ako kasali kasi ako ang over-all head.

Ang team composition sa training na ito ay divided into six: one for class officers, one for club officers and one for a combination of the two. Then one team for Boy Scouts, one for Girl Scouts and one for COCC trainees. Kami 'yong team na all Club Officers.

I listed everyone's name and ask their special skills. Madali kasing mag-fill in ng manpower kung kilala mo ang members mo at kanilang strengths. Naglagay din ako ng tao under the four leaders para in case 'yon nga ang activity automatic sila ang in-charge with the help of the rest of the team. In case may mangyari sa isa na huwag naman sana, we can easily be back on track.

Kung ako ang tatanungin we can bag awards. Well syempre, it's my team so i-aangat ko sila. Pero seryoso, naniniwala akong kaya namin. Iba pa din ang may plano. Sayang ang alphabet, gamitin. When A fails, there's B.

I also told them to bring one small thing na baka magamit like for Laiza, a flute or harmonica, in case may performance. Sa iba naman like sarong na pwedeng cover-up at the same time pwedeng higaan. The rest was able to think of things na hindi lang iisa ang gamit.

After an hour dumating na si OIC. Wala siyang idea sa ginawa naming strategic planning. Kung hindi niyo naitatanong, nanay ko talaga si Athena. Ipinahiram lang ako kay Mama. Haha!

"Charlie, starting tomorrow activities will be very different. Hindi na siya kasing relax ng inyong classroom discussions. Applications na tayo and everyone will be very competitive. Angeli, I hope you'll motivate and encourage the team to perform their best. Without your leadership and guidance your team's vision might be compromised." Seryosong bilin ni Ivan sa amin.

Letters in FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon