-Niki-I held Willow tight in my arms as she sleeps and Nico is kneeling infront of us. Hearing him beg and say his sorrys'.
I kept everything to myself, everytime he lie, everytime I hear him talking to 'her' over the phone, everytime he broke my heart. Because I want to keep him. I want to keep him for me and for our daughter though I am not sure anymore if he still love me the same...
" please.. wag mo naman akong iwan. Nasabi na nya ang lahat di ba? Maniwala ka naman sakin, Niks. Its you, it has always been you."
He cried. Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman mo. Kung ano at sino ang pakikinggan ko. I just had too much and I cant take anything more.
" tumayo ka na dyan. Please. Tama na. Ayoko na!"
I manage to say amidst of my tears. But he didnt listen. He stay, he resumed kneeling infront of us like he had no plans to stand there kahit anong mangyari.
" Niks naman, maliit na bagay lang ito eh, Maliit na bagay na hindi natin napag-uusapan ng maayos-"
" dahil hindi mo gustong pag-usapan. Dahil mas pinili mong magsinungaling sakin. Di ba? "
" dahil ayaw kong isipin mo na may kahulugan iyon na iba. Magkaibigan lang kaming dalawa. Asawa kita, may anak tayo. At mahal na mahal ko kayong dalawa. Niks, saan ba ko nagkulang sa pagpaparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal? Anong pwede kong gawin para magtiwala ka ng buo sakin? "
" Hindi ko alam! Hindi ko na din alam!!"
I cried harder as I yell, Willow jerked and woke up. She started crying as welł.
" Sorry I messed up. Sorry kung hindi ko natupad ung pangako ko na magiging masaya ka sakin. Im sorry I... I did things that made you doubt my loyalty. Pero mahal kita. Mahal na mahal kita..."
Nag-iiyakan kaming tatlo ng pumasok sa kwarto ang mga in-laws ko.
" Jusko kayong dalawa! Umiiyak na ang bata!"
Hindi na ako pumalag ng kinuha ni Nanay Marian mula saakin si Willow.
" Anak, ang mabuti pa ay magpahinga na muna kayong dalawa at magpalamig. Tignan nyo nga itong anak ninyo, hindi ba kayo naaawa sakanya? Nararamdaman nya kung ano man ang nangyayari sa iyong dalawa."
" ayusin nyo nga ang mga sarili ninyo! Wag kayong lalabas dito ng walang matinong desisyon!"
Matigas na sabi ni Nanay bago sila lumabas ng kwarto.
Walang kumilos saaminh dalawa pagkatapos. We cried in silence until there was no more tears to cry anymore.
Nico stand up and held me close to him.
" I know you're just being impulsive again. Nasasaktan kalang kaya ka nagsasalita ng ganyan. Later on, mare-realize mo din na nagsinungaling ako sayo pero hindi naman talaga kita niloko. Maiisip mo din na ikaw at ikaw lang naman ang mahal ko at sayo ako uuwi kahit saan pa ko magpunta. Nagsinungaling lang naman ako pero hindi ko naman balak sirain lahat ng pangako ko sayo. "
Niyakap nya ako at hinayaan ko lang sya. Ewan ko ba, kahit yata gaano kasakit mahalin sya, I will still end up listening to him. Noong araw na hinayaan ko syang sirain ang mga pader na iniharang ko sa sarili ko para hindi masaktan ng iba eh, iyon na yata ang araw na hinayaan ko ang sarili kong sumugal ulit kahit paulit-ulit nya pa akong saktan at masaktan sa mga susunod pang panahon.
-Nico-
" Alam mo Niks, noong araw na inamin ko sa sarili kong mahal kita, niready ko na din ang sarili ko sa mga ganitong bagay. We barely know each other at pareho tayong nangangapa pa sa isat-isa kaya alam kong hindi magiging madali. Idagdag pa ang age gap natin na one year."
BINABASA MO ANG
worth the chase.. <3
HumorGive it to me I'm worth it!.. napa-face palm nalang si coleen habang pinapanood ang nangaharana sa kanya na dinamay pa ang mga bayaw nya na game na game ding sumayaw!. lalo tuloy tumibay ang paniniwala nya na ang Love, minsan masaya,pero madalas, na...