Chapter 11 ~ His Favor ~

185 2 3
                                    

GRABE !!! ANG TAGAL KONG NAWALA !! NAMISS KO TO !! PATI KAYO !! Okay OA na ko XD. Peo pero I really did missed this , I hope na magtuloy-tuloy para matapos ko na din itong story na to , pero hindi ibig sabihin nun malapit na to matapos no, marami pa akong plano para dito so chill . Thanks sa mga patuloy na sumusuporta sa story na to kahit ang tagal bago ko mag-update .

Okay tama na daldal. Let's get it on !! XD

_________________________________________________________

EIJIGRACE's POV

Ang aga kong nagising kaysa sa nakasanayan sa hindi ko malamang kadahilanan. Matapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto nagulat ako ng may biglang humalik sa pisngi ko, pagtingin ko si Hanson pala.

"Anu ba yan bakit bigla kang nanghahalik ?! " singhal ko kay Hanson.

"W-wala lang... k-kasi d-di ba....g-g-g-.....g-girlfriend k-kita?" nakandauntal na sabi nito.

Kinatok ko ng mariin ang ulo niya. "Hoy ! Nagpapanggap lang po tayo ! Wala naman pong camera dito kaya hindi mo kailangang gumanyan" sabi ko.

"E-eh kasi p-para makasanayan mo " patuloy na paliwanag nito habang hinahaplos ang batok.

"Anong para maka----" hindi naituloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsigaw ng kung sino.

"Good Morning !!!! " masiglang sigaw ni Anthony .

Tiningnan ko siya "Oh? Masaya ka ata ngayon ?" tanong ko.

"Wala lang" anito at binututan pa ng bungisngis."Ano nga palang ginagawa niyo rito sa daanan ?" biglang tanong nito.

"Ah wala nag-uusap lang kame, halika na kumain na tayo ng agahan" kayag ko sa kanila at nauna na akong bumaba, sumunod naman sila sa akin.

"Anong lulutuin mo Ace?" tanong ni Anthony.

"Ano bang gusto mo ?" balik na tanong ko rito.

"Hmmmm..." anito at tumingin pa sa itaas na tila talagang nag-iisip."Bahala ka na " sagot nito sabay tawa.

-_____-'   "Sabi ko na nga ba eh "

"Kumain nalang tayo sa labas " biglang suhestiyon ni Hanson na kanina pa tahimik.

"Sige , sige ! " pagsang-ayon ni Anthony.

"Pero sina Johnson at Andrew, pano sila ?" tanong ko.

"Anong paano sila?  Umalis na yung dalawa kanina pang madaling-araw kaya tayo lang tatlo ngayon" paliwanag ni Anthony.

"Ahhh... sige kumain nalang tayo sa labas , teka lang magbibihis lang ako" sabi ko at dali-daling umakyat upang magpalit ng damit

----

Nang matapos akong magpalit ng damit ay bumaba na ako, nakita kong nagpalit na rin ang dalawang ng damit.

"So... shall we go?" aya sakin ni Hanson.

"Sure !" pagsang-ayon ko pero nabigla ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko " Hoy, anu to ?" tanong ko at itinaas ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Uhm... kasi girlfriend kita ?" sabi ni Hanson.

"ANO ??!! Girlfriend mo na si Ace ?!" biglang tanong ni Anthony na nanlalaki ang mata.

"Oo Anthony , kagabi lang" cool na sagot nito.

"Totoo ba yun Ace?" tanong ni Anthony habang nakatingin sa akin.

"H---" naramdaman kong siniko ako ni Hanson ng marahan "O-oo" sagot ko nalang at umiwas ng tingin.

"Well... what can I say ?? Congratulations for the both of you " bati nito sa aminng dalawa. Ewan niya ba pero pakiramdam niya ay may iba sa paraan ng pagbigkas ni Anthony sa mga salitang iyon.

"Oh. Halika na umalis na tayo" yakag muli ni Hanson.

"Hindi na ako sasama, baka makaistorbo lang ako" pagtanggi ni Anthony habang nakangiti ngunit may nababasa siya sa likod ng mga ngiti nito............. Sakit ?? 

"Okay , bahala ka mauuna na kami. Paalam" pamamaalam ni Hanson at hinila na ako palabas.

"Bakit kinalangan pa natin magpanggap pati sa harap nila ?" tanong niya rito habang papunta sila sa sasakyang kanilang gagamitin.

"Kailangan kong gawin iyon para mas kapani-paniwala, alam kong sa kalaunan ay madya-dyaryo at mapapalabas tayo sa lahat ng balita sa buong mundo bilang magkasintahan at kung malalaman nila ang totoo ay baka madulas pa sila at masabi sa iba kaya ayos na ang ganito" paliwanag nito. Nakarating na kami sa kanyang Jaguar at pinagbuksan ako ng pinto agad akong pumasok sa loob ng sasakyan.

"Pero hindi ba't kaibigan mo naman sila ? Kaya dapat pagkatiwalaan mo sila " sabi ko sa kanya.

"Pero .. basta .. wag ka na ngang makipagtalo pa okay ?" pagsuko nito.

"Okay... pasalamat ka kaibigan kita at mabait ako kaya tinutulungan kita" sabi ko habang nakatingin sa kanya nang mabanggit ko nag salitang KAIBIGAN ay may nabanaag akong sakit sa kanyang mga mata , tulad ng sakit sa mga mata ni Anthony nang malaman niyang may relasyon kami... Pero para saan naman ang sakit  na iyon ??

Matapos nang pahayag kong iyon ay hindi na siya nagsalita pa, kaya tahimik kami habang bumibyahe.

"Andito na tayo" basag nito sa katahimikan naming dalawa. Nakita kong tumigil kami sa isang Vintage-style na Cafe. Lumabas ito ng sasakyan upang pagbuksan siya, paglabas niya ay agad nitong hinigit ang kanyang kamay. Pumasok kami sa loob ng naturang Cafe nang ganoon ang ayos, lahat ng mata'y nakatingin sa amin lalo na sa akin tila ba sinusuri ako at ang aking pagkatao.

Sa puntong iyon ko palang nalaman at naramdaman ang gulong napasukan ko..............

____________________________________________

Iyan na ! Sana nagustuhan niyo po ! 

Votes & Comments are needed , if this chapter got 5 votes mag-uupdate ako agad . That's a promise :)

CIAO!

Were Married?! But Wait Which One Of You ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon