Chapter 8 ~ The Hangover~

196 3 2
                                    

Hello~ Hello~ Hihi ~ Sorry Talaga kung ang tagal ng mga updates ko kasi nga di ba si DSL na Linsiyak eh ang tagal ikabit sa new house namin na kakabanas -_-

Kaya pagpasensyahan niyo na ^___^v , salamat sa mga nag-hihintay sa UD ko. Saranghae.

Eto na oh ~~ Nasa gilid nga pala yung mga characters , ang HOT NILANG LAHAT~!

______________________________________________________________

~EIJIGRACE's POV~

"Awww. SHIT ! " Daing ko nang mahulog ako sa kama. KAMA?!! Eh nasa sala na ako naabutan ng antok kagabi kasi may tama ako kaya panong nasa kwarto ako ngayon??

"Oh ? Gising ka na pala. " untag sakin ni Andrew.

"Huh? Bakit ang aga mo nagising?? Hindi ka ba lasing? Bakit ako nandito?Sino Nag-akyat sakin dito? " sunod-sunod na tanong ko kay Andrew.

"Hey , easy ka lang ok? ako nag-akyat sa yo sakay hindi na maaga ala-una na po ng hapon , hindi ako lasing, inakyat kita dito dahil sa baba ka natutulog , so don't panic okay?" sagot nito sa mga tanong ko.

"WHAT?! Ala-una na?!" gulat na tanong ko dito .

"Oo puro kayo mga lasing , yung tatlo nandun pa rin sa sala di ko na sila naakyat ang bibigat nun eh , oo nga pala dinalhan kita ng makakain , nagluto ako ng soup tapos dinalhan na din kita ng gamot para sa hangover mo. " noon ko lang napansin  na may dala ito tray , tinulungan niya akong umakyat uli sa kama dahil hindi ko masyadong magawa dahil sa pagpitik ng sentido ko sa bawat galaw ko. 

 "Kumain ka na oh, ako nagluto niyan" sabi nito . 

Sinubukan kong abutin ang ang mangkok pero napa-igik agad ako nang pumitik nanaman ang sentido ko.

Narinig kong bumuntong-hininga ito. "Hay , ako na nga lang " kinuha nito ang kutsara , hinipan muna nito ang kutsara tapos ay iniumang sa bibig niya, tinanggap ko naman ang isinubo nito.

"Hmmm.. infairness masarap kang magluto" puri ko sa luto nito. 

Ngumiti ito then he chuckled " Salamat " tipid na sagot nito at ipinagpatuloy nalang ang pag-su-subo sa kanya tumahimik nalang din ako.

Nang maubos ko na ang soup ay pinainom naman niya ako ng gamot at pinahiga ako .

"Sleep again okay?" sabi nito at itinaas ang kumot hanggang leeg niya at hinalikan ako sa noo at lumabas ng kwarto ko.

Agad naman akong iginupo ng antok dahil sa gamot.

~~

 Nagising na ako ng maayos ang pakiramdam agad na tumayo ako at lumabas ng kwarto nakita ko naman si Anthony na nakabulagta sa sofa pero gising na ito.

"Oh? anong itsura yan?" tanong ko dito ng makalapit ako.

"Masakit ang ulo ko " sabi nito habang nakatulala " Ikaw ba hindi sumakit ang ulo?" 

"Sumakit pero binigyan ako ni Andrew ng pagkain tapos pinainom ng gamot , nasan nga pala yun? " 

"Umalis siya pumunta ulit ng UK mas matagal siya ngayon dun kasi mukhang may emergency ipapakilala na daw sa kanya ang mga prospective na mapapangasawa niya " 

"Oh? Talaga? Ikakasal na siya?" di makapaniwalang tanong ko.

"Di pa naman ipapakilala pa lang para ba maging close sila"

"Pahiram nga ako ng cellphone mo"

"Bakit?" nagtatakang tanong nito.

"Basta pahiram nalang" kunwari'y naiinis na sabi ko.

"Oh, eto "sabay abot ng cellphone niya sakin , agad kong hinanap ang number ni Andrew nang makita ko ay tinawagan ko agad si ito.

Makalipas ang apat na ring ay sinagot nito.

"Oh? Anthony bakit tumawag ka?" pambungad na sabi nito.

"Ako to "

"Ace?"

"Yep ang nag-iisang diyosa" biro ko.

Tumawa  naman ito " Oh ? bakit na sa iyo ang cellphone ni Anthony , anong kailangan mo?"

"Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo kanina" sincere na sabi ko.

"Your welcome" sabi nito.

"Ingat ka sa pagpunta mo sa UK , ha? Goodluck sa mapapangasawa mo " 

Mukhang nagulat ito dahil hindi agad itong nakasagot " Salamat , sige na pasakay na ako ng jet ko saka nalang ulit , Bye" 

"Bye" paalam ko at pinutol ko na ang tawag , binalik ko na ang cellphone ni Anthony sa kanya na kasaluyang tulog na sa sofa.

Umakyat ako sa kwarto ko upang kunin ang cellphone ko para tawagan ang nakababata kong kapatid na si Kenji . Nang makita ko nag cellphone ko ay may isang text message , binasa ko .

From Andrew : Don't worry i'll take care you too  :)

 "Hindi ka naman talaga Cold eh , you have a heart your just hiding it with your coldness" kausap niya sa cellphone na para bang si Andrew.

Di-nial na niya ang number ng kanyang kapatid.

"Yow , mah pretty sister , how's it going? Wala ka nang balak umuwi ? Oo nga pala dapat pag-umuwi ka kasama mo na ang asawa mo" sunod-sunod na sabi ni Kenji.

"At kelan ka pa naging madaldal ?? At pa-english-english ka pa walanghiya ka , nasan kaba ?" tanong niya rito.

"Andito sa bahay natin , bumming around" kapagkuwa'y sabi nito.

"Duh? What else can you do? you yourself is a bum , you have no work , how can you live?" 

"Hehe , outdated ka na po ate ,may trabaho na ko" saad nito sabay tawa.

"Weh ? Ikaw may trabaho? Don't shit me dude" asar ko dito.

"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita ate , bakit ganyan ka? For your information , im now a model and a DJ , kinuha akong model ng isang magazine eh , wag ka mag-alala pag-kinuha mo ko sa magazine mo eh di ka mag-da-dalawang salita" pagmamayabang nito.

"Kapal ng mukha mo ! hindi naman women's magazine ang magazine ko , puro view ang fine-feature namin hindi tao ! " 

"Eh malay mo gawan mo ko ng exception "

"No, no ,no , hindi ko sisirain ang magazine ko sayo ! " sigaw ko dito

"Ang sama mo talaga ate , bakit ka ba tumawag? para kutyain ako ?" pagda-drama ni Kenji

"Kamusta yung bahay diyan ? Okay ba yung magazine? Wala ba silang problema? Sila mommy okay ba sa states?" sunod-sunod na tanong ko.

"Okay yung bahay ate mapagkakatiwalaan mo ko , yung magazine okay naman ang takbo sabi ni ate Jane wala naman daw problema , sila mommy okay naman tumatawag sila sakin pero minsan lang , malaki na daw kasi tayo ate we can take care of ourselves saka they trust us daw" sagot nito sa mga tanong niya.

She felt relieved. " Sige na wala na akong kailangan sayo ingat ka dyan Pot ah?"

"Wag mo nga kong tawaging Pot ! "naiinis na sabi nito . Natawa naman siya ,tinatawag niya itong Pot short for Supot  nung bata kasi sila eh napakatakot nito sa tuli kaya 14 years old na itong natuli dahil tuwing nakakaharap nito ang doktor na magtutuli dito ay umiiyak ito kaya ang tagal bago ito natuli kaya Pot ang tawag niya dito.

"Sige na Pot . Bye! " 

"Sabi nang--" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil pinutol ko na tawag.

"AWW SHIIIIT!! " sigaw ni Hanson na katabi lang niya ang kwarto , mukhang nagising na uli ito mula sa hangover .

Lumabas na siya ng kwarto upang asikasuhin ang tatlo na sa tingin niya ay gising na.

_____________________________________________________________

Comment & Vote~! 

Ciao~!

Were Married?! But Wait Which One Of You ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon