Chapter 6 ~ Hanson and ME but WHAT THE HELL?!~

239 8 4
                                    

Uwaaaaah ~! Di ko makeep ang pramis ko na di muna ako  mag-u-update TT^TT masyadong makati yung kamay ko na mag-UD.

Anyways heto na oh. Sana magustuhan mo ~! 

Enjoy ~! Oops ! Si Johnson pala nasa gilid (^_^)v - ang gwapo no ?

____________________________________________________

~EIJIGRACE's POV~

"Try mo to .... yan..... ganyan... ok... 1..2..3!" sabi ko. Nandito kami sa garden nag-pho-photshoot. Ewan ko pero ang sarap nilang kunan yun bang kahit na hindi maganda ang angulo mo pero pagtingin mo sa nakunan  mo ang pogi pa rin nila kahit saang angulo.

"Dapat sinisingil ka namin sa ginagawa namin ngayon Ace eh" pabirong sabi ni Hanson.

"Oo nga tingnan mo nag-po-pose kami ng topless ng libre samantalang yung iba dyan kahit magkano handa kaming baayran para lang mag-pose kami sa kanila hindi pa topless yun tapos sayo? Libre?" biro din ni Johnson. Pinag-topless ko sila ang MY GOODNESS! SO HOT! pero hindi muna ako nagpaapekto sayang to dapat kunan ko tapos saka ko nalang tititigan.

"Eh pumayag kayo eh . Hehe" sabi ko nang may ngiting aso.

"Ang lakas mo samin eh" sabi ni Anthony

"Ako pa. Eh di ba asawa ko ang isa sa inyo " pabirong saad ko sabay bungisngis

"Ayoko maging asawa mo Ace kuripot ka eh " ganting biro ni Johnson.

"Eh pano kung ikaw nagpakasal sakin. " sabi sabay tawag tumagilid naman ako. Oo tama yang imagination mo habang nag-uusap kami ay nag-po-pose pa rin sila. "Pero sino nga kaya no?" nahihiwagaang tanong ko pa rin.

"Baka si Andrew" sabi ni Anthony sabay tawa , tumawa din yung dalawa

"Hahaha funny! " sarkastic na sabi ko at inayos yung pose ni Johnson.

"Pero panu nga no Ace? What if si Andrew nga? Kasi alam mo yun siya lang ata nasa tamang huwisyo nung gabing yun" dagdag ni Hanson

"At talagang nag-gagatungan pa kayong tatlo" sabi ko.

"Bakit ? Sinasabi lang naman namin ang mga possibilities" sabi ni Anthony

"Nah. Tama na nga muna pagod na ko , i'm sure kayo din . Lulutuan ko na kayo yun nalang kapalit ng libreng poses niyo" sabi ko at nagpatiuna na sa loob sinuot muna nila ang kanilang mga damit at sumunod sa loob.

Pumunta agad akong kusina at naghanda upang ipagluto sila.

Nakahiga ngayon si Johnson sa sofa samantalang si Anthony sa lapag pagulo-gulong na parang bata.

"AYST! Nakakapagod! Ace ! Dapat madami at masarap yan kundi sisingilin kita !" pabirong banta ni Anthony.

"Lagyan ko ng lason to eh !" balik biro ko sa kanya

"Wag ! Mawawalan ng isang napaka-hot at may angelic voice ang mundo" anito.

"Ang yabang mo Anthony eh pano na  pag ako ang nilason ni Ace? Magwawala buong universe " saad ni Johnson

"Ang yabang niyong dalawa " sabi ko habang naghihiwa ng mga lulutuin.

"Gwapo lang " sabi ni Johnson 

Natawa na lang ako.

"Tulungan na kita wala namang gagawin yang dalawang yan kundi magyabang ng sarili" sabi ni Hanson na ikinatigil ko naman sa ginagawa ko.

 (^///////////////______////////////////^)

"N-naku w-wag na , k-kaya ko na to" utal-utal na sabi ko.

Were Married?! But Wait Which One Of You ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon