A/N
Hi sayo na nagbabasa nito.. First time ko po gagawa ng story kaya sana magustuhan mo ito.. Di po ako professional so kung may mga errors man po, paki sabi po sakin please!
Thank you sayo na na-curious kung anong story ito.. Susubukan ko pong dalasan ang pag update, okay?
Hmm.. Nandito ka na rin lang.. Please vote, comment, follow... And everything so on and so forth.. Haha... Salamat!
Lovel lots...
Mirmae24
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------24
PROLOGUE
" mula ngayon sa amin ka na titira.. Mahirap lang kami kaya kailangan mo din magtrabaho.. Syempre, papakainin ka namin at bibigyan ng tirahan,kaya dapat lang diba? Tamang-tama dahil maganda ka naman.. Malaking tulong yan.. " naririnig kong sabi nung ale na nagpapatawag na ' nanay mila '. hawak niya ang mga kamay ko habang naglalakad kami sa masikip at mabahong eskinita na iyon. Sabi nya pupunta daw kami sa bago kong magiging bahay..
Arghhh.. Sumasakit ang ulo ko..at para akong nahihilo.. Bakit kaya..?
Dagdag pa yung sigeng pagsasalita nitong kasama ko.. Ay, ni nanay mila pala,, walang tigil at walang preno... Tapos ang higpet pa ng kapit niya sa mga kamay ko.. Para tuloy akong kinakaladkad, akala siguro nito tatakas ako..
"...... Tsaka makikilala mo ang tatay manuel mo.. Naku, matutuwa yun, magkaka anak na siyang babae.." Ang weird pero kinakabahan ako habang siya sige sa lang sa pagsasalita.. Hindi ko alam kung nasaan ako.. Ang alam ko lang ako si Luna Reyes.. Maya-maya pa, huminto kami sa tapat ng isang barong-barong.
Pagpasok namin nadatnan ko namin ang isang may edad nang lalaki na nakataas pa ang mga paa habang nanunood ng tv.. Pagkita sa amin, agad itong napangiti.. Ngiti na ikinataas ng mga balahibo ko..
" abat andyan na pala kayo... " bati nito sa amin... " ito na ba yung magiging ampon natin? "
Tanong nito habang nakatitig sa akin.. Nailang ako sa klase ng tingin na ibinigay nito kaya napayuko na lang ako.. Maliban sa kakaiba kong pakiramdam sa lalaking ito,naka-dagdag pa yung sakit ng ulo ko..
" naku manuel, oo.. Siya si Luna... Ang sabi nung babae dun sa ampunan nung kailan lang daw napunta ang batang yan doon. Sabi sa kanila ng mga pulis, may tao lang daw na nagdala sa kanya doon.. wala naman daw naghahanap diyan kaya sa ampunan dinala., matanda na daw sya kaya hinanapan nila agad ng mag-aampon. Abat napakarami daw ng mas batang pinapakain sila doon.. " explain nito habang naghahanda ng makakain.
"Ganun ba? Aba't ilang taon ka na ba?" Tanong ni tatay manuel.
" im 14 years old.. " mahina kong sagot.
Parang lalong lumapad ang ngiti nito.tila ikinatuwa nito ang narinig. " abat batang bata ka pa pala ano? Tska napakaganda mo naman palang bata.. Hamo't kami na ni nanay mila mo ang bahalang mag-alaga sayo.. " nakangisi nitong sabi..
BINABASA MO ANG
Princess of the Band
Teen FictionWhat if dahil sa isang pangyayari, mameet mo ang apat na sikat, gwapo at mayayaman na members ng isang banda? Paano pag maranasan mong maging prinsesa sa piling nila? Theirs is a life of fame, fortune and play.. Yours is mysteriously unknown.. Kaya...