Chapter 4 ~The Stupid~

240 9 4
                                    

Ayst! >.< ! Due to insisted public demand kahit nag-update na ako  ay eto mag-u-update ulit ako ! Oh ! Ayan si Hanson sa gilid *drools* ang hot niya no!!  Hindi pa ko handa dapat i-share sila eh , eh may makulit !! Kaya ayan na ! Pasalamat ka labs kita , ayan na isa sa tatlo hihi.

Enjoy!

_______________________________________________________

~EIJIGRACE's POV~

Third day ko na dito , Ayst ! Di pa ko makauwi kasi baka mamatay ako ang dami nilang fans noh! Buong mundo fans nila kaya baka may nag-pa-shoot to kill na sakin.

Nandito ako ngayon sa garden nag-pi-piktyur lang , ang sarap piktyuran ng garden na to eh .

*Piktyur*

*Piktyur*

*Piktyur*

Huh?Bakit may tao na sa shots ko?

Tiningnan ko ulit ang mga shots ko.

O_O

H-hanson?!

"Ikaw nalang kaya maging photographer ko sa next photoshoot ko?" biglang sabi ni Hanson.

"O-oh?? Hanson nakab-balik ka na pala" nakanda-utal-utal na sabi ko.

"Obvious ba? Mukhang nag-eenjoy kang kuhanan ang garden namin ah " sabi nito habang nakasandal sa gate.

"Hehe , ang ganda kasi eh , pumasok ka na sa loob paniguradong pagod ka galing Milan" sabi ko.

"Right nagugutom na din ako may pagkain ba?"

"Meron nagluto ako " 

"Nice sige pasok na ko "sabi ni Hanson at pumasok na sa loob ng bahay .

Napahawak siya sa dibdib niya , Hay para akong teenager na nakita ang crush niya.

Ang hot talaga niya ! Tingnan mo sa gilid , so hot diba?? Oh wag mo masyadong titigan mawala pa yan.

Napaupo na lang siya sa bench doon.

"Hmmmm, i feel so beautiful , makuhanan nga ang sarili ko" sabi ko at nagpiktyur mag-isa.

"Ang daya mo , sali din ako ! "Sabi ni Anthony nang makita akong kinukunan ko ang sarili ko.

"Haha , lika dali ! "

Ayun nagpiktyur-piktyur kaming dalawa. Nakakatuwa kasi para kaming bata.

"Hoy AA ! Nandyan ka lang pala ! Yung nilalabhan mo , nasira na ng washing machine" sigaw ni Johnson.

"Hala oo nga pala sige Ace mauuna na ko sa loob" sabi ni Anthony at tumakbo papasok ng bahay.

Pumasok  na din ako kasi uminit na.

o_O

"Bakit may maleta dito??" tanong ko nang mapansing may maleta sa may sala.

"Ah ayan ba , aalis kasi si Andrew babalik ng UK pinapatawag siya ng Reyna eh , urgent daw" sabi ni Johnson na prenteng naka-upo sa sofa habang nanonood ng action movie.

Pababa naman ngayon si Andrew.

"Bye Andrew" paalam ko sa kanya may kasama pang kaway.

"Bye" payak na paalam niya."Alis na ko nandyan na yung driver ko sa labas " sabi nito at binuhat na ang maleta niya.

"Andrew ! Pasalubong ko !!" pahabol ni Johnson pero walang sagot si Andrew.

Narinig ko nalang ang sasakyan ni Andrew na umalis.

Were Married?! But Wait Which One Of You ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon